Krista Ranillo at Manny Pacquiao, nakatira sa iisang condo sa L.A.?!

NASA STUDIO KAMI ng Starstruck nu’ng kamakalawa ng gabi nang may lumapit sa amin na very reliable source para kumpirmahing nasa iisang condominium nga raw sina Manny Pacquiao at Krista Ranillo sa Los Angeles, California.

May nagkuwento kasing nakatira sa isang condo unit si Krista at meron din daw na isang unit doon si Manny pero magkaibang floor lang.

Kaya totoo nga siguro ang napabalitang nagkikita sila roon at malamang tuloy pa rin ang ano mang relasyon meron sila.

Kaya tinanong ito ng Startalk kay Jinkee Pacquiao pero itinatanggi niya ito. Meron daw silang bahay roon sa Amerika at ang pagkakaalam niya doon tumitigil ang kanyang asawa. Bakit pa raw ito kukuha ng isang condo unit?

Sabi naman ni Jinkee, makararating din naman sa kanya ‘yun kung totoo nga ito at hindi naman daw ito maililihim sa kanya. Pero sa ngayon, naniniwala siyang hindi ito gagawin ng asawa niya dahil maayos daw silang nagkausap at halos araw-araw ay may komunikasyon sila.

Puspusan daw ang training doon ni Manny at ang pagkakaalam niya, hindi ito gumagawa ng kalokohan. “Alam naman niya (Manny) kung ano ang mangyayari sa amin pagka-gagawin niya ulit ‘yung mga hindi karapat-dapat. So kailangan behave siya,” napapangiting pahayag ni Jinkee.

“Kailangang intindihin niya na hindi na puwedeng maulit ‘yung dati na parang pinagpiyestahan kami. Nagkaproblema kami. I’m sure hindi na niya uulitin ‘yun,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng mga naglalabasang tsismis ay nandiyan si Jinkee na nagtatanggol sa kanyang asawa. Pero hindi naman daw siya nagbibingi-bingihan lang. Tiyak naman daw na makararating ito sa kanya kung may bahid nga ng katotohanan itong kumakalat na balita.

May galamay naman doon si Jinkee at sabi nga niya minsan ay nag-a-ala-Mike Enriquez daw siya na magaling na imbestigador. May mga galamay naman doon si Jinkee na siyang magpaparating nito sa kanya. Pero wala pa ngang ganu’ng balitang ipinararating sa kanya kaya buo ang tiwala ni Jinkee na walang ginagawang kalokohan ang kanyang asawa.

“Basta ang masasabi ko lang, okay kami. Nag-uusap kami everyday. Nagkakaintindihan kami.

“Basta kung meron lang manggulo, siguro ibang usapan na ‘yun kung manggugulo pa sila. Basta kami okay kami, masaya,” patuloy na pahayag ng tunay na Mrs. Pacquiao.

Nakunan din naman noon si Krista nang umalis ito pa-Amerika at sinabi lang niyang dadalawin daw niya roon ang pamilya niya at ang kapatid niyang inoperahan. Hindi naman daw siya magtatagal doon at babalik din siya agad dahil marami pa siyang commitments dito.

MALAPIT NA ANG finals ng Starstruck V at may announcement sila nu’ng nakaraang Linggo na sa halip na final 4 ang maglalaban sa darating na finals sa February 21 ay final 5 na raw dahil Starstruck V naman ito.

Kaya mahigpit na naman ang labanan pero anim na lang ngayon ang natira dahil natanggal na si Ian Batherson nu’ng kamakalawa at sa darating na Linggo ay isa pa uli ang matatanggal at dito malalaman kung babae o lalaki ang magpapaalam.

Pero mukhang mas matindi ang laban sa mga lalaking naiwan dahil pawang malalakas sila at mas maraming supporters.

Malakas ang kutob naming maiiwan sa Final 5 sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Steven Silva, Diva Montelaba at Sarah Labati.

Dalawa lang ang big winners pero matindi ang labanan kaya pakatutukan kung sino ang maiiwan dahil painit na nang painit ang labanan ng Starstruck V na magpa-finals sa February 21 na gaganapin sa Araneta Coliseum.

By Gorgy’s Park

loading...

21 thoughts on “Krista Ranillo at Manny Pacquiao, nakatira sa iisang condo sa L.A.?!

  1. si krista desperate na kasing magkaroon ng career at pera…wala naman syang talent at ang katawan niya di ganun ka ganda…wala shang maipagmamalaki…kaya mas gugustuhin nyang pag usapan na lang siya… kwawang babe.pinagaral pa ng mga magulang…wala nama ng issue-ng ganito kung di tlga totoo.di sha magandang ehemplo…

  2. jinkee, kung sawa ka na tsismis at intriga at sa paniwala mo totoo ang krista-manny, file an annulment. anyway, malaki -laki na rin ang nakuha mo kay manny plus sa iyo pa ang custody ng mga anak mo. baka pag lumaon, mas mayaman ka pa kay manny. ito naman ay kung naniniwala ka sa relasyon ng dalawa. pero kung ipagsisiksikan mo ang sarili, aba isip-isip baka nga may mahal ng iba si manny kaya kahit belo beauty ka pa, wala ka ng magic kay manny. kaya sa mga krista-bashers, KRISTA rules.

  3. nku mareng jinkee bantayan mo n yan c manny,,bka matulad ka kay karylle noon na wlang pagka alam alam,inaahas na pla ung boyfrend s knya

  4. jinkee,hire ka ng secret detective,like yung show sa america na cheaters!..tapos,pag nahuli mo sa akto,jumbagin mo ng bonggang bongga yang pokpok na yan….

  5. titigil lang siguro and gold digger na yan pag nahuli na harap-harapan at makatikim ng mag-asawang sampal at sabunot. Kung kailangan ni Jinkee ng restback, mag vovolunteer ako!!!

  6. ichura p lang n krista,,muka talagang papatol s lalakeng maraming peraat wala siyang pakielam ke may asawa p yan,,,kaya yang tiyahin nya n todo pagtatanggol s pamangkin nyang kiri eh dapat cgro sinusunog ang kaluluwa nyo s impyerno,,,

  7. aanhin m ang higpit n paggbantay m s asawa m,,kung may isang malanding krista ang laging naka buntot s asawa mong feeling guwapo,,,

  8. Jinkee, hire a private detective na US based na walang kilala kundi ikaw lang, hire a big time attorney for a looming big time divorce or separation kunin mo sa akto para may evidence, para big time ang financial settlement.

    I have a feeling this will be a big time hiwalayan blues kasi ayaw magbitaw ang Krista sa Manny, walang awa sa anak at pamilya, sisirain na naman ang pamilya ng iba, balang araw darating rin ang masamang karma sa kanya .

  9. Kapal talaga ng Kabit na Kiring ito!! Nakaharbat na naman ng mamahaling sunglass ke manny.

    Naku,Jinkee…ang babaeng imoral, kahit anong gawin mo ay bubuntot buntot pa din iyan sa me pera mong asawa. Kung ako sa iyo..bibiglain ko na lang iyan na sugurin at hulihin sa akto sila na magkasama. Isama mo lahat ng reporters at photographers ..sabay sabunot. Tapos ilabas mo s alahat ng diyaryo. Palagay ko, hindi na iyan makakatanggi na nagpapa dyug iyan sa asawa mo!!! Makati kasi..enjoy na ,me pera pa!!!

  10. paano ba naman d maasar sa u c manny, ha jinkee, e wala kang inasikaso kundi mamili ng milyones na bag? hehehe. ikaw kaya ang magpabugbog sa ring, tapos ang kitain mo, ibili mo rin ng mga bags?

  11. haha! kwidaw ka jinkee, ang lalaki kahit anong higpit ang pagbabantay mo ay nakalulusot pa rin pag gusto. siguruhin mo lang na malaki ang makukuha mo kay manny pag hiniwalayan mo siya.

  12. It does not mean na pag natanggal ka sa SSV or avenger ka na lang ay di ka na sisikat. Maraming avengers dati ng Starstruck dati na ngayon ay mga sikat na. And look what Piero achieved na natanggal din SSV. He got an award! THE MOST PROMISING YOUNG TALENTED DISCOVERY of 2010 dangal ng bayan entertainment award of Who’s WHO Philippines. At early age of 16 ay 17 original compositions na ang nagawa nya and model sya ng Penshoppe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.