Krista Ranillo, ‘di kuntento sa isang kasal lang

AFTER BEING ON the hot seat dahil sa kanyang pagkaka-link noon kay Manny Pacquiao, ipinakilala na ni Krista Ranillo ang lalaking totoong nagmamay-ari ng kanyang puso – si Niño Jefferson Lim. As if one wedding is not enough, the couple tied the knot twice – the first wedding was held last July 14 and the second, last August 8.

Ayon kay Krista, sa Norwalk daw sila unang nagpakasal ni Niño who is her childhood friend. That same day, they decided na magpakasal uli ng August 8 na more of a celebration where they invited their friends and family.

“’Yung mommy, daddy ko, nasabihan ko a day before lang, noong wedding. Pareho po kami ni Niño na Katoliko, kaso noong pumunta kami ng venue sa Long Beach, ipinapakita ko po kay Niño ‘yung venue, merong ongoing na kasal doon na Jewish. Nakinig kami sa ceremony nila. Napakaganda pala ng Jewish ceremony. Na-feel po namin ni Niño ‘yung Jewish ceremony na maraming meaningful rituals na nagsisimbolo sa union ng mag-asawa na talagang gusto namin,” kuwento ni Krista sa The Buzz correspondent na si Monet Lu sa Los Angeles, USA.

Sa pagpunta ni Krista sa Amerika, muling nagkrus ang kanilang landas ni Niño. Sino nga ba si Niño? Krista describes him as a good person. He is a businessman and a UST graduate. What made her fall in love with him? “Nakikita niya talaga ‘yung kabutihan ng tao. Wala kasing perfect na tao pero kapag nahanap mo ‘yung taong perfect sa ‘yo, ayaw mong lumipas ‘yung isang araw na hindi kayo magkasama.”

“I’m a better person because of him,” declared Krista. Magkasundo raw silang dalawa at nakahanap siya ng katapat sa katauhan ni Niño. “Someone na best friend mo, nakakausap mo at masaya kayo together.”

Krista is now pregnant. She wanted to clarify na hindi sila nagpakasal dahil siya ay buntis. Mahal daw nila ang isa’t isa. They are now building a family and they’re both excited.

Congratulations, Krista and Nino!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Krista Ranillo, ‘di kuntento sa isang kasal lang

  1. Ano yun? Pareho silang katoliko pero nagpakasal ng Jewish ceremony. Para kaya pag nag divorce..eh sabihi na peke ang kasal. Ahh..kasal sa Las Vegas ulit….madaling i divorce pag nariyan na ang papeles. Pero kasal na naman s aPinas…yan ang banagan natin.

    Kung ganoon….tunay na ang kasal at hindi nga si Manny Pacquiao ang tatay ng bata.

    Sinawaan na kasi si Manny at me Princess na!!! Dati mukhang atsay at ..dyulalay lang ang meron siya…Ngayon, nagbago ng taste niya…PRINCESS na ang hilig!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.