Krista Miller, may stigma na ang pangalan

SHOWBIZ TALAGA siguro ang puntirya ng na-tsismis na wannabe ni Cesar Montano na si Krista Miller.

Sa isang open call for actors para sa mga natatanging mga pelikula ng mga bagong director na magpapamalas sa darating na Cinemalaya, isa sa mga dumating para mag-audition ay itong si Krista.

Instant recall nga naman siya dahil sa isyu na kinasasangkutan niya with Cesar as “the lover” and Sunshine Cruz as the real wife.

Sa casting na naganap, pinagtitinginan si Krista, ayon sa kuwento ng source namin.

May mga nagdadalawang-sulyap sa kanya. Naninigurado na siya ‘yong babae na napabalita na dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa na after almost 13 years na pagsasama, sa isang iglap – at dahil sa kanya, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Buboy at Sunshine na ang tatlong mga dalagita nila ang umuwing talunan dahil sila ang mas lalong nasaktan.

Sa kaso ni Sunshine, nagsimula na siya sa muling pagharap niya sa kanyang iniwanang showbiz career.

Si Buboy, matapos mag-flop ang pelikula niya tungkol sa buhay ni incumbent Manila Mayor Alfredo Lim (is it dahil mahina na si Cesar or wala nang following si Mayor?) ay medyo nanahimik saglit. Pero alam namin, bubuwelo siya at humahanap lang ng timing.

At si Krista? Kung magaling siyang artista, malamang nai-cast na siya sa isa sa mga projects sa darating na Cinemalaya.

Kung ano man ang kahihinatnan ng career niya sa showbiz, abangan na lang natin. Pero ang pangalan niya ay may stigma na. Karugtong ng pangalan ni Krista Miller – siya ang babaeng dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Buboy at Sunshine. Amen!

 

KAWAWA NAMAN ang print ad and runway model na nawalan ng kanyang laptop at US passport sa Boracay on his way back to Manila noong nagsisimula ang Holy Week noong nakaraang linggo.

Nakaharap namin si Michael Robert  who is half-Pinoy (his mom is from Mabolo, Cebu) and half-American last Saturday kasama ang manager niyang si Pia who owns Glamoure Talent Agency.

Naikuwento niya ang kamalasan na nangyari sa kanya recently. Pakiwari niya nasalisihan siya ng porter na siyang naglalagay ng mga bagahe ng mga pasahero sa bangka papuntang Caticlan.

Dahil sa kaabalahan sa pag-aasikaso sa kanya at mga kaibigan nito sa pagbabayad ng environmental fee at transfer ticket (pabalik ng Caticlan), hindi niya namalayan na nawawala na ang kanyang backpack containing important documents like his US passport.

“We have checked the CCTV in Caticlan Port but nothing was recorded. I think it happened in Caticlan because there’s no CCTV and no evidence to prove if something happen on that side of Boracay,” he told us over coffee.

The best option for Michael is visit the US Embassy (it happened last Monday) to report his missing-stolen passport so the Embassy can cancel it and issue him a new one.

Lesson learned ayon sa Amboy model: “Next time, focus on important stuff so it won’t happen again.”

By the way, Michael is one smart model who’s a graduate of Psychology at the California State University.

 

BONGGA ANG mga showbiz celebrities natin nitong nakaraang Semana Santa.

Most of them are on vacation kung hindi man dito sa Pilipinas, nasa abroad sila.

Si Anne Curtis with boyfriend was in Sri Lanka, while Isabelle Daza was in Bali with her non-showbiz boyfriend na si Adrian. Si Maja Salvador naman was in Singapore with her family minus Gerald Anderson na umuwi sa Gen San.

Nasa Saigon naman si Zsa Zsa Padilla kasama ang mga anak na sina Zia at Coco. Ang super in love sa isa’t isa na sina John Llyod Cruz and Angelica Panganiban spent Holy Week sa isang private resort sa Calamian Group of Islands in Palawan dubbed by an international lifestyle magazine na one of the best resort in the world for 2013.

What a life!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Krista Miller, may stigma na ang pangalan

  1. Sa itsura pa lang pukita na siya. Cheap ni Cesar Montano. Mapagpatol sa mga babaeng pwede naman i-one time lang- Si Cesar naman seneryoso. Sayang si Sunshine na very loyal sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.