Krissa Mae, inimbitahan ni Julio Iglesias sa 3-month world tour concert!

KAPAMILYA NA BA ngayon si Francine Prieto?

Naitanong namin ito kasi napanood namin siya noong isang hating-gabi habang nagho-host ng early morning show sa DZMM Teleradyo. Kasama niya si Bobby Yan.

Kung sabagay, ang alam namin ay wala nang kontrata ngayon si Francine sa Siyete at mukhang malabo na siyang makabalik pa roon lalo pa’t nag-post siya sa Facebook account niya ng hindi kagandahang karanasan niya while doing the gag show Bubble Gang.

Mabuti naman at may bago nang raket ngayon ang dalaga. Kailangang-kailangan niya ngayon ng pera para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit na cancer. May mga tumulong na kapwa artista kay Francine at nakalikom sila ng malaki-laki ring pera. Kaya lang, since mahaba-habang gamutan ang sakit ng ina niya, talagang kailangang kumayod si Francine.

Mukhang regular naman si Francine sa radio show niya with Bobby Yan dahil nang magpaalam pa siya, sinabi niyang “see you tomorrow”.

Ito na kaya ang hudyat ng paglipat ni Francine sa ABS-CBN? Makita na rin kaya natin siya sa iba pang shows ng Kapamilya network?

NAPA-WHAT? KAMI sa message ni Krissa Mae Arrieta sa kanyang Facebook account.

Ang say kasi ng nanalong Bb. Pilipinas-International, iniimbitahan siya ni Julio Iglesias para sumama sa kanyang world tour.  At take note, sa private plane ng Latino icon siya sasakay.

“Just performed with Julio Iglesias tonight at a concert and was asked by him to go tour the world for 3 months first class with him on his private plane and perform with him….WOW. I’m so overwhelmed.”

‘Yan po ang naka-post sa Facebook ni Krissa Mae na hindi namin alam kung siya nga talaga ang may-ari o may nagpo-pose lang na siya iyon. Anyway, sa nakita naman naming photos niya, parang siya nga dahil pati baby photos niya ay nakalagay roon. Alangan namang may baby photos niya ang kanyang poser, ‘di ba?

Kamakailan ay nag-concert si Julio Iglesias. First time niyang mag-fund raising concert sa Pilipinas. Actually, para iyon sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy particularly ang mga taga-Tanay, Rizal. Para sa kanyang “Heart of Gold” concert ay hindi nagpabayad ng kanyang talent fee si Julio. Bilang charity na rin, nag-waive rin ang Araneta Coliseum ng kanilang rental fee.

Marahil ay na-meet ni Krissa Mae si Julio sa isang dinner party bilang kinatawan ng Bb. Pilipinas. Siyempre, may kinalaman dito ang Bb. Pilipinas Charities.

Anyway, totoo nga kayang inimbitahan ni Julio si Krissa Mae na sumama sa kanyang world tour?

At ano naman kaya ang masasabi ng dyowa ni Krissa Mae na si JayR tungkol dito?

Hindi kaya siya magselos?ANG LARA MORENA, muling umeeksena.

No, hindi lang siya artista ngayon kundi produ na rin siya. Siya ang nag-produce ng indie film na Fling.

At ang loka, mukhang patay na patay kay Rafael Rosell. Hindi niya kasi gagawin ang naturang indie film kung wala sa cast si Rafael. Yes, may ganoon siyang drama. Ha! Ha! Ha!

Nang makausap namin si Lara, talagang ikinuwento niya ang kanyang kundisyon para gawin ang first indie film niya.

“Sinabi ko kay Charlotte Dianco, scriptwriter ng movie, na hindi ko itutuloy ang project kapag hindi niya kinuha si Rafael. Kung hindi siya, ‘wag na,” kuwento ni Lara.

Siyempre, ginawa naman ni Charlotte ang lahat ng paraan para lamang makuha si Rafael. Nagwagi naman ang lola n’yo dahil pumayag ang Star Magic na gampanan niya ang role bilang boyfriend ni Lara Morena sa movie.

“I don’t know. I think bagay sa kanya ang role. Magaling naman siyang artista, eh,” rason ni Lara kung bakit niya kinuha si Rafael. Anyway, napaamin naman namin siya na crush siguro niya ang aktor. “Crush lang naman, eh,” say ng hitad.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Krissa Mae, inimbitahan ni Julio Iglesias sa 3-month world tour concert!

  1. o sya ikaw na nga ang maganda..at ikaw ang bb pilipinas intl…kakatawa ka day.
    baka lasing kaw. baka ang dami mong nainom na gin tuba o kaya ay lambanog…lol

  2. Habi habi po, di kagandahan ang katawan ng babaeng ‘to.
    Walang shape, walang rear end kumbaga. Di kaya bading to? Katawang lalake e.

Leave a Reply

Your email address will not be published.