Krissa Mae Arrieta, pinangakuan na ng korona sa Bb. Pilipinas pageant?!

HINDI AKALAIN NI Akihiro Sato na sa halos sa dalawang buwan niyang pagkawala sa Pilipinas dahil sa pagbabakasyon sa Brazil, may matinding isyu siyang sasagutin sa kanyang pagbabalik. Ito nga ay ang tungkol sa mga sexy photos niyang kumalat diumano sa internet. Isa na rito ay ang shot na makikitang isang kilalang gay photographer sa Thailand na nakayakap pa raw nga sa hubad na katawan ng Brazilian model-turned actor.

“He is like my family…  a father to me in Thailand,” paglilinaw ng binata. “When I started my career in Brazil, I flew to Thailand and he is the one who took all my shots and he did all the materials to start my modeling career there. He is supposed to start my TV career also in Bangkok, but I prefer to try it here in the Philippines.”

Hanggang sa ngayon daw ay magkaibigan pa rin sila ng nasabing famous Thai photographer. Pero hanggang pagkakaibigan lang daw ang kanilang naging relasyon. Hindi raw talaga sila naging mag-on. Magkapamilya raw ang turingan nila.

Hindi naman daw siya apektado ng isyu tungkol sa kanilang dalawa. Tanggap naman daw ni Akihiro na bahagi na ng showbiz ang ma-involve sa kung anu-anong intriga.

“Wherever you are, wherever you go, people are talking about you. I know what I do. And I’m not gay. I have a lot of gay friends and I don’t have a problem with anyone.”

Binigyang-linaw rin ng model-actor ang tungkol sa balitang kalahating araw niyang pagkaka-detain sa Thailand bago siya nakauwi ng Pilipinas.

“I forgot my immigrations ID. I called my manager, and they fixed everything.”

Trabaho raw ang focus ngayon ni Akihiro. Pagkarating nga niya sa Pilipinas, kaagad siyang nag-taping for Panday Kids kung saan kapareha siya ni Jolina Magdangal. May iba pa siya umanong proyektong uumpisahan pero ayaw muna raw niyang magbigay ng detalye hangga’t hindi pa final ang negosasyon hinggil dito.

Nananatiling loveless pa rin daw si Akihiro until now. Hindi naman daw siya naghahanap ng popormahan dahil mas gusto niyang sa kanyang career muna mag-concentrate.

“But we’ll never know. Kasi ‘pag halimbawa meron akong na-meet na attracted ako talaga, baka puwede na ulit i-entertain ko ang thought na magka-girlfriend ulit. Let’s see.”

Eh, ‘di ba bago siya umalis patungong Thailand, nali-link siya kay Rufa Mae Quinto?

“We’re just friends. We’ve worked together in SRO, di ba? So, naging close kami because of that. Close as friends. There’s nothing more than that,” mariing sabi pa ni Akihiro.

SA KATATAPOS NA Bb. Pilipinas pre-pageant recently, anim na pangalan ang naririnig naming top favorites na puwedeng manalo as Bb. Pilipinas-International, Bb. Pilipinas-Universe, at Bb. Pilipinas-Wolrd. Ito ay sina Maria Venus Raj, Gwendoline Ruaris, ang Kapuso star na si Krissa Mae a.k.a. Krista Arrieta Kleiner, Toni Hipolito, Mary Anne Rose Misan, at Helen Nicolete Henson.

Si Marie Venus Raj ang nanalong best in regional terno. Best in talent naman si Krissa Mae. And for the first time sa history ng Bb. Pilipinas, dalawa ang nanalong Miss Friendship, sina Maria Venus Raj at Princess Alimurong.

Sa March 6 pa ang grand coronation night to be held at the Araneta Coliseum and will be hosted by Dingdong Dantes and Carla Abellana. Pero ngayon pa lang, may usap-usapang kasado na raw para kay Krissa Mae (o Krista Arrieta Kleiner in real life) ang titulong Bb. Pilipinas-International.

Yes. Ipinangako na raw ng organizers of the said beauty pageant sa dalaga na mapagwawagian nito ang nasabing crown at title. Sino kaya ang nangako? Sino ang kanyang backer para maging gano’n kalakas ang kapit niya?

Ang suwerte naman ni Krissa Mae, kung gano’n, di ba? Hindi pa tapos ang pageant, naka-reserve na ang isang korona at titulo para sa kanya?

What if she becomes this year’s Bb. Pilipinas-International nga? Mangangahulugan bang totoo ang bulung-bulungan na sa kanya naipangako ang tritulong ito? What if talagang siya naman ang deserving para rito? O kaya, manalo siya ng ibang titulo?

Sa tingin naman kasi namin, beauty queen material din naman itong si Krissa Mae. Sa totoo lang!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Krissa Mae Arrieta, pinangakuan na ng korona sa Bb. Pilipinas pageant?!

  1. i never heard of akihiro?..sino namang kabaklaan at kalaosan ng gma yan..and bwt krissa mae..wateva!!!!!!!!!!111

Leave a Reply

Your email address will not be published.