Krissa Mae Arrieta, nakipagtukaan sa kapwa babae

Kumakalat sa internet ang litrato ni 2010 Bb. Pilipinas-International Krista Kleiner o mas kilala sa showbiz bilang si Krissa Mae Arieta, kung saan makikitang nakikipagtukaan ang actress/ beauty queen sa kapwa babae.

Nagpo-forum shopping din ang ang ilang detractors ni Krissa Mae para makarating sa pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang litratong ito at hinihiling nilang ma-dethrone o mabawian ng korona at titulo ang Fil-German beauty queen.

Ayon sa kanila, hindi umano magandang halimbawa ng babaeng Pilipina na kakatawan sa bansa sa pandaigdigang kumpetisyon ang pagiging ‘flirt’ ni Krissa Mae.

Kinukuwestiyon pa ng ilan ang pagkakaroon umano ng “double standard” ng namamahala sa mga beauty queen na ipinanlalaban. Madali nga raw nilang i-dethrone ang hindi nila nagugustuhan, lalo na iyong lumalabas sa sexy movie o nagkakaroon ng sexy pictorial sa magazine.

May mga sumusuporta naman kay Krissa at nagsasabing wala silang nakikitang malaswa sa litrato, at naniniwala silang kayang pantayan, kundi man mahigitan ni Krissa Mae ang naabot ni Maria Venus Raj sa 2010 Miss Universe pageant, kung saan nakuha nga ni Venus ang 4th Runner-Up title.

Nakatakdang mag-compete si Krissa Mae sa 50th Miss International pageant na gaganapin sa Sichuan Province Gymnasium sa Chengdu, China sa Nobyembre 7, 2010, bitbit ang bandila ng Pilipinas.

Previous articleDirek Wenn, aminadong ‘di type idirek sina Melai at Jason!
Next articlePara tigilan na si Marian Rivera: Bela Padilla, bibigyan ng maraming projects?!

No posts to display