Krissa Mae Arrieta, madalas matulog sa bahay ni JayR?!

HOW TRUE NA gusto na namang layasan ni Jennylyn Mercado ang manager niyang si Becky Aguila?

May naririnig na naman kaming tsismis na hindi na raw feel ni Jen ang pagma-manage sa kanya ni Becky kaya gusto niya itong layasan. Ang nakarating na tsika sa amin, tatapusin na lang daw niya ang kanyang kontrata kay Becky at goodbye na ang kanyang magiging drama.

True ba itetch, Jennylyn? Pakisagot nga.

Ang alam namin, hati ang management ni Jen dahil pumirma rin siya ng kontrata sa Viva Films. With this, co-managed din siya ng Viva.

Hindi kaya sa Viva Artist Management siya magpapa-full manage kapag wala na siya kay Becky?

Matagal nang nasusulat na lalayasan ni Jen ang kanyang manager, so hindi na kami nabigla nang marinig namin na nagbabalak na naman ang ex-girlfriend ni Patrick Garcia na mag-alsa balutan sa poder ni Becky.

Kung matutuloy ang plano ni Jen, isa na lang ang matitirang ima-manage ni Becky, si Valerie Concepcion na ang balita namin ay super invest na ngayon sa mga negosyo. May water refilling station si Valerie, laundry wash business at may franchise na rin daw ito ng Posh Nails sa The Forth.

Bakit ba parang palaging nilalayasan ng kanyang mga alaga itong si Becky? Noong una, nawala na sa kanya si Joross Gamboa, then Angel Locsin. And now, Jennylyn? How sad naman kung sunud-sunod siyang mawawalan ng talents, ‘di ba?

HOW TRUE NA madalas na nag-i-sleep over itong si Krissa Mae Arrieta sa bahay ng boyfriend niyang si JayR?

May nakapagtsika sa amin na may mga naiiwan pang gamit diumano si Krissa Mae sa kuwarto ni JayR sa bahay nito sa Pensylvannia St., New Manila, Quezon City.

May isang guest daw kasi ang nakabuking na minsan ay nakikitulog si Krissa Mae sa haybol ni Jay-R. Actually, hindi solo ng RnB singer ang balaysung dahil may dalawa pa siyang ka-share, ang isa rito ay ang kapwa niya singer na si Kris Lawrence.

Ang nakarating sa aming tsika, napansin daw ng bisita ni JayR ang nagkalat na high heels sa kuwarto ng binata. At nang tanungin daw ang singer ay inamin naman daw nitong kay Krissa Mae nga ang mga iyon.

True ba itetch JayR?

Lumipat na o lilipat pa lang si Mark Bautista sa GMA-7?

Well, baka nagsawa na siya sa ASAP dahil sa napakaliit na exposure niya sa Sunday show ng Dos. Masuwerte na kasi kung makabuo siya ng kanta kapag may production number sila. More often than not, medley ang kanyang sinasamahan kaya naman kulang na kulang siya sa exposure.

Kung sabagay,hindi pa naman talaga big star si Mark, pero masasabi naman naming magaling siyang singer.

Ang Dos naman ay sadyang ganyan. Kita mo, noong biglang sikat si Charice Pempengco ay biglang-bigla rin siyang nagkaroon ng interest sa career nito. Out of the blue ay bigla silang umeksena gayu’ng noong una ay hindi nila pinapansin ang beauty ni Charice. Ganoon din ang drama nila kay Rhap Salazar noon, ‘di ba? Hindi rin nila pinapansin ang bagets hanggang sa manalo ito sa isang international competition.

At ano ang ginawa nila sa Comedy

King na si Dolphy at ang Diamond star na si Maricel Soriano? Hindi ba itinengga nila ang mga ito at hindi binigyan ng assignments kaya nga lumipat na ang mga ito sa Singko?

Ganyan ba mag-mahal ang isang Kapamilya? Pagkatapos ka nilang pakinabangan ay bigla ka nilang ieetsa-puwera?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Krissa Mae Arrieta, madalas matulog sa bahay ni JayR?!

  1. natural lang sila sex kc masarap yan. mag syota now ganun gawa karamihan. wag na kayo magtaka. hehe..
    lalo pareho sila liberated laki iba bansa.

  2. Valerie Concepcion is wise to understand that an artist’s work is not forever. There will be a time when they will loose their “it” and most likely will be out of a job. Investing her hard earned money is a smart move.

    • Or pwede naman siyang bumili kaagad ng P10 M house gaya ni Francine Prieto. lol

  3. Magkasintahan si JayR at si Krissa Mae. Wala silang sabit at nasa husto nang gulang, and unless may issue ka sa posibilidad na nagse-sex sila nang di kasal, walang silang sinasaktan at wala na lahat tayong pakialam kung ano ang ginagawa ni Krissa sa kuwarto ni JayR.

Leave a Reply

Your email address will not be published.