Krissa Mae Arrieta, confident na sa kanya ibibigay ang korona?!

NAGKAROON NG THANKSGIVING party si Rocco Nacino recently sa Anchor Pavillion sa Pasig. Kasabay nito ang pagpapakain at pamumudmod niya ng mga laruan at iba pang regalo para sa mga batang beneficiary ng mga regular outreach programs ng kanilang church. Naroon din ang mga hukbo ng tagahanga niyang kung tawagin ay Roccofellas, ang mga magulang niya at younger brother na si Kyle, at iba pang malalapit sa puso niya.

Ngingiti-ngiti lang ang binata nang mausisa namin hinggil sa naging meeting niya with GMA-7 regarding some possible projects nga na malamang ay umpisahan na niya very soon.

“Hindi ba puwede, confidential muna?” Natatawang tanong ni Rocco. “Ang masasabi ko lang muna, meron yatang possible projects nga and some endorsements also. May pinaplanong bagong teleserye na kasali ako sa cast. Drama po yata ang tema. So, hopefully matuloy.”

Kulang ang GMA ngayon sa mga leading man. Hindi man nanalo si Rocco bilang Ultimate Male Survivor, usap-usapang plano nga raw ng Siyete na i-push agad si Rocco as another Kapuso actor to watch out for.

“Kaya nga nai-inspire pa akong lalo na i-develop ang sarili ko. Parang napakalaking fulfillment sa akin iyon kung saka-sakali. Kung magagawa ko iyon.”

If ever, sino kaya kina Sarah Lahbati at Diva Montelaba ang gugustuhin niyang makapareha?

“Hindi ko pa alam. Pero ang turing ko sa kanilang dalawa, parang kapatid, eh. At saka, ‘pag nag-heels sila, ang tatangkad pareho. Parang hindi kami bagay. Also, tungkol sa mga loveteam-loveteam, wala akong alam. Bahala na lang ang GMA.”

Pero kung siya ang tatanungin, sino ang gusto niyang makatrabaho?

“Si Marian Rivera. Gusto ko rin si Carla Abellana. Kasi siya ang ultimate crush ko,” tila nahihiya pang sabi ni Rocco.

Ngayong nagsisimula na ang kanyang showbiz career, tuluyan na kaya niyang tatalikuran ang nursing profession kung saan kapapasa lang niya rin sa board exam?

“Actually pumunta ako recently sa PRC (Professional Regulatory Commission), kinuha ko ‘yong license ko. Siyempre nag-flash back sa akin ‘yong mga ginawa ko as a nurse. And sa isip ko, ito talaga ang gusto ko, ang pagiging artista.  At nandito na ang opportunity kaya hindi ko na bibitiwan ito. Para sa akin, fallback ko ang nursing.

“Actually ngayon, nagbabasa-basa pa rin ako ng mga books tungkol sa nursing profession. Ayoko kasing makalimutan ang mga napag-aralan ko. Ayokong mangalawang. Advantage iyon, eh. Kasi lahat ng natutunan at napag-aralan ko, puwede ko pa rin namang ma-apply kahit nag-aartista ako.”

Bago sumali si Rocco sa Starstruck, nakipag-break siya sa kanyang girlfriend para makapag-focus nga raw sa nasabing artista search na sinalihan. May plano ba siyang balikan ito ngayon?

“Now? Now… not yet. Kasi gusto kong sa trabaho muna talaga. So sarado muna ang pinto sa pag-ibig.”

Sobrang na-hurt daw ‘yong girl dahil ipinagpalit niya sa ambisyong mag-artista?

“Oo. I understand. Kasi, sino ba naman ngang hindi masasaktan no’n? Pero nag-usap kami nang maayos. At naintindihan naman niya ako. Nag-break man kami, but we’re friends.”

Wala siyang anumang regrets?

“There has to be a sacrifice. This is the path I chose at ito ang priority ko ngayon. Na… masa-sacrifice talaga ang relationship,” panghuling nasabi ni Rocco.

TAMA ANG NAISULAT namin last week, sure winner na si Krissa Mae o Krissa Arieta Kleiner para sa titulong Bb. Pilipinas-International. Bago pa man kasi ang pre-pageant ay bulung-bulungan nang naipangako na nga diumano ito sa Kapuso star.

‘Yon kaya rin ang dahilan kung bakit mula umpisa hanggang announement of winners ay very confident talaga si Krissa Mae? Dahil alam na rin niya ang tungkol sa usaping nakakasa na nga umano sa kanya ang korona bilang Bb. Pilipinas-International?

Pero intrigahin man siya sa kanyang pagkakapanalo, hindi na mababawi ang napagwagiang korona at titulo.

Mismo!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleLian Paz, isinilang na ang anak nila ni Paolo Contis!
Next articleTeam Ruffa o Team Kris?

No posts to display