Krissa Mae Arietta, sinulot si JayR sa non-showbiz gf?!

NUNG MARTES NG gabi lang dumating si JayR kasama sina Dingdong Dantes at Aljur Abrenica galing sa New York, kung saan nagkaroon sila ng show roon para sa GMA Pinoy TV. Sasalubungin sana namin sila sa airport pero hindi kami binigyan ng permit dahil diyan sa A-H1N1 virus na ‘yan.

Interesado kaming makunan ng sagot si JayR kung totoong break na sila ng non-showbiz girlfriend niya.

Matagal na naming kilala si JayR at ang pagkakaalam namin, halos sampung taon na niya itong girlfriend. Kaya nakakagulat nang nalaman naming break na raw sila. Hindi pa ito nakumpirma ni JayR kaya abangan n’yo na lang sa Startalk ang sagot niya tungkol dito.

Ang isa sa nakarating sa aming dahilan ng break-up ay ang baguhang Fil-Am actress na si Krissa Mae Arietta ng GMA 7.

Nakausap namin si Krisa Mae at inamin niya sa aming break na nga si JayR sa kanyang girlfriend, pero hindi naman daw siya ang dahilan.

Lumalabas daw sila ni JayR pero hindi pa raw niya masasabing sila na. Mas mabuting si JayR na lang daw ang tanungin, dahil ayaw naman daw niyang manggaling pa sa kanya. Pero okey raw sila ngayon ni JayR at nagi-enjoy naman silang magkasama lagi.

Kung ano man daw ang sasabihin ni JayR tungkol sa break-up nila ng kanyang girlfriend, gusto lang linawin ni Krissa Mae na hindi siya ang dahilan at never daw siyang nang-aagaw ng boyfriend ng iba.

Anyway, gusto palang magpasalamat ni Krissa Mae sa lahat ng pumunta sa mall show nila sa Robinson’s Metro East nu’ng nakaraang Linggo. Kasama ni Krissa Mae sa mall show na ‘yun sina Kevin Santos at Jayann Mercado ng Pinoy Idol.

ANG ISA PANG nagkakadebelopan naman ngayon ay sina Katya Santos at ang soloist ng bandang Slapshock na si Jamir.

Nakorner ng Startalk si Katya sa premiere night ng pelikula niyang Prinsipe Sabong nu’ng nakaraang Linggo, at hirap na hirap itong sagutin kung ano talaga ang meron sila ng rakistang ito ng Slapshock.

Sabi naman niya, hindi na raw uso ngayon ang ligawan at kung ano man daw ang ma-develop sa kanila ni Jamir, hayaan na lang natin.

Nag-i-enjoy naman daw silang dalawa at wala nga raw siyang ibang karelasyon ngayon. Pero hindi pa naman daw niya masasabing sila na nitong Jamir ng Slapshock, basta friends lang daw muna sila.

Samantala, ipinagmamalaki ni Katya itong pelikula niyang Prinsipe Sabong dahil nanalo na pala ito ng gold sa World Houston Film Festival at nagka-bronze naman daw sa Mexico. Kasama ni Katya rito si Gardo Versoza na dinirek ni Yeng Grande. Marami pa raw international filmfest na sasalihan itong Prinsipe Sabong.

by Gorgy Rula

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.