Krisis sa Sabah, Tapos na; Raja Muda, Missing pa

BAGAMA’T HINDI pa nahahanap si Raja Muda Agbimuddin Kiram, na-niniwala ang pamahalaan ng Pilipinas na tapos na nga ang krisis sa Sabah, katulad ng deklarasyon ng Malaysian government.

Una ng sinabi ng Malaysia na nakauwi pabalik ng bansa si Raja Muda pero hindi pa namamataan ng mga kinauukulan sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman, nakapasok na ang humanitarian mission ng Pilipinas at mismong si Ambassador Ed Malaya ay nagsabi ring tapos na ang krisis lalo sa Felda at Lahad Datu areas.

Sinabi ni Hataman na noong Marso 1 nito nakausap si Raja Muda at gusto nang magpakuha para bumalik ng Pilipinas.

Samantala, hindi a-lam ni Hataman kung ano na ang nangyari at saan na napunta si Raja Muda pagkatapos ng operasyon ng Malaysian forces.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.