Krisis sa Egypt, Level 3 na Lang – DFA

IBINABA NA ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 3 ang crisis alert sa mga Pilipino na apektado ng away-pulitika at banta sa seguridad sa basang Egypt.

Sinabi ni DFA Secretary Albert del Rosario na ito’y kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Embassy sa Cairo matapos bumuti ang sitwasyon sa nasabing lugar.

Sa ilalim ng crisis alert level 3, voluntary repatriation na ang ipatutupad imbes na sapilitang pagpapauwi o paglilikas sa mga Pinoy.

Pero wala pa ring maggagawang Pinoy na papayagang pumunta sa naturang bansa.

Suspendido rin ang pagbalik ng mga asawa ng Egyptian at Islamic University students doon.

Sa kasalukuyan, hanggang Nobyembre 12, 163 OFWs na ang napauwi mula Egypt.

Samantala, inatasan naman ni Del Rosario ang embahada ng bansa na patuloy na alalayan ang 6,000 pang Pinoy sa Egypt.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.