Krisis, ‘di pa tapos; Kumander Malik, ‘di pa nahuhuli

TALIWAS SA deklarasyon nina Interior Sec. Mar Roxas at Defense chief Voltaire Gazmin, hindi pa rin umano tapos ang krisis at bakbakan para sa mga Zamboangueños, ilang linggo nang salakayin ng MNLF-Nur Misuari group ang Zamboanga City.

Ayon kay City Mayor Beng Climaco, aabutin pa ng ilang linggo bago tuluyang maideklarang ligtas na para sa daang libo nilang residente na makabalik sa kanilang mga bahay.

Matatandaan na unang sinabi ni Sec. Roxas na tapos na ang Zamboanga siege habang ipinagmalaki naman ni Armed Forces of the Philippines spokesperon Lt/Col. Ramon Zagala na humupa na rin ang banta sa lugar.

Pero inihayag ni Climaco na wala pang clearance sa kanila ang militar para bumalik ang mga evacuees at maging ang trabaho sa city hall.

Kinuwestyon din ng opisyal ang resulta ng military operations laban sa mga rebelde, partikular kung nasaan na si MNLF commander Habier Malik.

Maaalala na si Malik ang tinuturong lider ng mga rebelde na sumalakay sa lungsod noong Setyembre 9.

“Where is Malik? I have been questioning them on where is Malik,” ayon sa alkalde.

Una rito, lumabas ang ulat na nagawa umanong makatakas ni Malik patu-ngong Sulu, sa gitna nang mahigpit na kordon ng militar.

Samantala, sa panig ni Sec. Gazmin, patuloy pa aniya nilang bina-validate ang mga impormasyon kaugnay ng MNLF commander.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.