Mas lalo raw minahal si Katrina Halili Kris Lawrence, pinatunayang proud na proud bilang ama

MASAYA NAMAN si Kris Lawrence nang nakausap ng Startalk at proud na proud ito sa pagiging ama sa ipinagbubuntis ni Katrina Halili.

Sabi niya, hindi naman daw totoong hindi siya masaya. Hindi rin daw totoong gusto niyang ipa-DNA test ito.

Napag-usapan nga raw nila ito ni Katrina at hindi na lang daw nila pinapansin dahil nakikita naman ni Katrina kung ano ang suportang ibinibigay niya sa pagbubuntis nito ngayon.

Ngayon pa lang nga ay pinaghahandaan na raw nila ang pagdating ng kanilang baby. Sa katunayan, me-ron na raw siyang bank account na binuksan para sa baby at naipamili na raw niya ng mga gamit, huh! Pati nga raw gatas at diapers ay naka-ready for six months. Bongga, ‘di ba?

Kasi hindi lang si Kris kundi ang Mommy nito ang pinaka-excited dahil gusto na raw niya talagang magkaapo. Kaya sobrang inaalagaan nila ngayon si Katrina para hindi ito mahirapan sa kanyang pagbubuntis.

Mukhang hindi naman hirap si Katrina sa pagbubuntis niya, at nagti-taping pa nga siya ngayon sa My Beloved. Type pa rin daw nitong magluto nang magluto.

Pero sabi naman ni Kris, kapag malaki na ang tiyan ni Katrina at tapos na ito sa My Beloved, gusto niyang magbakasyon sila sa El Nido, Palawan.

Magbabakasyon din daw si Katrina doon sa bayan niya sa Palawan at babalik na lang dito sa Maynila bago manganak. Gusto niya kasi dito manganganak at para mabantayan din siya ni Kris.

Nag-suggest din ang Mommy ni Kris, bakit hindi raw sa Amerika manganak si Katrina dahil US citizen naman siya. Medyo mahihirapan daw si Katrina kaya dito na lang daw.

Na-research naman daw ni Kris na puwede naman daw maging US citizen ang anak niya dahil sa kanya.

At least malinaw na walang problema kina Katrina at Kris at paulit-ulit ngang sinasabi ni Kris na lalo raw niyang minahal si Katrina.

 

GAYA NG mga nakaraang Semana Santa, siyempre sa bahay lang ako, dahil ito lang ang may sapat na panahon akong makapaglinis at makapag-ayos sa bahay.

Ang iba naman ay aligaga sa pagbabakasyon kung saan-saan at ang paboritong puntahan daw ay sa Boracay pa rin.

Pero ang ibang kakilala ko sa showbiz, ayaw na munang mag-Boracay dahil magulo raw roon pag Holy Week. Ang dami-dami nang pumupunta du’n at ang dami na ring mga insidente ng nakawan at away.

Doon nga madalas sina Bong at Lani, pero ngayon ay nasa Cebu raw muna sila. Kumpleto raw ang buong pamilya nila roon para magpahinga sandali.

Ang dinig ko naman, si Rocco Nacino ay magsi-Singapore kasama ang buong pamilya. Treat daw sa kanya ng Mommy niya ‘yun, at para makapagpahinga naman daw siya roon ng ilang araw. Sasabak na siya sa trabaho pagkatapos ng bakasyon dahil sisimulan na niya ang Lam-Ang.

Basta sana maging safe lang ang pagbiyahe natin at pagbakasyon sa ibang lugar.

Isang mapayapang Semana Santa sa ating lahat!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Mas lalo raw minahal si Katrina Halili Kris Lawrence, pinatunayang proud na proud bilang ama

  1. grabe naman sana maging happy nalang tayo sa kanila..lalo na kay kat lage nalng kasi syang na dedefine sa kanyang bad past. ngayon new life na sila lets all just be happy for them.

  2. magtrabaho ka mabuti kris lawrence! ikaw bumuhay sa mag ina mo! ngayong natatamasan mo ang 15minutes fame mo, dyan ka umarangkada ng mga raket!

Leave a Reply

Your email address will not be published.