Kris Lawrence, ‘di raw totoong duda sa ipinagbubuntis ng GF na si Katrina Halili

ISANG PAGLILINAW ang ipinahatid sa amin through text ng isang very close kina Katrina Halili at Kris Lawrence. Ito’y kaugnay ng naisulat namin last Wednesday na dahil sa pag-iwas ng singer na magpa-interview o magsalita hinggil sa nalalapit niyang pagiging ama ay nagkakaroon tuloy ng ispekulasyon ang iba na baka duda ang binansagang Prince of Soul na sa kanya ang dinadala ng aktres.

Ayon sa text message na aming natanggap mula nga sa taong malapit pareho kina Katrina at Kris… hindi naman daw
naghiwalay ang dalawa. At lalong hindi naman daw umaalis ng bahay si Katrina kung hindi trabaho ang pupuntahan.
Kaya paano raw magkakaroon ng pagdududa si Kris kung siya nga ang ama ng ipinagbubuntis ni Katrina.

Kung sabagay, sexy man ang image at madalas ay kontrabida ang roles na ginagampanan ni Katrina, sa totoong buhay ay
wala sa personalidad niya ang magkakaroon ng iba pang affair kapag may karelasyon na.

At ang isa pa ngang labis na ikinabibilib ng mga nakakakilala nang lubos sa aktres ay ang sobrang pagmamahal sa kanyang pamilya. Na wala siyang hindi gagawin alang-alang sa mga ito.

Siguro matigil na ang hindi magandang ispekulasyon, dapat ay tigilan na ni Kris ang pag-iwas na magpa-interview sa media. So, anong dahilan nga ba kasi at ayaw niyang magsalita hinggil sa nalalapit niyang pagiging ama?
‘Yun lang!

 

MAGKAIBIGAN SINA JayR at Kris Lawrence mula pa noong high school sila. Kaya sa pagiging mailap for interview ng singer ay hindi maiwasang matanong ang R & B Prince tungkol dito.
Kung si JayR ba ang nasa situwasyon ni Kris, iiwasan din niyang magsalita o magpa-interview sa media tungkol sa
nalalapit na pagiging daddy?

“Uhm, ano naman… siyempre kung ambush interview… no choice. Pero if I’ll have a choice, you know… I’ll stay quiet na lang naman. Kasi nagsalita na (si Katrina). And… kung ‘yong intensiyon ko naman, maganda… hindi naman kailangang magsalita or anything na gano’n.”

Pero bakit nga ba parang hindi proud si Kris tungkol sa magiging anak nila ni Katrina? Bakit todo-iwas itong magsalita o
magpa-interview? “Hindi. Intriga lang ‘yon. Proud na proud si Kris. Pero hindi naman… just because hindi siya nagpapa-interview, ibig sabihin no’n, e… hindi na proud. Ano lang kasi, siyempre ‘pag showbiz, siyempre… nai-exploit ‘yong mga private lives ng mga tao. You know minsan, gusto rin naming maging private. So… sa tamang oras lang siguro, magsasalita na si Kris.”
Kagaya ni Kris, ayaw ring magsalita ni JayR hinggil sa napapabalitang break-up nila ng dating Bb. Pilipinas-International titlist na si Krista Kleiner.

“No comment na lang ako ro’n!” sabay tawa niya. “A… you know, ang mga relationships naman… laging may ups and downs. ‘Di ba? So… pangit din naman kung magsasalita ako ng nangyari na ganito… Ang masasabi ko na lang, you know…
it’s not all happy times. You just have to work through it lang talaga.”

Are they both trying to work things out muna kung anuman ‘yong nagiging problema ngayon sa relasyon nila? “Uhm… yeah. You know… no comment muna ako ngayon,” bahagyang natawa ulit si JayR.

May third party ba kaugnay ng napapabalitang hiwalayan nila? “Hindi. Walang gano’n. It’s just ano lang, uhm… you know, I just have to figure myself out din muna. ‘Yon lang ang masasabi ko. And just, a… soul searching,” panghuling nasabi na lang ni JayR.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Kris Lawrence, ‘di raw totoong duda sa ipinagbubuntis ng GF na si Katrina Halili

  1. YAN! maKATi makaka AmericanSHITizen ka na ! Namumulubi na ang America, bagsak na ang real estate, problemado ang health care system, walang trabaho ang mga tao– Perfect timing! Matutupad na ang pangarap mo. Kumusta na ang sales ng international release ng Video Karera mo?

  2. BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MATALINO NA MABAIT PA MAPAGBIGAY PA DYOSA PA NG KAGANDAHAN. OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. ACHECHECHECHE

  3. kris and jay r, dalawang struggling singers na dahil sa kanya kanyang issues kaya pinag aksayahang pansinin ng mga tao. kris at jay r, sagot lang kayo ng sagot sa mga interviews nyo but ill give both of u a month and after that, balik na uli kayo sa pagiging mga struggling singers with flop albums kung meron man at one of thise singers na nahahagip lang ng camera sa party pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.