Kris Bernal, umaasa pa rin kay Aljur Abrenica?!

ISA SA MGA positibong ugali ni Lovi Poe magmula nang pasukin niya ang showbiz ay ‘yung magiliw siya press. Kaya siya ang tipo ng artista na walang mga tanong na hindi binibigyan ng sagot kapag iniinterbyu. Hindi na lang siya sumasagot sa tanong kapag ayaw niyang patulan ang isyu.

Mula noon hanggang ngayon, ang tsika na hindi siya kumportableng pag-usapan ay tanong kung papaano ba siya i-trato ng tunay na kapamilya ng yumao niyang daddy at Action King na si Fernando Poe, Jr. na siyempre pa’y laging mababanggit ang pangalan ni Miss Susan Roces.

Napagbibintangan si Lovi na kaya ayaw pag-usapan ang tungkol sa tunay na pamilya ng yumao niyang daddy ay dahil naiilang o takot siya. Pero ang totoo ay marespeto si Lovi, at iginagalang niya ang katahimikan ng tunay na pamilya ng kanyang ama.

Hayag naman na hindi legal na pamilya ng namayapang aktor ang mommy niya na si Rowena Moran, kaya para kay Lovi, lumulugar lang siya lagi. Lalo pa’t ngayong artista na siya ay nakakasalamuha niya parati ang taong may kaugnayan sa mag-asawang dating movie queen and king.

Hindi ang tipo ni Lovi ‘yung anak na manggugulo sa legal na pamilya ng kanyang ama. Aminin man o hindi ng mga taong sangkot sa isyung ito, pero kung tungkol daw sa anumang mga naiwan ni FPJ na dapat matanggap ng magandang aktres, may inayos na raw tungkol doon si Susan Roces, at hindi na iyon kailangang ipagmaka-ingay pa.

 

HINDI ITINATANGGI NI Kris Bernal na talagang na-in love siya kay Aljur Abrenica nu’ng kasagsagan ng kanilang loveteam.  Ang malungkot lang talaga, ngayon na lang niya ito nasasabi, dahil matagal na nga silang hindi nagkakasama sa project.  Pinaghiwalay na kasi ang kanilang tambalan. Pero ang ikinatutuwa lang ng young actress na bida sa teleseryeng Time of My Life ng GMA-7 ay okey pa rin naman ang friendship nila ngayon ni Aljur kahit hindi na sila magkapareha.

Simple lang ang pagpapakatotoo ni Kris na napalapit sa puso niya si Aljur, pero malungkot ang pinagdaanan niya noon, dahil habang magka-loveteam sila, lihim na pinag-uusapan na ang tunay na karelasyon ng aktor ay si Rich Asuncion.  Kaya nga, nagkulang sa kilig ang tambalan nila, dahil sila ang magkapareha, si Rich naman daw tunay na girlfriend. Hindi naman nakapagtataka na mapalapit ang loob ni Kris sa binata, dahil maraming kababaihan sa showbiz ang humahanga ngayon kay Aljur.

Napaka-gentleman ni Aljur, lalo na sa harap ng kamera. Pero may mga nakapansin na diumano’y pinagmukha raw niyang kaawa-awa dati si Kris, dahil kung sweet daw sila sa harap ng kamera, ka-baligtaran naman daw iyon kapag sila lang ang magkasama. Hindi raw masyadong pinapansin ng binata ang aktres, kaya parang si Kris lang ang nagmamahal at si Aljur ay hindi ganu’n sa dalaga.

Nami-miss na rin ni Kris na mu-ling makasama sa trabaho si Aljur. Hindi naman imposible iyon, dahil pareho silang Kapuso stars. Kaya lang, sa ngayon ay medyo hindi pa sila pupuwedeng magsama, dahil mayroon nga silang magkahiwalay na mga proyekto. Habang kapareha ni Kris si Mark Herras sa kasalukuyan niyang teleserye, ipinasok naman ang karakter ni Aljur sa Amaya kaya siya ang bagong kapareha ni Marian Rivera.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.