Kris Bernal: The next Marian Rivera

BATA PA SI Kris Bernal, hilig na niya ang umarte. Pinipi-ngot ka rin ba ng nanay mo, at sinasabi sa iyong ang arte mo? “Ay oo, saksakan talaga ako ng arte!”

Ayon sa kanya, halos lahat na school club activities na related sa arts ay sinasalihan niya noong nag-aaral pa. Elementary pa lang siya, pangarap niyang kurso eh ‘yung magiging director siya kaagad. Uhumm… ambitious nga at dapat lang. Well, kung iyon ang nailagay na niya sa isip, malamang, one day papunta nga siya roon.

Sa dance-serye niyang Time of My Life, kumbinsido siyang  ang sayaw ay kasama ng himig ng isang awitin, na sa saliw at tunog at bawat himaymay ng galaw ng katawan ay tila kasama sa natural na agos ng kalikasan nito. Dugtong pa niya ay ‘pleaser’ siyang tao, kahit nasasaktan sa maraming nagsasabi na hindi siya ganu’n kagaling sumayaw.

Pero ako mismo’y bumisita sa rehearsal niya ng sayaw. Sabagay, madali naman siyang turuan ng kanyang choreographer. Naks! Kris, hayaan mo na ang mga detractors mo. Nakakatulong ito kung hindi mo maituturing na kaaway ito. Gawin mong tapakan ito bilang hagdan tungo roon sa isang matagumpay na pangarap. Isang natural na bagay ang laging may

salungat sa anumang field sa ating mga ginagalawang gawain.

Kailangan nga lamang natin ay matuto tayong magtimbang na parang sasakyan sa gitna ng maalong dagat. Then, one day, iyon pala’y bahagi lamang ng ating trabaho.

Maging ang mga kapatid natin mga press people, trabaho rin nila ang magpa-anghang at magpa-tamis; meaning, good or bad, it is already existing in the showbiz system. “Sometimes, may mga time pa rin na maaalala mo talaga na kapag tagos talaga sa ‘yo, iiyakan mo pa rin, ganu’n.”

Ito’y kahit daw sanay ka na sa intriga. Kaya ang payo ko kay Kris, ‘ah… kung iiyak ka, magpatugtog ka ng mga love songs. Hahaha!’  Ito ang tugon niya, “Hahahha! Parang iiyak ako lalo nu’n.”

Abala ngayon sa maraming projects si Kris. “’Yung dance-serye na Time of My Life, ‘yun po ang kauna-unahang dance show. Tapos every Sunday po, ‘yung Party Pilipinas na variety show. At sa Panday movie, sister ako du’n ni Marian Rivera na leading lady ni Bong Revilla.”

Ang pangarap niya ay ang tuluy-tuloy na pag-aartista. Sige lang, malay natin, tutal maganda naman ang acting at artistic projection mo. Medyo pataba ka pa ng kaunti para sa anatomy ng contour ng mukha mo sa TV. Malay mo, next to Marian ka. Oh, ‘di ba? Alagaan lamang siya ng GMA, para kong nakikitang lalong titingkad at magiging blooming ang kanyang career sa galing na naipapamalas niya sa acting. Sa panahon ngayon, dahil sa chemically treated na lifestyle natin, natural nang maging hyperactive ang kalakaran ng isang tao. Kasama na ang emotional stress at fatigue na maaaring maglikha ng mga toxic sa ating katawan. Lalo na’t ang mga tao sa ngayon ay nasa ‘survival of the fittest’.

Ang art lessons ay nakatutulong kung papaano ang treatment para tayo ay ma-refresh at ma-modulate. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng drawing sa papel, kulay ng pastel at pintura sa canvas dahil doon natin makikita ang mga bagay na nasa kalooban ng isang tao. At ginagawa ko ito to support the innate artistic value ng isang tao hanggang mabuo ang kanyang trust sa sarili at ma-maintain ang value ng reality.

Para ho sa mga intresado ng paintings at art lessons, mayroon po tayong Maestro Orobia Gallery Exhibit  sa 3rd floor ng Market! Market! near Playzone. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

 

For comments and suggestions, e-mail: maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

5 thoughts on “Kris Bernal: The next Marian Rivera

  1. If you will know only the real Kris Bernla hindi siya maarte as everybody connotes her.. yung sinabing maarte ng mother ni kris for her is clarified that Kris mahilig mag act kasi sa Schools niya ang participate na iyan sa mga Theatre shows.. Know her personally malalman ninyo yung sinasabi ko. So downto to earth perosn pag may challenge talaga namang gagawin niyan..

    Kris can do her own name pero just to compare to be another Marian RIvera it will be an honor for Kris pero kung ayaw ng mga Marian .. we do respect it..

  2. Si Kris Bernal malabong maging matinding aktres. Sobrang pacute lang ang type ng acting nya. Nakakasuya. Sweeter than sweet baga. Siguro i-suggest nya sa director nya na wag puro iyak ang ipagawa sa kanya. Sa Time of my Life, mga 3 o 4 na beses ang crying scene nya kada episode. Sa acting pareho nga sila ni Marian – pareho sila one-dimensional. Pero sa kagandahan at tindig, di paparis is Kris kay Marian.

  3. correct i agree with you miss thess, no one can replace marian rivera . and to comppare to kris bernal hindi nya kaya ang ginwa ni MR noh? tapos sabi nga nang mommy ni kris bernal eh ang arte-arte ni kris bernal eh, kung pag may mga eksena yan lalo na pagnka apak nko sobrang arte nyan… ngeh! di bagay sya maging next MR . no can replace marian yon lang . primetime queen na yan c marian. c marian ginagawa nya kahit ano ipagawa nya c kris beranl eww. saksakan yan ng kaartehan.. yon lang!

  4. si Kris,magaling naman din siyang artista, magaling sa drama. pero next Marian Rivera? I don’t think so….sa tingin ko wala pa akong nakikita na papalit sa isang Marian Rivera. iba kase si Marian eh, Versatile acctress siya, hindi lang siya may magandang mukha, napakalakas pa ng dating sa lahat,, hindi lng sa masa. kahit anong ibigay mo sa kanya carry niya lahat. mapa-drama, comedy, action, kayang-kaya na. wala pa talaga akong nakikita na pwedeng pumalit sa nag-iisang Primetime Queen ng gma. Nag-iisa lng ang Marian Rivera. totoo ‘yon!

  5. Pingback: Kris Bernal: The next Marian Rivera - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.