Kris Bernal, tagapag-ligtas ni Machete?

KALAT NA KALAT na ngayon sa showbizlandia ang pagpasok ni Kris Bernal sa ‘Machete’. Yes, may balikang magaganap sa pagitan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal bilang magkatambal sa teleseryeng inaabangan ngayon sa GMA-7.

Hindi maitatangging isa sa pinakamalakas na tambalan ng Kapuso network ang ALKRIS (Aljur-Kris). Sa Starstruck 4 pa lang, kitang-kita na ang chemistry ng dalawa. Una silang nagsama sa youth-oriented show na Boys Nxt Door at sinundan pa ito ng Zaido at Dyesebel.

Dahil sa lalong lumalaking fanbase, binigyan sila ng break bilang lead stars sa Sinenovela presents ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang highest-rating Sinenovela ng GMA-7. Katulad ng kinaugaliang gawain ng TV network, binigyan sila agad ng primetime show na ‘All My Life’. Kahit ang Regal Films ay sumugal sa kanila at binigyan sila ng launching movie na ‘Nandito Ako’. Sayang lang at hindi ito masyadong tinangkilik ng moviegoers dahil sa Ondoy.

Lalong lumevel-up ang AlKris nang ipagkatiwala sa kanila ang fantaseryeng ‘The Last Prince’. Nagkaroon din sila ng mga endorsements at kahit ang personal nilang lovelife ay pinapakialaman na rin ng mga madla. Panandalian silang ipinaghiwalay muna nang matapos ang The Last Prince. Naka-love triangle ni Aljur sina Rhian Ramos at Jackie Rice sa ‘Ilumina’ habang ang Starstruck V heartthrobs na sina Steven Silva at Rocco Nacino ang naging bagong leading men ni Kris sa ‘Koreana’.

Mixed reactions naman ang natanggap namin mula sa mga fans na nagpadala ng e-mail. S’yempre, masaya ang mga AlKris fans. Ang iba naman ay medyo nag-aalangan dahil lalabas na support lamang si Kris dito. May mga nagsasabing ipapasok lamang si Kris sa Machete para iligtas ang ratings nito. Sina Bela Padilla at Ryza Cenon ang kasama ni Aljur sa Machete.

Ang pagpasok kaya ni Kris Bernal ang magliligtas kay ‘Machete’ para umarangkada ang performance nito, o tuluyan na bang nawala ang interes ng tao sa kanila? Ano sa palagay n’yo, mga kaparazzi?

Send your e-mails to pinoyfansclub@gmail.com. Visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit Pinoy Fans Club.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

One thought on “Kris Bernal, tagapag-ligtas ni Machete?

  1. Pingback: Kris Bernal, tagapag-ligtas ni Machete? | Spinner News

Leave a Reply

Your email address will not be published.