Kris Bernal, pumalag sa balitang sila na ni Carl Guevarra!

MARIING PINABULAANAN ni Kris Bernal ang samu’t saring intriga na nag-uugnay sa kanila ni Carl Guevarra. Inaamin daw ni Kris na nagdi-date sila ni Carl, pero walang katotohanang sinagot na niya ang binata.

Wala naman daw rason para i-deny ni Kris si Carl, lao na’t nakikita naman nito na sinsero ang ginagawang panunuyo sa kanya at sa kanyang pamilya ng guwapong Kapuso actor. Aamin at aamin daw siya at hindi niya ililihim if ever na sinagot na niya si Carl. Pero sa ngayon daw, nasa estado pa rin sila ng knowing each other at masayang magkasamang lumalabas kasama ang kanilang mga kaibigan.

Ayaw raw kasing isabay ni Kris sa kanyang trabaho ang lovelife. Sayang naman daw ang magagandang pagkakataon at proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA-7 kung mas pagtutuunan lang niya ng pansin ang buhay pag-ibig.

Willing nga raw itong i-give up ang kanyang lovelife, kung makasasagabal sa kanyang trabaho. Alam naman daw nito na minsan lang siya magkakaroon ng magaganda at sunud-sunod na trabaho, kaya naman dito muna siya naka-focus. Pero ang lovelife daw ay nand’yan lang at makakapaghintay.

 

SOBRANG SAYA ng 16 na Scholar ng Artista Academy ng TV5, dahil natuwa sa kanila ang CEO/ TV5 na si Manny V. Pangilinan. At sa labis na katuwaan nito nang minsang pumasyal sa kanyang opisina ang 16 Scholars, nagbigay ito ng all-expense paid trip sa Hong Kong para sa mga ito.

Karamihan daw ng mga scholars ay first time na makararating ng Hong Kong, kaya naman daw labis-labis na saya ang naramdaman ng mga ito nang malaman ang nasabing magandang balita.

Makakasama ng grupo ang TV5 Head na si Mac Alejandre at Director ng

Artista Academy, kung saan ilan sa kanilang pupunta-han at papasyalan ay ang Ocean Park at Disneyland na mapapanood sa future episodes ng Artista Academy.

 

MALI ANG tsismis na tsugi na sa Ang Latest ang aming kaibigang si Shalala, dahil balik-taping na ito sa nasabing show. Isang linggo ring hindi napanood si Shalala sa Ang Latest, kung saan nag-lie low at namahinga ito dahil na rin sa isyung kinasangkutan nito sa staff ng nasabing show.

Mas pinili na lang ngang tumahimik ni Shalala para hindi na lumaki ang isyu sa kanya na kumalat sa apat na sulok ng showbiz, para hindi na raw ito lumaki pa. Lalo na’t okey na naman siya sa mga taong sangkot sa nasabing tsika, na sina Nanay Cristy Fermin at Check.

Ayon kay Shalala, masaya raw siya sa kanyang pagbabalik sa Ang Latest at aminado naman daw siya sa kanyang pagkakamali at sincere daw siya nang humingi siya ng tawad kina Nanay Cristy at Check.Tao lang naman daw siya na minsan ay nagkakamali at natuto sa kanyang pagkakamaling nagawa. Isang taong marunong yumuko at humingi ng pasensiya kung kinakailangan, lalo na’t may pagkakamaling ginawa.

 

CONGRATS DIN sa pelikulang Death March na kasalukuyan pang ginagawa ni Direk Adolf Alix, Jr. dahil nanalo na agad si Mr. Rodolfo Vera sa isang award giving body dahil sa screenplay ng Death March.

Sigurado akong matutuwa ang Japanese producer nito na si Jacky Woo na kasalukuyang nasa Japan ngayon, pero anytime ay babalik uli rito sa Pilipinas para ipagpatuloy ang shooting ng iba pa niyang eksena sa pelikulang ito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Kris Bernal, pumalag sa balitang sila na ni Carl Guevarra!

  1. ang agang gimik naman ni kris bernal yan, hindi pa ata naguumpisa ng taping yung show nila ni macheteng aljur. sinasama pa si ate carl para mapansin. tsaka na sila gumimik kung malapit nang mapanood ang show nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.