Kris Bernal, pinagalitan dahil sa paghahabol kay Coco Martin?!

TAMA BA ang narinig na-ming pinagalitan daw si Kris Bernal nang masulat na niregaluhan niya ng Louis Vuitton belt ang crush niyang si Coco Martin?

Napagsabihan daw ang Kapuso actress na hindi niya dapat ginawa iyon dahil hindi nga naman magandang tingnan lalo pa’t babae siya.

Ang isa pang dahilan kung bakit daw napagsabihan si Kris ay dahil magkaiba sila ng network ni Coco.

Hindi ba kayo nagtataka at biglang-bigla ay nagkaroon ng admirer itong si Kris, si Carl Guevarra. Parang out of the blue ay biglang umeksena itong si Carl at nagsabing nanliligaw siya sa dalaga.

Kung sabagay, single naman si Carl at wala sigurong magiging problema kung ligawan man niya itong si Kris.

Kaya lang, hindi naman kaya wala siyang mapala sa dalaga dahil ang type nito ay si Coco?

 

PROBABLY TRYING to please Sarah Geronimo’s mom, sInabi ni Gerald na si Mommy Divine ang most beautiful name ng isang babae when asked by Kris Aquino sa kanyang talk show.

Halatang nambobola lang itong si Gerald lalo pa’t nalaman na niya na hindi naman talaga siya feel ni Mommy Divine para sa kanyang anak na dalaga.

Parang gusto na nga raw sumuko nitong si Gerald sa panliligaw kay Sarah dahil sa pakikiaalam ng madir nito. Noong una ay feel na feel siya, welcome na welcome siya but now nagsusuplada na itong si Mommy Divine sa kanya.

Ibinuking ni Kris na matiyagang naghihintay si Gerald kay Sarah sa director’s booth ng Sarah G Live!. Ganoon katiyaga si Gerald sa dalaga.

 

HINDI LANG celebrities ang may most memorable moments with Comedy King Dolphy.

Maging ang mga ordinaryong tao ay maraming magagandang nasabi about the comedian.

Hindi alam ng marami na tumulong pala si Mang Dolphy sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro. Ipinadala pa niya ang kanyang anak na si Epi para matulungan ang mga biktima ni Sendong. Isang haircutting lessons ang tulong na ibinigay ng Hari ng Komedya sa mga nasalanta ng bagyo. May allowance ang lahat ng nag-training for three weeks at may libre pa siyang gamit na ipinamigay.

Meron ding lumabas para sabihing pinatira siya ni Mang Dolphy nang libre sa bahay niya sa Baguio. Another came to say that Dolphy was generous to give them money kapag nagagawi siya sa Baclaran.

Truly, a man of generosity itong si Dolphy kaya naman marami sa ating kababayan ang nagpapasalamat na natulungan sila ng comedy icon in the past.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

19 thoughts on “Kris Bernal, pinagalitan dahil sa paghahabol kay Coco Martin?!

  1. kris hindi masama na magkacrush ka pero huag kang magreregalo. tayong mga eva ang nireregaluhan.huag kabg makikipag mingle sa hindi kapuso..gusto ko ng makita ka sa tv. kelan ba ang next project mo? sana kasama ka sa adora.bagay ang plot na iyon sa iyo. hello gma.pakiusap bigyan na ninnyo ng project si kris!!!

  2. ..bk8 msma b qng magbgy ng regalo ang isang babae s llke.?.tga shwbiz nman clng dlwa at friends nman cla a….bsta kris hwg kng mag-alala nand2 aqng suprter muh…..luv u and God bless…..muah muah…………………………. 

    • For your info Kris has a lot of suitors showbiz and non showbiz.. Have u verified if its true.. I believed that Kris and coco were both endorsers of MY dentist.. baka magulat kayo that on valentine somebody give Kris a flowers and if u know you’ll be amazed 

  3. Ayaw ko siya para kay Coco kasi siya ang nanliligaw. Ayaw din ni Coco ang taga-showbiz at makapal mag-make-up.

  4. as usual ang mga da hung starlets ng gma ay makksawsaw sa issue ng mga bigatin at sikat ng artista ng dos… haistttt

    • excuse me hindi si Kris nakikisawsaw in fact media lang ang nag hype nya ..coz kris and coco are both endorsers of My dentist

  5. NAKU KUNG AKO K KRIS BERNAL SUYUIN NYA LNG NG SUYUIN C COCO BAKA SAKALING BUMIGAY. WALA CYANG MAPAPALA SA MGA KANGUSO STARS NYA NA WALANG KWENTANG UMARTE PARA LNG NATATAE. MAS OK DIN KUNG LILIPAT NA CYA NG ABS CBN PARA MAS MAPALAPIT CYA K COCO BAKA MAUNAHAN CYA NI ANGELINE QUINTO BWAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.