Kris Bernal: Out, Rhian Ramos: In sa buhay ni Aljur Abrenica?!

Hindi pa man natatapos ang fantaseryeng The Last Prince sa GMA-7, malakas na ang mga haka-haka na diumano’y bubuwagin na ng Siyete ang tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal. Ayon sa nakalap naming impormasyon, si Rhian Ramos na raw ang bagong makakatambal ni Aljur sa Odessa.

Ngayon pa lang ay umaangal na ang mga fans ng ALKRIS loveteam. Nalulungkot sila sa balitang ito dahil akala nila’y magtutuluy-tuloy na ang pagsikat ng Starstruck loveteam na kanilang sinuportahan. Oo nga naman. Hindi kulelat sa ratings ang kanilang programa, pero bakit nga ba kailangan pa silang paghiwalayin?

Katulad ng inaasahan, ang mga detractors ni Rhian ay may mga banat na laban sa kanya. Diumano’y gusto na talaga ng network na pasikatin pa lalo ang aktres pagkatapos ng Stairway to Heaven. Nawala na rin kasi sa Siyete ang talagang tumatak na ka-loveteam ni Rhian na si JC De Vera kaya hirap ngayon ang network na pilian ng bankable partner si Rhian.

Sa aming palagay naman, kayang-kaya ni Rhian na mag-survive sa showbiz kahit pa mag-isa lang siya. Nakatulong sa kanya ang pagpapalit-palit ng ka-loveteam. Ilan sa mga ito ay sina JC De Vera, Mark Herras, TJ Trinidad, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Sa totoo lang, sa tingin naming ay may potensiyal naman ang Aljur-Rhian loveteam. Pareho silang matangkad at mukhang may chemistry naman. Paniguradong mas maeenganyo ang mga fantaserye addicts kung silang dalawa ang gaganap sa lead roles. As for Kris, mas mabuti rin siguro na subukan niyang i-expand pa ang kanyang kakayahan bilang isang solo star. Oras na rin para masubukan ang kanyang staying power sa showbiz.

Kayo, ano ang inyong opinion sa napipintong pagbabagong ito?

By Pinoy Fans Club

Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

13 thoughts on “Kris Bernal: Out, Rhian Ramos: In sa buhay ni Aljur Abrenica?!

  1. para sakin mas bagay talaga si kris at aljur botong boto talaga ako sa loveteam ng dalawa kaysa kay rhian at aljur…

    _sana makarating sa "ALKRIS" ang comment ko……..

    alkris huwag kayong mag papatalo kayang-kaya nyo yan!

    WE LOVE YOU ALKRIS

  2. mas maganda naman ang loveteam ng "ALKRIS"kesa sa aljur-rhian loveteam walang bina't bat kay kris si rhian

  3. ……4 me,,i will vote rhian,,’coz she’s so fabulous;gorgeous;and beautiful lady…….JURIAN is the best love team in wholewideworld…promise…bsomeday…they will surely be as one!

  4. para sakin….ahmm…ALKRIS parin po ang bet ko…bagay kc cla kesa ky rhian…maganda nga sya at matangkad pero ……..kris pa rin ako…….luv u kris bernal…i’m ur num.1 supporter and fan

  5. Suss ! Jen&Dennis ?
    Heart&mark ?

    Mga NapagLipasan Na Ng Panahon !

    Kitang kitan Nmn db ?

    Aljhur&Rhian Na Talaga ?

    Well . well . well .

    Abangan Nalang naten kung sinung papatok !

  6. alam ba ninyo nag survey ang igma alin tambalan ang nag click alam ba ninyo ang Rhia at Aljur ang kulelat as in walang bumoto.. mas gusto Heart and AMrk at Jennylyn at Dennis sa mga bagong pinagtatambal…

  7. ^^^si ate kris bernal may bagong ka loveteam si daniel matsunaga yung brazilian model sumoporta na lang tayo kung ayaw nyo kay wag na lang kayo magcomment dapat maging masaya tayo sa ka nila at iton inoy paparazzi boaring ang babadoy ng mga isyu nyo at kungmangiintriga kayo may pruweba ok …..:}

  8. nagcocoment kayo di nyu nmn pla kila2 nagmu2ha lang kyung tanga. “Liars Go to Hell”. Anyways Rhian en aljur puedi nmn pero wawa nmn c kris.

Leave a Reply

Your email address will not be published.