Kris Bernal, nililigawan na Carl Guevarra

ABANGAN N’YO bukas sa Startalk ang interview namin kay Ara Mina kaugnay sa isyu pa rin nila ng kapatid niyang si Cristine Reyes.

Humingi ng public apology si Cristine sa The Buzz kaya si Ara ngayon ang kinulit kung tanggap ba nito ang paghingi ng tawad ng kanyang kapatid.

Sinagot na yata ni Ara sa ibang programa pero marami pa raw itong sasabihin na mapapanood n’yo sa Startalk.

Ang sabi ng aktres, ‘yun na raw ang huling interview niya dahil ayaw naman daw niyang maglalabas siya sa lahat na mga interviews. Baka nga naman akusahan na naman ‘yang gina-gamit ang kapatid niya para mapag-usapan.

Sa tono kasi ng mga sagot ni Ara, parang hindi nito tanggap ang sorry na hinihingi ni Cristine.

Gaya ng obserbasyon ng iba, parang ginawa lang yata ni Cristine ‘yun para iurong na ni Ara ang demandang isinampa laban sa kanya.

Ang dinig ko naman kay Ara, tuloy pa rin ang kaso. Kaya hindi nga siguro nito tinanggap ang public apology ni Cristine.

Hindi ko napanood ang interbyung ‘yun sa The Buzz, pero halos iisa ang obserbasyon ng karamihan na parang hindi naman daw ito sincere sa pag-hingi niya ng sorry.

Ang alam ko, may mga ginawa pa ito laban sa kanilang pamilya, kaya hindi nadala si Ara sa sorry na sinabi nito sa The Buzz.

Abangan n’yo na lang sa Sabado, dahil may kuwento pa si Ara tungkol diyan.

 

PARANG ANG lakas ng ng appeal ni Kris Bernal sa mga boys, dahil ang dami pala talagang nanliligaw sa kanya.

Bukod kay Mark Herras, nali-link din pala itong si Kris kay Coco Martin.

Hindi ko alam kung saan sila nagkita pero ayaw na ng young actress na pag-usapan ito dahil baka nga naman pagbintangan pa siyang ginagamit pa si Coco para mapag-usapan.

Ang latest na nabalitaan ko naman, nililigawan pala ito ngayon ni Carl Guevarra.

Napilitang aminin ito ni Carl nang in-interview ito ng Startalk sa presscon ng Hindi Ka na Mag-iisa na magsisimula na sa afternoon drama ng GMA 7 sa susunod na linggo.

Sabi ni Carl, nagkasama raw sila ni Kris sa isang mall show sa Cebu at doon daw sila nagkausap nang seryoso.

Noon pa kasi, crush na ‘yan ni Carl pero hindi lang nu’n napag-usapan dahil ka-loveteam kasi noon ni Kris si Aljur Abrenica.

Pero ngayong single na si Kris at ganu’n din si Carl, natuloy na ang ligawan.  Lumalabas naman daw sila minsan, at may komunikasyon sila. Pero hanggang ligawan pa lang daw. Hindi pa naman daw siya nasagot ni Kris.

In fairness, bagay naman sila at talagang kinikilig si Carl kapag si Kris na ang napag-usapan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Kris Bernal, nililigawan na Carl Guevarra

  1. as if dito mag comment .. mga taga DOS lang mga sikat.. EXCUSE ME!!! lahat ng artists deserves to eb talk about… Pakialam ba ninyo kung nanliligaw si Carl kay KRIS.. Its their personal Life.. Big Thinmgs comes in small things.. Vilma Santos is not a big star she started as a bit stat befor what she is now.

  2. KASI NAMAN LUMIPAT-LIPAT PA KASI NG GMA-7 EH WALA NAMANG NAGAWA SA CAREER NIYA, HEHEHE! DUSA KA! AT TSAKA NAGGAGAMITAN LANG ANG DALAWANG YAN PARA MAPAGUSAPAN

  3. Carl Guevarra, ano na nangyari sa career mo simula ng lumipat ka sa Syete? Kaya mga ganitong gimik na lang ang puedeng gawin para mapansin ka man lang sa showbiz world. How pitiful, tsk, tsk..

  4. gamitin ba c coco!!! taga gma talaga.. lahat na ng pwedeng gamiting artista ng dos eh gagamitin mapagusapan lang sila…

Leave a Reply

Your email address will not be published.