Kris Bernal, nanghinayang sa naudlot na relasyon nila ni Jolo Revilla!

MAGANDANG BALITA naman ngayon, kasi nagkabati na pala sina Wilma Galvante at Annabelle Rama.

Si Mother Lily Monteverde ang nag-ayos nang pagbabati nila nu’ng kamakalawa lang ng hapon.

Sa totoo lang, matagal nang gustung-gusto ni Mother Lily na pagbatiin ang dalawa kasi ang hirap nga naman na magkaaway ang dalawang kaibigan mo kaya talagang nag-effort si Mother na pagbatiin sila.

Meron kasing pa-party si Mother Lily kay Wilma kagabi na dinaluhan ng mga malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz, at ang mga dati nitong mga katrabaho sa GMA-7.

Itong si Mother, kulit nang kulit kay Bisaya na um-attend sa party ni Wilma pero ayaw nito dahil hindi naman daw siya iniimbita ni Wilma.

Kaya ginawan talaga ng paraan ni Mother na magkausap ang dalawa, kaya naimbita na nito si Annabelle.

Hindi pa nagsisimula ang party habang nagdi-deadline ako, kaya hindi ko pa makuwento kung ano ang naganap sa party na ‘yun na ginanap sa Imperial Palace ni Mother Lily.

Ang alam ko kasi, nangako si Bisaya na dadalo siya sa party ni Wilma kasama ang mga anak niya. Kaya masaya ito!

Ang kasunod na tanong diyan, iuurong na ba nila ang mga demanda nila sa isa’t isa.

Alam ko, on-going pa ang kaso ni Wilma laban kay Annabelle, kaya ewan ko kung iuurong na nito.

Samantala, tuloy at mainit pa rin ang away nina Annabelle at Nadia Montenegro na dinig ko, nagkita na naman sila sa hearing sa San Juan Prosecutor’s Office kahapon.

Tapos na ang away nila ni Wilma, kaya kay Nadia na ngayon naka-concentrate si Bisaya.

Tingin n’yo magkakabati rin ang dalawa? Sasagutin ‘yan ni Annabelle sa Startalk. Aba-ngan n’yo na lang ang buong kuwento niyan bukas!

 

ISA AKO sa nanghinayang nang nabalitaan kong naudlot daw ang maganda sanang relasyon nina Kris Bernal at Jolo Revilla.

Hindi ko naman nakakausap si Jolo pagdating sa lovelife niya, pero ang alam ko lang, naging abala nu’n si Jolo sa pagpapa-check-up at pagpapagamot sa Amerika.

Nu’ng nasa Amerika si Jolo kasama si Lani Mercado, nandu’n din pala si Kris pero hindi naman sila nagkita.

Naka-concentrate si Jolo sa pagpapagamot at si Kris naman ay kasama ang pamilya niyang nagbakasyon.

Hindi ko na alam kung bakit hindi natuloy, dahil ang sweet naman nila noon.

Sabi nga ni Kris nang nakausap ito ng Startalk reporter namin sa presscon ng Hiram na Puso, nanghinayang din daw siya dahil maganda naman daw ang samahan nila noon.

Maaring wala lang talaga silang time sa isa’t isa dahil abala na ngayon si Jolo sa mga projects niya sa Cavite, at si Kris naman ay nagti-taping na sa Hiram na Puso kasama si Mark Herras.

Pero nilinaw naman ni Kris na magkaibigan pa rin naman daw sila ni Jolo. ‘Yun nga lang, wala na silang komunikasyon sa ngayon.

Type ko pa naman si Kris para kay Jolo, tapos hindi naman pala natuloy.

Sabi pa ni Kris, siguro meron daw talaga gustong ibigay ang Diyos sa kanya na deserving sa pagmamahal niya. Baka hindi nga si Jolo, kaya okay lang daw kay Kris.

Sa Lunes na pala magsisi-mula itong Hiram na Puso nila na kapalit ng Kokak sa afternoon prime ng GMA-7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Kris Bernal, nanghinayang sa naudlot na relasyon nila ni Jolo Revilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published.