Kris Bernal, Mark Herras at Ynna Asistio, tinapos ang intriga sa kanilang tatlo

LAST SUNDAY, pinagsama sa isang production number sa Party Pilipinas sina Kris Bernal, Mark Herras at girlfriend nito na si Ynna Asistio. Ito’y para matutuldukan na ang intriga sa kanilang tatlo.

May balita kasi na hindi raw nag-uusap lately sina Kris at Ynna. Nagsimula ito sa tsismis tungkol pagseselos umano ni Ynna nang magbigay ng pagkain si Mark kay Kris kamakailan. Nagatungan ito kaya naging isyu.

Magkakasabay naming nakausap sina Kris, Mark, at Ynna right after nga ng production number nilang iyon.   Nagkalinawan na raw silang tatlo tungkol dito. Kaya wala na raw dapat na ipang-intriga pa.

“Actually, nagsimula iyon sa hindi pagkakaintindihan, e,” pahayag nga ni Mark.

“Na kasalanan niya! Hindi… joke lang!” sabay tawang sabi naman ni Ynna.

Si Kris naman, ikina-excite daw ang pagkakaroon nila ng production number.

“Kasi first time iyon na magsama kami,” sambit ng young actress. “At saka wala talagang tension.”

Ayon pa kay Mark, “Actually ‘yong production number na ibinigay sa amin, para makita ng lahat na… kasi nga sinasabi na hindi raw nag-uusap ‘yong dalawa (Kris and Ynna). “Tapos nagiging magulo daw ‘yong sa team up namin ni Kris (sa afternoon series na Hiram Na Puso). Na hindi naman talaga totoo.”

Si Ynna naman, aminadong sa umpisa ay medyo kinabahan daw siya nang malaman ang tungkol sa production number na gagawin nila nina Mark at Kris.

“Kasi parang ang weird lang,” aniya. “After na gawan kami ng issue and all, bigla kaming nagkaroon ng production number together.

“No’ng una kasi, parang… ano ito? Wala naman ako sa Hiram Na Puso para makasama nila sa production number. So, no’ng una, awkward siya. Pero no’ng nag-rehearse na kami, okey na. Kaya lang, during our performance, sobrang kinabahan pa rin ako. Pero happy naman ako sa ginawa namin.”

Kuwento naman ni Kris, “Masaya naman no’ng rehearsal namin. Natutuwa ako na, siyempre feeling ko, inabangan din ng mga tao na makita kaming tatlo sa isang production number. And wala naman ngang problema sa aming tatlo. ”

Si Mark, ang sunod daw na ina-asahan, “Sana matuldukan na ‘yong issue. Normally kasi, pinalalaki lang naman ng mga tao. So, ‘eto na ‘yon. Nakita naman na okey kaming tatlo. At nag-uusap naman talaga ‘yong dalawa. Malinaw naman na in real life ay kami ni Ynna. At ‘yong sa amin ni Kris ay onscreen lang kasi nga, magkapareha kami sa Hiram Na Puso.”

Dagdag-paglilinaw naman ni Yna, “Ang sa akin naman, kahit sinong kapareha ni Mark, nakasuporta lang ako. So, sila ni Kris, suportado ko sila sa Hiram Na Puso. Kaya sana huwag na kaming intrigahin pa. Kasi eversince naman na naging kami ni Mark, lahat naman ng naka-loveteam niya, okey sa akin, eh.”

Wala pa rin kasing bagong lovelife si Kris kahit matagal na silang nag-break ni Jay Perillo. Tuloy ay nalalagyan ng kulay ang closeness nila ni Mark na ibinunga ng kanilang pagiging magkatambal sa Hiram Na Puso.

Inaasahan na nga rin na kapag nagkapareha na naman sila ng dati niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica sa isang bagong serye sa GMA, tiyak na ili-link din ulit sila sa isa’t isa. Lalo pa at hiwalay na rin ang aktor at si Kylie Padilla.

“Excited ako na makapareha ulit si Aljur. Hinihintay ko na lang kung kailan kami magsisimulang magtrabaho,” sabi na lang ni Kris.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Kris Bernal, Mark Herras at Ynna Asistio, tinapos ang intriga sa kanilang tatlo

  1. ay yan ba si Ynna,naku naman mark wala ka namang ka taste taste,mukah katulong yan gf mo,bagy na personal assistant lang yan walang sinabi kay Kris ,sana kayo na lang ni kris bernal ang ganda nya ,but love is blind ika nga Nku Ynna pakasal na kayo bago mawear off yun pangagagayuma mo kay MArk conceited

    • alam mo kung maka comment ka… hindi mo inisip na ang kagandahang panglabas ay temporal lang! eh anong masama sa katulong? ang dami mong mga issues. napaka discrimanatory mo na tao! tingnan mo sarili mo sa salamin.. bago ka manghusga.. Hindi ako nakatira dyan sa Pinas. nakatapos ako ng higher education, at iba pa… nakakahiya yang comments mo.. wala akong kinakampihang artista. However learn to respect other peoples choices, kasi wala kang patutunguhan at marami ka lang mga disappointments sa buhay pag hindi ka matotong mag respeto sa ibang tao at ng kanilang mga decisions… so maganda man o hindi.. i respeto mo. kasi nakakahiya ugali mo hindi talaga kanais nais!!!

  2. Yuck si Mark HERRAS! Kadiri ang itsura nya!

    Diba pumatol sa bakla yan?!?!?! Eh di bakla pala sya wahahahahahhaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.