Kris Bernal, jealous of 15-year old girl Aljur dated in Galera

NAKAKATUWA NAMAN AT panalo ang pagsugal ng GMA 7 sa loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Dati nang mataas ang rating ng mga Sine-nobela ng GMA 7 at never itong natalo ng mga programang itinapat ng ABS-CBN 2, pero itong kina Aljur at Kris ang pinakamataas sa lahat.

Nu’ng nakaraang Huwebes, nakakuha ito ng pinakamataas na rating sa Mega Manila survey ng AGB na 32.4 percent. Ito na ang pinakamataas so far, na parang pang-primetime na ito. Bongga, ‘di ba?

Kaya alam kong meron na ring pang-Telebabad na inihahanda ang GMA 7 para sa dalawang ito, dahil talagang nasubukan na kung gaano sila kalakas sa mga tao.

Nu’ng nakaraang linggo nga sa Master Showman na taped mula sa Bangus Festival sa Dagupan, si Kris lang ang nakarating doon dahil hindi pumuwede si Aljur. Pero sobrang lakas ng tili sa kanya at talagang pinagkaguluhan ito ng mga tao.

Kaya kahit merong mga nagmamaladitang artista ang GMA 7 pagkatapos silang pinasikat, meron namang puwedeng pamalit dahil nandiyan na sina Aljur at Kris.

Tinuluyan na rin yata nila ang kanilang love team dahil meron na silang selosan factor, ha!

Naintriga nga kasi itong si Aljur na may nakakita raw sa kanya sa Puerto Galera nu’ng nakaraang Holy Week na may ka-date ng isang girl. Napag-alamang 15 years old pa lang daw ang girl na ito at ka-date daw ni Aljur.

Itinatanggi ito ng young actor. Totoong may kasama raw silang girl na napakabata pa, pero hindi raw niya ka-date ‘yun kundi sa isang kaibigan niya roon. Siya lang daw kasi ang kilala roon kaya ang buong akala nila, ka-date na ito ni Aljur.

Nagselos nga raw si Kris, pero napaliwanagan naman ito ni Aljur at okey na sila.

Ang latest daw, nag-react daw itong girl na pinag-usapan dahil talagang si Aljur naman daw ang ka-date niya at hindi ang kaibigan nito. Gusto nga raw nitong magpa-interview pero ewan ko lang kung papatulan ng ibang show dahil obvious namang ginagamit lang si Aljur para mapag-usapan.

Siguro naman hindi na magpapa-apekto rito si Kris dahil sa ganda ba naman ng takbo ng kanilang Sine-nobela, huwag na lang pansinin ang mga ganu’ng negang isyu.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Kris Bernal, jealous of 15-year old girl Aljur dated in Galera

  1. BWAKANANG INA MO LOLIT SOLIS!

    Bakit may topic na ALjur sa column mo? gusto mo rin ba siyang upuan ng patikaka? ingat lang baka pumasok yung buong katawan niya sa keps mong kasing laki ng imburnal katulad nung butas ng ilong mo he he he he

  2. sa totoo mgnda c kris bernal..palabas nila very interesting story but bad and awful acting.. maka GMA 7 k lng Lolit… ibang ng-ccomment d2 mga unethical.. lalo ung nag Caps lock.. illiterate tlga nag ibang ng ccomment

  3. nasa TFC ba sila?…………well this website is all over the world kaya may nag-comment dito na out of the country…pero gusto ko itong alkris kahit wala sila sa TFC
    may youtube naman eh….may potential sila actually…
    sana more on movies para alam ng mga tao…..iba parin kasi pag-movie…go kris bernal your pretty

  4. pinakasikat na loveteam??? ng mga katulong, kasi mga maids ang viewers nila sa tanghali diba??? wahahahaha

  5. WAHAHAHAH ANG AGA AGA ANDAMI NA NAMANG NAG

    AAGAHAN NG AMPALAYA…

    ITS EITHER IISA LANG ANG CHANNEL NYO SA BAHAY…

    OR WALA KAYONG TV, WAHAHAHAH..

    MGA INENG AT IHO DAHAN DAHAN AT BAKA SA

    SOBRANG PAIT EH MABILAUKAN,,,,,,,,,,,,,,

  6. WAHAHAHAH ANG AGA AGA ANDAMI NA NAMANG NAG

    AAGAHAN NG AMPALAYA…

    ITS EITHER IISA LANG ANG CHANNEL NYO SA BAHAY…

    OR WALA KAYONG TV, WAHAHAHAH..

    MGA INENG AT IHO DAHAN DAHAN AT BAKA SA

    SOBRANG PAIT EH MABILAUKAN

  7. ahem.ahem.sorry po sa mga hindi nakakkilala sa kanila pero sila lang naman ang pinakasikat na LOVETEAM ngayon.May TV ba jan sa inyo?haha!no offense.kasi baka kayo lang di nakakkilala sa kanila.halos lahat kiLala sila.or baka nasa baryo baryo kayo,e di talga aabot jan yung alkris!hahaha!!! Alam mo,mabut pa mickey,try mo naman manood ng DKBM ng kainin mo yang sinasabi mo!ahhahaha!!!

    • Eh si Ricky Hatton naman ang sikat diyan eh, kaya lang falling down, falling down laban sa Kapusong Manny Pacquiao (pareho siguro ng mga kilala mo rin, puro lubog na lols!!)

  8. sikat na talaga sila… kilalang-kilala na sila dito sa amin sa cebu… congrats!… ang galing galing niyo… lalo na si kris… GMA.. bigyan niyo na ng primetime…

    • Ang daming EPAL na siraulong Tga ABS dito. Di ko naman nilalahat pero most of them wlang breeding magcomment. I’m sure mka KIMERALD YAN!! INSECURE!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.