Kris Bernal, ‘di pa kayang kumawala sa sweet image

BALIK-TAMBALAN NA naman sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Ito ay sa bagong soap ng GMA-7 na Prinsesa ng Masa.

“Mag-i-start na po ito sa July,” excited ngang bungad ni Kris nang makakuwentuhan namin kamakailan. “Bukod kay Aljur, kasama rin namin dito si LJ (Reyes), at si Gabby (Eigenmann).

“May mga schedule na kami ng workshops. Halos every week, may workshop kami. Two times a week, kailangan naming mag-workshop. And may babaguhin din sa look namin. At saka siguro, bagong imaging na rin.

“Siguro kaya ako nai-excite dito dahil na-miss ko ‘yong umarte nang heavy drama. Dahil ang last ko ngang ginawa ay Coffee Prince na comedy. Kaya na-miss kong gumawa ng heavy drama. Na-miss kong umiyak! Na-miss kong paglaruan ‘yong arte. Na-miss kong paglaruan ang isang character. So, I guess marami silang makikitang bago sa akin.

“And before kami mag-start ng taping, magpi-Pinoy TV muna kami ni Aljur sa Canada. So, mawawala kami for two weeks. Tapos pagbalik namin, diretso na kami ng taping for Prinsesa ng Masa.”

Kahit sa totoong buhay ay may Kylie Padilla si Aljur at si Kris naman ay may Carl Guevarra, natutuwa raw sila na buo pa rin ang suporta ng kanilang fans sa loveteam nila.

“Oo naman. ‘Yong AlKris na fans namin ni Aljur, hindi naman talaga kasi sila nawawala. Nandiyan lang sila. At tanggap nila kung ano ‘yong natural na nakikita nila sa aming dalawa ni Aljur. At sa relationship namin. Na magkaibigan kami ni Aljur, pero hindi lang kami basta magkaibigan. Special kami para sa isa’t isa.

“Kung paano nila kami nakikitang sweet sa screen, hindi namin iniaarte iyon. Talagang iyon ang natural namin. But of course, may kanya-kanya kaming buhay. So, may mga priorities kami na… minsa hindi kami magkasama.”

Kita sa mukha ni Kris na masaya at kuntento siya sa buhay niya ngayon. At bakit naman hindi? Maganda ang takbo ng kanyang career. Maayos din ang lagay ng relasyon nila ng boyfriend niyang si Carl Guevarra.

“Okey naman kami,” nangiting sabi ni Kris. “Naiintindihan naman niya po na busy ako sa trabaho ngayon. At saka wala.  Walang demands. Walang kahit ano. Basta trabaho, naiintindihan niya. And gano’n pa rin naman kami!”

Dapat ay may gagawing indie film si Kris, ang Isang Tag-Araw sa Buhay ni Twinkle Payawan na medyo daring ang kanyang magiging role. Pero hindi natuloy na tanggapin niya ito.

Bakit nga ba nagbago ang kanyang isip? “Hindi natuloy kasi… conflict siya with Prinsesa ng Masa.”

Pero balita ring ‘yong mga daring at sexy scenes na nire-require ng pelikula from her ang isa pang dahilan ng pagba-back out niya na gawin ito? “A… oo. May mga gano’n kasi. May mga sexy scene. Kasi isa akong cocaine addict do’n sa story.

“Uhm… siguro dahil gusto rin na alagaan ng network at ng GMA Artists Center ‘yong image ko para do’n sa soap na gagawin ko which is Prinsesa ng Masa nga. So, kapag ginawa ko iyon, baka maiba ‘yong soap na gagawin ko. So, gusto nila na mag-concentrat ako do’n sa image ko ngayon.

“Pero okey sa akin ang gumawa ng indie film. Like ‘yong dapat nga ay gagawin ko, nag-audition pa ako at talagang pinag-aralan ko ‘yong role. Pero kung talagang hindi para sa ‘yo, hindi pa para sa ‘yo.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Kris Bernal, ‘di pa kayang kumawala sa sweet image

  1. Ang uber starlet ng shit-eeeeeee hahahaha si kim chiu ang peg ng starlet na to hanggang kapayatan hinahabol si kim hahahaha kawawang starlet ng shit-eeeeeee pareho sila ng love team nya hanggang free tv lang at walang bankability sa box office hahahaha kahit sa yaman walang wala ang sinabi ng dalawang starlet na to kahit pa pagsamahin ang net worth nila sa net worth ni kim chiu alone hahahahaa  

    • Wahahah.. Si Kris Bernal kahit walang show mayaman. She’s from a well to do family.. =) Kaya di nya kailangan ikumpara ang kita nya kay Kim Chiu.. LOL! Di sya makakapag-aral sa EXCLUSIVE SCHOOL at hindi sya makakapag-bakasyon sa US nung bata pa sya kung wala silang pera!! BITTERNESS overload!! Lagi nalang kay Kim Chiua kiaanuakaumpara si Kris!! Nakakasawa na! haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.