Kris Bernal, ayaw pang seryosohin si Carl Guevarra!

HINDI PALA nag-prosper ang kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Anna Lyn Manalo laban kay Jose Manalo.

Ibinaba na ng San Juan Prosecutor’s Office ang resolution nu’ng nakaraang June 22 at ibinasura nila ito dahil wala raw basehan para mapatunayang inabandona ni Jose ang kanyang asawa at mga anak.

Narito ang bahagi ng press statement mula sa abogado ni Jose:

“Pinaniwalaan ng Nag-imbestigang Piskal ang posisyon ni Jose, na suportado na kaukulang ebidensiya, na hindi inabandona ni Jose and kanyang pamilya at patuloy niya itong pinangangalagaan. Ang mas mahalaga pa rito, natagpuan din ng Nag-imbestigang Piskal na walang sapat na katibayan na ipinakita si Anna Lyn upang patunayan ang kanyang mga paratang na si Jose ay may ibang kinakasama. Sa kadahilanang ito, itinuring ng Nag-imbestigang Piskal ang mga paratang ni Anna Lyn para sa kung ano ito talaga — mga walang basehang paratang lamang.”

Puwede namang mag-file ng motion for reconsideration ang kampo ni Anna Lyn, pero mas naniniwala ang Prosecutor’s Office ng San Juan na mabuting pag-usapan at ayusin ng mag-asawa ang kanilang problema sa malalim na pag-uusap.

Matagal na pala itong ibinaba pero ngayon lang naglabas ng press statement ang legal counsel ni Jose dahil mas gusto nga nilang tahimik na lang at huwag nang palakihin pa ito.

Nu’ng shooting nga ng movie nina Jose at Wally, iniiwasan nilang pag-usapan pa ito. Gusto na rin ni Jose na tahimik na lang at huwag nang pag-usapan.

Sabi naman ni Jose, may komunikasyon sila ng mga anak niya at hindi naman siguro siya nagpapabaya sa kanyang responsibilidad bilang ama. Ewan ko lang kay Anna Lyn, kasi mukhang malabo na ‘yan silang magkaayos at magkabalikan.

 

SOBRANG GANDA nitong Kris Bernal, ha? Seryoso pala talaga ang panliligaw sa kanya ni Carl Guevarra na matagal nang may gusto sa kanya.

Nagsalita nga si Carl du’n sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-iisa at inamin nitong nanliligaw siya kay Kris at seryoso siya sa kanyang panliligaw.

Nu’ng panahon pa pala ng The Last Prince type niya ang young actress, pero ayaw raw niyang pormahan bilang respeto na lang sa loveteam nila noon ni Aljur Abrenica.

Nang magkasama sila sa isang mall show sa Cebu, doon sila uli nagkausap at nagsimula nang manligaw si Carl.

Nagkita sila sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado at sinabihan nga raw ni Kris si Carl na touched daw siya nang inamin nito sa mga interview ang panliligaw niya.

Pero sabi naman ni Kris, hindi pa siya ready sa panibagong relasyon dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa trabaho at sa pamilya niya. Nakikita naman daw niyang pursigido itong si Carl kaya malay natin, baka maging sila rin.

Pero sa ngayon, dating-dating muna sila at todo muna sa pagpapadala ng mga flowers si Carl kay Kris na halos araw-araw pala niyang ito pinapadalhan, huh!

Tingin ko naman, sasagutin din ‘yan ni Kris. Malay nga natin, baka sila na nga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.