Kris Bernal at Carl Guevarra, tuluy-tuloy na ang pag-iibigan!

MASAYANG-MASAYA ANG Kapuso Star na si Kris Bernal dahil consistent at hindi bumibitaw sa panunuyo sa kanya at sa kanyang pamilya ang guwapong aktor na si Carl Guevarra. Ang latest tsika nga ay very close na nga raw ang binata sa pamilya Bernal na labis na ikinatutuwa ni Kris.

At kung close daw si Carl sa pamilya ni Kris, ganu’n din naman daw si Kris sa pamilya ni Carl. Kaya naman daw walang kaproble-problema ang mga ito kung sakaling magiging silang dalawa, dahil pareho silang gusto at aprubado ng kanya-kanyang pamilya.

Kahit nga raw ang mga close friends ng mga ito, botong-boto na maging magsyota ang mga ito dahil nakikita nila na masaya ang mga ito sa isa’t isa. Wish nga nina Kris at Carl na mabigyan sila ng GMA-7 ng trabahong magkasama nang sa gayun ay sila na lang ang laging magkasama.

Pero mukhang malabo itong mangyari lalo na’t ang next project ni Kris ay ang balik-tambalan nila ng kanyang original loveteam na si Aljur Abrenica sa Tagalized Version ng hit Korean Novela na Coffee Prince.

 

MALUNGKOT ANG Kapuso singer/ actor na si Arkin Del Rosario ng XLR8 sa pagyao ng kanyang 11-month old pamangkin na si Cedrick sa ‘di inasaahang pangyayari na magbi-birthday pa naman sa darating na September 7.

Ito raw ang kauna-unahang pamangkin ni Arkin, kaya naman daw sobra-sobrang pagmamahal ang ibinibigay nito kay Cedrick. Kuwento nga ni Arkin, sobrang sweet sa kanya ng kanyang pamangkin, kaya naman hanggang ngayon ay hindi niya matanggap ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na pamangkin.

Ayaw na lang daw ikuwento ni Arkin kung ano ang nangyari, basta ang masakit daw para sa kanya ay nasa labas siya at nagtatrabaho at wala sa bahay nang mamatay si Cedrick. Isang tawag na lang daw ang nakarating sa kanya na may mensaheng iniwan na sila ng kanyang pamangkin na labis na ikinasama ng kanyang loob.

Mula sa inyong lingkod, Pinoy Parazzi family at sa aming patnugot… condolence sa naiwang pamilya ni Cedrick, lalung-lalo na kay Arkin at sa ate nitong si Arcee at sa asawa nitong si Mike.

MULI NA namang nag-trending sa Twitter ang most promising boyband sa bansa ang Upgrade, kung saan nakopo nila ang number 1 slot nong Aug. 24 (Philippines Trends) at naging Group of the Year sa 2012 poll ng GMA Updated Fan Page along with Actress of the Year – Marian Rivera; Actor of the Year – Dingdong Dantes; Comedian of the Year – Jose Manalo; TV Host of the Year – Vic Sotto; Male Kapuso Singer of the Year – Nomer Limatog; Teen Star of the Year – Bea Binene; Female Kapuso Singer of the Year – Julie Anne San Jose; at Loveteam of the Year – Julielmo.

Isa rin sila sa naging front cover ng Aug. 27 issue ng Moviestar magazine at magkakaroon ng mall tour sa Sept. 2 sa Star Mall, San Jose, Bulacan; Sept. 15 – Star Mall, Las Piñas; at sa Sept 22 – Star Mall Edsa, kung saan makakasama nina K-Cee Martinez, Ron Galang, Armond Bernas, Raymond Tay, Mark Baracael, Rhem Enjavi at Miggy San Pablo si DJ Joph, Dance Squad Dancers at iba pang special guest celebrities.

Regular ding napapanood ang Upgrade sa Walang Tulugan with The Master Showman at semi-regular silang napapanood sa Party Pilipinas over GMA-7. Ang mall tours ng Upgrade ay sa pakikipagtulungan ng Star Mall, Hammerhead at Renew Placenta.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Kris Bernal at Carl Guevarra, tuluy-tuloy na ang pag-iibigan!

  1. SAKO SAKONG ALIKABOK NA ANG KINAIN NITO MULA KAY KIM CHIU LOL STRUGGLING STARLET PARIN HANGGANG NGAYON TONG KRIS IMBURNAL NA TO HHAHAHAHAHAHA

  2. ano ba naman itong writer na toh! imbentor! laging naisusulat sa iba’t ibang pahayagan na hindi type ni kris si carl! besides, diba may blind item sa kanya na naging jowa nya si daniel matsunaga? so meaning, baklita yang carl na yan! kaya nga sumali sali sa isang body contest para makakita ng mga katawan ng mga ombre. magpakatotoo ka na ate carl! wag mong gamitin si kris na walang korte ang katawan at kung makapagmake up, parang mauubusan na ng make up sa sobrang kapal ng inilalagay!

    • last july sa promenade magkasama sila sa starbucks. katabi ko ng table, manunuod daw sila ng spiderman… so nagdedate sila…

  3. Gumawa n 2loy ang GMEWW ng sarili nilang POLL para nmn makatikim un artists nla ng awards…kc kung s mga legal o credible award giving bodies din lng ang aasahan nila eh magiging panaginip n lamang ang lahat kaya forcing through talaga to make it happen!!!! So every year nyn nme award c Marian bilang best actress wow congratz sa sariling initiatives…!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.