Kris Bernal at Aljur Abrenica, hanggang tili lang ang kasikatan – Cristy Fermin

NABABASA LANG NAMIN sa mga kolum ng mga kasamahan naming manunulat ang mga kuwento tungkol sa kanila, pero hindi namin sila kilala nang personal at ni hindi pa nga namin sila nakikita nang harap-harapan.

Minsan na kaming nagkasabay sa isang fiesta, pero hindi pa rin nagkrus ang aming landas, nu’ng umalis kami ay saka naman sila dumating sa lugar.

Pero nu’ng Linggo nang gabi ay nakilala na namin nang personal sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, dalawa sa pinakamaiinit na young stars ng GMA-7, sa fiesta sa Pulo, San Rafael, Bulacan namin sila nakaharap at nakakuwentuhan.

[ad#post-ad-box]

‘Maliit lang pala at napakapayat ni Kris Bernal, parang sa isang malakas na ihip lang ng hangin ay babagsak na ang dalaga, pero maganda ito.

Nakabenda ang kanang kamay ni Aljur, binakalan daw, naaksidente siya sa linya ng kanyang trabaho. Noon pa may mga nagsasabi sa amin, kahawig daw ni Piolo Pascual si Aljur Abrenica, nu’ng magkaharap kami ng young actor ay mas naging malinaw sa amin ang pagkakaiba ng mga salitang magkamukha at hawig lang.

Nu’ng sumalang na sa entablado ang pambatong loveteam ng Siyete ay nagsigawan ang audience, marami silang tagahanga, kinikilig ang mga ito nu’ng mag-duet sila.

Tuloy ay naalala namin ang kuwento ng isang malabigang direktor nu’ng minsang makakuwentuhan namin, “’Yung mga tumitiling fans, hindi sila ‘yung nagbabayad sa mga sinehan.”

Parang totoo ‘yun para kina Aljur at Kris dahil ang pelikulang ginawa nila para sa Regal Films ay nag-first day-last day sa halos lahat ng mga sinehang pinagpalabasan nu’n.

Tinanggal agad ang pelikula sa mga sinehan dahil ayaw nang magbayad ng produksiyon sa minimum guarantee na pinaiiral ng mga sinehan.

Nakalulungkot isipin na kung kailan naman ipinalabas ang pelikula nina Aljur at Kris ay saka naman umeksena sina Ondoy at Pepeng, saka naman nangailangan ng salbabida ang ating mga kababayan, dahil sa sobrang lalim ng baha sa maraming lugar.

Pero hindi naman katapusan ng mundo para kina Aljur at Kris, sa isang kuwentong nabasa namin tungkol sa isang matagumpay na mountaineer ay sinabi nito na ilampung bagsak at pagkabali muna ng kanyang mga buto ang naengkuwentro nito bago natutunan ang makinis na pag-akyat sa bundok nang walang kagalos-galos.

NAPAKABILIS NAMANG NAKAPAGTAYO agad ng tulay sa publiko ni Bugoy Drilon, ilang beses na naming nakakasama sa mga shows sa probinsiya ang magaling na singer, hawak niya sa leeg ang manonood habang nakasalang siya.

At baligtad ang atake ni Bugoy, inuuna niyang kantahin ang mabibilis na piyesa, kesa sa mga pinasikat niyang ballads. Pagkatapos niyang sumayaw nang sumayaw ay saka siya kakanta ng mabagal, pero wala siyang kahingal-hingal, maayos at nasa tamang tono niyang natatapos ang kanta.

Kapansin-pansin din na madaling kagaanan ng loob si Bugoy, malaki ang nagawa para sa kanya ng malungkot niyang buhay sa Bicol na napanood ng publiko sa Pinoy Dream Academy, kaya sa bawat lugar na puntahan niya ay parang kinukupkop siya ng ating mga kababayan.

Habang nagpe-perform si Bugoy ay hindi ka maiinip, meron siyang sariling paraan para maging buhay na buhay ang manonood, marami pang matagumpay na taon na naghihintay sa singer na ito.

At napakabait ni Bugoy. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Hindi mo siya kailangang asikasuhin palagi, tahimik lang siyang naghihintay kung kailan siya sasalang, kaya isa si Bugoy Drilon sa mga regular naming kinukuhang artista sa mga provincial shows na inilalapit sa amin.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

15 thoughts on “Kris Bernal at Aljur Abrenica, hanggang tili lang ang kasikatan – Cristy Fermin

  1. HAY NAKO MGA TAO NGA NAMAN KUNG MAKAPAG AIT. AS IF NAMANG KE LEVEL NIO SILA. ARTISTA BA KYO? HAHAHA? MAGALING KA BA? DONT BE SO JUDGMENTAL! THEY’RE TRYING THEIR BEST PRA MAKPAG PASAYA NG TAO.. IKAW KAYA SA KALAGAYAN NILA AT GANUNIN KAU? ANU MAFIFIL NIO? OUCH DBA? PARE PAREHO LNG TYONG TAO! KAYA KUNG MAG COCOMMENT MAN, WAG NAMAN UNG MASAKIT NA AKALA MO KUNG SINU KAYO! DUH??????? ANG GALING NIO NAMAN! HAHAHAH! ATLIS SILA SIKAT. KAYO NDI KAYO KILALA! :)

  2. buti nmn mganda ang nsabi ni cristy fermin, kala ko nmn eh..nwei, ganun nmn tlga ang buhay eh..di FLOP cya..ung mga iba dito kung mkapnlait kala mo nmn npakgaling nila..

  3. POOR LOVETEAM,GMA is trying to build this couple as hot tandem in Philippine movies.Akala nila ganun na sila ka sikat…pang baryo lang ang 2 eto dalhin mo sa mga bulubundukin rehiyon patok sila pustahan tau!Isama na rin nila si LOLIT SOLIS AT MACHO GAY na si BUTCH FRANCISCO!

  4. Sa susunod Aljur wag muna kakalikutin dun si Kris ayan nakagat ka tuloy,sinabihan kna nya noon na WAG DUN???center of her earth…ayan ang napapala mo!

  5. madaming commercial si marian rivera so whether we like it or not, love it or hate it maraming naniniwalang advertiser company sa kakayahan nya. in fairness renew sya ng renew ng contrata nya, SMB, matador, maxi peel, sunsilk, fit n right, nesvita. at may kasunod naman sya bago matapos ang taun.

  6. Ito kasing AGB, lakas manloko. Iyan tuloy, pati prodyuser naloko. Ilang beses na bang nalugi si Mother Lily kay Marian. Tapos ito na naman. AGB not credible. Kaya mga prodyusers, ingat sa pagkuha nang artista na akala ninyo ay magiging malakas sa box office dahil mataas ang AGB rating. Naloko lang kayo.

  7. wala naman kasing karisma itong si kris bernal, nahihilang pababa si aljur. kahit ang teleserye nilang dalawa ay walang kagana ganang panoorin sa totoo lang.

  8. Masyadong kasing minadali ni Mother Lily. Lampaso tuloy. O Mothet Lily, I guess tikoy lang ang kaya mong ihanda sa new year sa sobrang dami ng flop-china movies na prinoduce mo. I heard di ka pa nadadala at may movie ka pa for Marian Rivera? Gusto mo ba talagang koronahan siayng Flop Office Queen at ikaw naman ang Flop Office Producer?

    • hndi knmn bitter kay marian ano?
      hndi blockbuster pero kumita nmn kht pa2ano…
      ibig sabihin nbawi ang ginastos…kumita ng onti
      sana lng nkatulong k na sa mga kba2yan ntin at wag puro ka bitteran ang pinaiiral.

      • aminin mo nang FLOP, ok lang na iiyak yan. kahit nga press release sa kita nang tarot wala… kaya sa madaling salita hindi nabawi ang gastos dahil hindi kumita!

  9. Kapamilya ako pero naaawa ako sa young stars na ito. Hindi nila kasalanan na mabaha ang buong ka Maynilahan sabay nang palabas nang pelikula nila. Siyempre, uunahin pa nang lahat ang mapalitan muna ang nawalang ari arian kaysa manood nang sine. Give these two young kids a break. Sana, ituloy na ipalabas ang movie nila pag maayos na ang lahat.

    • ur right!! ung iba kc masyadong magdown ng kapwa
      kala mo cla na ang pinkamagaling..give dem a chance at baka sa isang kisap mata mas sumikat pa cla sa mga iniidolo ng mga nagma2gling d2.

  10. AY naku fermina, kahit anong palamuti pa ang sasabihin, the truth is FLOP ang movie ng GMA’s royal couple

    nag rate lang sa mega ang kanilang serye eh nagilusyon na agad ang GMA at Regal na bigyan sila ng launching movie

    Pwede bah, wag umasa sa AGB lang dahil wala pang dalawang libong bahay lang kinabitan ng metro.
    Whereas sa pelikula kailangan mo ng libo libo o even milyong taong manood ng movie mo. Kundi ba naman lukaret tong si mudra at si anette

Leave a Reply

Your email address will not be published.