Kris at Ruffa, nagkabati na!

Nagkabati na sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez. Si Tim Yap mismo ang nagtsika nito sa kanyang Twitter account.

Nagulat si Tim sa pagdating nina Kris, Diether Ocampo at Ai-Ai delas Alas sa kanyang club, ang Opus.

Sa kanyang katuwaan marahil, hindi niya nakontrol ang sarili at kaagad niya itong ipinost sa kanyang Twitter account.

“Never thought that the day would come when @itsmekrisaquino would walk into my club. She never goes out. Her bro PNOY had a date here though,” tweet ni Tim noong Sabado ng madaling-araw.

Hala, ibinuking pa niya na minsan ay nakipag-date ang kapatid ni Kris sa kanyang bar. Ano ba ‘yan?!

Anyway, nakita ni Tim na nagbatian sina Kris at Ruffa kaya naman tuwang-tuwa siya.

“Spotted-here at opus, @itsmekrisAquino and @iloveruffag officially said hello to each other as friends! Yay to peace!”

Sumama ang loob noon ni Ruffa sa pambubuska ni Kris sa huling araw niya bilang host ng The Buzz. Napaiyak pa siya nang sabihin ni Kris na tiyak na mami-miss nito ang kanilang showbiz-oriented talk show. That was last year pa.

Then, sinabi niya na gusto rin niya si Ai Ai dahil wala itong special treatment na hinahanap.

“Here with ai ai delas alas. I really like her. She is so nice and shuns special treatment “We’re Okay, Tim.” What she said.”

ITINANGGI NI ERICH Gonzales na dyowa na niya si Enrique Gil na kasamahan niya sa Shout Out. Natsitsismis lately na more than friends ang dalawa at na-develop sila dahil sa madalas nilang pagsasama sa nasabing teen show ng ABS-CBN.

“Gusto ko lang linawin, it’s not true po na sinasabing kami. Close lang po kami because of Shout Out. At hindi lang naman po ako sa kanya close,” sabi ni Erich sa launching niya as the new face of a cosmetics brand.

“Lahat po sa show, naging kaibigan ko na and lumalabas po kami ‘pag nagkakayayaan after the show… like kasama ‘yong ibang stylists, ‘yong staff po ng show,” dagdag-paliwanag ng dalaga.

Tuwang-tuwa si Erich sa tinatakbo ng kanyang career ngayon. Isa siya sa hosts ng Shout Out at magsisimula na siya ng sarili niyang soap, ang Maria del Barrio na adaptation ng hit Mexicanovela of the same title na pinagbidahan noon ni Thalia. Tapos may uumpisahan pa siyang movie sa Star Cinema.

BLIND ITEM: OVER protective ang manager na ito sa kanyang alagang bagets. Ang unang balita, tumawag daw ang manager sa production ng isang teen-oriented TV show para palayuin ang kanyang alaga sa anak ng isang artista.

Ang pangalawang version naman ay tumawag daw kasi ang madir ng isang teen star sa production para sabihang pigilan ang young actor na manligaw sa anak niya.

But it turned out na it’s  the other way around. Ang manager pala talaga ang tumawag sa production para malaman kung totoong nanliligaw ang kanyang alaga sa young actress na anak ng isang celebrity.

Para hindi na lumaki ang gulo, ang madir na lang ng teen star ang tumawag sa production para palayuin ang alaga ng manager sa kanyang anak.

Kaloka ang manager na ito. Gusto niyang sa kanya lang ang kanyang bagets na alaga. Ayaw na ayaw niyang maagawan! Ano ‘yon, habambuhay ang kanilang relasyon?

Kung sa bagay, bongga naman talagang mag-alaga ang manager. Pabahay na niya ang kanyang alaga ay pakotse pa.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

14 thoughts on “Kris at Ruffa, nagkabati na!

  1. ano ba namn ang bago sa pamilya ni riffing kundi manggamit walang nasa isip kundi pera di ba cnasabi pa na naiinggit si kris dahil sa talent fee ni ruffing hahaha ngayon nasaan na c ruffing kung hindi manggamit ng ibang sikat na stars di ka na makakabalita

    • Parang sa interpretasyon ko noong nag-aaway sila sa The Buzz, parang si Kris ang nagamit noon. Sa paningin ko, ginawa yon ni Ruffa ang walkout issue kasi baka gusto na lang siguro talagang aalis ni Ruffa sa ABS kasi noon yong kapanahonan na ang bango bango talaga ng TV5. O di tingnan nyo, paglabas sa ABS ni Ruffa,pasok agad sa TV5!!! Parang gusto yata gawin ni Ruffing na bobo lahat ng tao na hindi nakaintende.

  2. Eto ang link kung gusto nyong makapanood ng mga show sa tv5: http://www.pinoy-ako.info. Pag nakapasok na kayo, you'll see all the shows that you want to watch on the left side of the screen. I-click lang ninyo kung anong show ang gusto ninyong panoorin, be it ABS-CBN, GMA or TV5. Dun ko na lang pinapanood ang Imortal at Clara coz both shows come on in the afternoon. Kung minsan lang, paputol-putol ang mga show ng tv5. Enjoy!

  3. eh ano naman?pareho naman plastik yan si kris orocan,ruffa tapperwear.yung dalawa na iyan pag hindi napapagusapan gumagawa ng isyu.tapos yung mga reporter sa showbiz babayaran para maisa publiko
    dami mga showbiz reporters na bayaran.

  4. …siguro, hindi naman issue kay kris at ruffa ang naging tampuhan nila e,,,yung ma-deer ni ruffa ang mahilig kasing pumutak.tapos kung anuanong masasakit na salita ang ibabato nya sa nakabanggaan ng anak nya,,,sobrang defensive,nagiging MONSTER PARENT tuloy ang tingin ng mga tao… :)) opinion lang po…

  5. eh sino naman ba si Ruffa para kay Kris, ni hindi na namin nakikita c
    ruffa buhat ng umalis sa the Buzz. kaya para makarinig ka ng news abt her kailangan ikabit mo ang name mo sa mga sikat na pangalan para mamention ang name mo di ba.RIDE RIDE RIDE my dear Ruffs.

    • hindi mo na nakikita si ruffa buhat ng umalis sa the buzz??? either bulag ka o tiga ibang bansa! dapat sauyo maging happy at friends na sila! palaka!!

      • kaya nga di ko cya nakikita ni minsan sa tv eh dahil wala ako dyan eh.sasabihin ko ba namn yon kung napapanood ko cya.hehehe kaya dapat talagang gumawa ng news para pag usapan.pumayag ka na kasi

      • agree ako sayo jeng. wala na ding akong balita kay ruffa ng umalis sya sa the buzz. nababalitaan ko nalang sya sa issue nila ni JLC.

  6. nagpapasikat yata itong addict na ito ginagawan ng way na kunwari pagbatiin para me ma ipost sa twitter account at para pag usapan sa tweetbiz, tapos pinagkalat pa nito na tumawag si shaina ke ruffa ng madaling araw.. tsismoso… baka nakukulangan ka pa sa exposure mo sa party pilipinas at tweetbiz at baka gusto mo yata na mapansin ka at mapunta sa showbiz central.

    • tama k jn gumagawa lng ng ingay c ruffa pra mpg usapan bliw n ata yn..
      papansin…bruneigirl tlga…kayod lng girl…pasosyal wala nman issosyal alam nmn ng
      lhat n bruneiyuki k

Leave a Reply

Your email address will not be published.