Kris at Diether, nagkaka-inlaban na?!

SA TOTOO LANG, mukhang mali ang naging desisyon ng Marie France kay Sharon Cuneta. Kasi kahit sabihin pang malaking artista ito, hindi naman nakikita ang katotohanang pumayat na nga ang aktres sa kanilang produkto.

Sabi nga ng maraming tao na nakakakita sa billboard ni Sharon sa kahabaan ng EDSA, nagsisinungaling ang Marie France at photoshopped lang ang nasabing larawan ng aktres. Payat si Sharon sa billboard, pero sa personal ay parang wala pa ring nabawas sa timbang nito.

MAY NAKAKITA KAY Kris Aquino at Diether Ocampo na sweet daw sa isa’t isa. Duda nang amin source ay totoo ang balitang may itinatagong relasyon ang dalawa. Say pa ng aming spy, mukha raw nagkaka-inlaban ang dalawa dahil kita sa kilos at galaw ng kani-lang mga mata.

Teka sino ba talaga ang type ni Kris sa showbizlandia, ang dami-dami naman yatang lalaking gusto niya?

ANG SABI NI Rosanna Roces, hindi siya naghihirap. Pero ayon sa aming mahaderang spy, naibenta na raw ng dating sexy aktres ang halos lahat ng mga ari-arian nito, pati na ang bahay sa Commonwealth ay may buyer na rin.

Iwas si Osang na pag-usapan ang tungkol sa financial, pero pagdating sa pag-ibig, masayang nagkukuwento ang aktres, kun saan ay may bago ito ngayong kakuyangyangan na talaga namang super guwapo kumpara sa dati niyang boyfriend na abogado.

SA TOTOO LANG, habang tumatagal ay lalong papangit nang papangit ang programang Noah ni Piolo Pascual at maging ang Imortal nina Jhon Lloyd Cruz at Angel Locsin ay pumapangit na rin.

Hindi sa nagtataray, pero karamihan sa mga nagiging programa ng Channel 2 ay maganda lang sa simula, pero ‘pag nasa kalagit-naan na, pumapangit na.

AYON KAY ROXANNE Guinoo na kakakasal lang, hindi pa raw puwedeng sundan ang kanyang baby dahil mahirap kung siya ay magbuntis. “Siguro after five years na lang bago, masundan dahil mahirap manganak, ‘no?!”

Sinabi pa rin ni Roxanne na kahit hindi na siya masyadong abala sa showbizlandia, masaya naman siya sa takbo ng kanyang buhay sa piling ng mapagmahal na asawa at super bibong anak.

Simple man ang naganap na kasal ni Roxanne, proud pa rin siya dahil at long last ay natagpuan na niya ng lalaking makakasama habang buhay.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

30 thoughts on “Kris at Diether, nagkaka-inlaban na?!

  1. ay naku sabihin nyo ng ;lahat basta para sakin ang maalaala mo kaya ang the best na drama. sana nga lang gawin evryday para yun na lang ang panunuorin ko wala ng iba… miss charo santos.. more power to you.. love your show.. maalala mo kaya..

  2. Lahat ng tinitira ng Juicy at Paparazzi ay mga talents ng ABS-CBN at GMA7, kasi inggit na inggit sila. Sabi nga dun sa nabasa ko, ang tv5 ay bagsakan ng mga walang trabaho ng dos at siete. LMAO!

    • Noon ko pa yon na pansin din, unfair ang mga hosts ng Juicy at Paparazzi dahil ang ABS at GMA lang ang binabanatan nila. At pinagtawanan din nila ang mga personal defect ng mga artists ng ABS at GMA. Mayroong isang BI daw sabi ng kaibigan ko na klarong si Jovit Baldovino ang tinutukoy na maraming mani mani daw sa mukha. The nerve!!!! Pusteso ba yong mga ngipin ni Cristy Fermin? O yon, pinagtawan ko rin yong ngipin ni Cristy. Maganda ba pakinggan Cristy Fermin na nilalait ko yong mga ngipin mo? Masarap ba pakinggan Cristy? Hindi! Hinding hindi maganda pakinggan yong minaliit ang bigay nga Diyos sa atin, masakit pakinggan yon Cristy, so ano kaya ang naramdaman ng mga artists na walang ginagawang mali sa iyo at binabanatan mo ng napakababang uri ng pambabastos? Anong ginawa sa yo ni Janel Jamer at iba pang mga artists? Sana tingnan muna ni Cristy ang mukha nya bago nya buksan ang bibig nyang nagdala sa kanya ng mga kaso.

    • Kaya ang hindi pa nakapunta sa flippish.com and then i click yong Pinoy Parazzi Live ni Swarding, Kristene and Jhai, punta na kayo doon and start from their original episode from way back in June, 2010 at doon maraming bahong pasabog si Swarding against Crispy Pata. Marami kayong malalaman sa kanya. At doon din kayo sa hatawtabloid.com and i click nyo yong showbiz at maraming BI or regular feed doon si Peter Ledesma or Pete Ampoloquio about Crispy Pata. Marami kayong malaman doon about this Patapatahan.

  3. well…ano pa ba maeexpect natin, showbiz reporter ito ng TV5 eh. basahin nyo credits sa Juicy, andun name nya. Obvious naman kung kanino loyalty nya, hehe

  4. bakit ba ung tv5 panay pasira sa mga taga ABS lalo christy fermin.grave ung juicy hindi na sweet!!!sour n sya ngayun buti andon shalala

  5. sana nga makabalik na sa tv o movies si ROXANE GUINOO AT KRISTIN HERMOSA ,,we miss them,,,dalawa sa may prety faces,,magaling umarte at may mass apil talaga,,keber kung may asawa na sila,,work lang naman ito,,diba,,at the end,,KRISTIN is mrs,SOTTO,, at si ROXANE is mrs,..YAP,,yun lang yun,,proffesionalism,,,lalo na now,,may anak na si rox,,she needs mag ipon para sa edukasyon ng bata,,di muna nila susundan ang anak nila,,kase magshowshowbiz pa si ro,,at tutukan muna nila ang marriage at relasyon nila,,

  6. wish nyo lang,,,hindi talaga si kris ang tipo ng babae ni diet,,no no no no,,wahahahaha,,asa kayo,,,gusto ni diet isang babae talaga na maayos at may decency sa buhay at simple lang,,,,diet living qiuetly now,,at role model sya sa tao at into god din,,so,,hindi ang maingay na si kris ang tipo nito,,mahinhin at simple ang naging gf ni diet like KRISTIN HERMOSA AT REMA OTSWANI..yun na,,

  7. ROSANA ROCES is fines t actress,,sana more tv series at movies,,we miss her,,mataba ba sya now???hay nako,,till now,,ba pokpok padin si osang,,wahhah.kung sino sino ang sinasamahan,nya,wahahhaha,,di na nagbago kung kelan lola na sya,,,hay nako,,,,kala ko nga director na sya,,mas ok maging director nalang sya,,,pero wag ng malalaswang movies,,wahhahahah,,,,we miss OSANG..sana magka tv series sya,,

  8. sayang talaga,.,,.kase si KRISTIN HERMOSA ang nagpaparate ng noah,,diba,,true bang lilipat na sa tv5 si TIN ???pero sabi sabi naman,,gagawa sya ng MMK soon sa dos at tv series wid EDWARD MENDEZ AT JON AVILA,

  9. maganda sana ang NOAH,,lalo na kapag andun si KRISTIN HERMOSA,,,bagay kase sila ni pj,as tandem,,,pero naging busy si tin sa wedding nya,,kaya yun,,
    hay nako,,di naman po type ni DIET ang gaya ni kris,,wala lang,,,hindi si kris,,ang tipo ng babae na para s akanya,noh,,yuck!!!!!

    we love ROSANA ROCES,,sana papayat sya,,magaling syang actress,,sana naman mapaayos pa life nya at wag syang magbilang ng jowa,,diba,,nasa edad na sya,,she deserved to be loved naman,,kala ko ba director na si ROSAN ROCES??sana more tv series at movies for her,,pls..shes a great actress,

    we love ROXANE GUINOO,,ganda nya sa wedding nya,..sana talaga mapatibay ang relasyon nila ni elton,,

  10. Bakit ba sa tuwi na lang na meron bagong movie si Kris A, lahat na lang ng lalaki ay naili-link sa kanya. Napaghahalata tuloy na gumagawa lang sila ng ingay para panoorin ng mga tao ang movie nila.

  11. oo nga maganda iyong imortal basta kapamilya ibang klase ang storya kumpara sa kabila na alam mo na agad ang wakas ndi ata marunong manood itong manunulat na e2 cguro nga bayaran sa kabila para manira..

  12. haha! kung nakamamatay lang ang mura, unang araw pa lang ay tigok na ang writer na ito. BOPOL kasi eh, hindi nagiisip.

  13. ay nku ha tong baklang nagsulat na to hindi nanunuod ng imortal naninira kse me ibang nagbbayad sayo…manuod ka muna bago magcomment ha..at walang maniniwala sa yo nyan…

  14. eengot engot pla tong writer n to e????nanonood kb ng imortal o naki2nig k lng s cnasabi ng mga kapuso???? FYI hndi po papangit ng papangit ang istorya ng imortal dhil lalo p po syang nagi2ng kapanapanabik!!!ek ek mo…manood k bago k magsulat…

  15. boplaks pala nagsulat nito e..

    papangit-pangit daw ng ang Imortal, e ang husay-husay nga ng palabas?
    Anu ba ang maganda sau,ung Machete ng kabila?ung dwarfina?sus, walang-wla sa Imortal yun..baka mababaw lang ang pangunawa mo at di kaya ng utak mong mag-appreciate ng matinong palabas

    • anohhhHHHH? pangit ang imortal? nakakaloka ka kang bakla ka! anong maganda sayo yung sa kabilang ewan kung anong klaseng palabas meron sila. bobo ka siguro ano? hindi ka marunong tumingin kung ano ang maganda sa pangit. o baka naman may groceries ka buwan buwan kaya maganda sayo yung sa kabila. bwisit ang baklang ito nakakaloka.

  16. ikaw lang ang nagsabing pumapangit na ang Imortal. Bakit di mo ikumpara ang mga shows ng tv5 kaya naman kulelat sa ratings, pulos 1 digit lang. lol!

  17. isa kang bayarang reporter at publicist ng TV5 kaya sinisiraan mo ang noah at imortal.magkatapat kasi ang timeslot ng 2kapamilya shows na 2 sa upcoming new series ng tv5 na HAMPASLUPA kaya ngayon pa lang sinisiraan mo na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.