KRIS AQUINOAT SHALANI SOLEDAD, MAGBABAKBAKAN SA 2013 ELECTIONS?

OLACHIKKA!!! DON’T make your Monday a blue Monday! Super maximum authority talaga ang mga chikka!

Naloloka talaga ako sa mga palabas ngayon, kaya parang mas pi-piliin ko na lang sana na mag-internet, kaya lang, hindi mo talaga maiiwasang manood ng TV.

Heto na. Mukhang hindi naman magtatagal ang Happy Yipee Yehey! dahil marami talaga ang nagsasabing malungkot itong panoorin. At talagang makikita mong nagpaplastikan na lang sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Ano ba naman ‘yan? Magpapakaplastik ka para lang maipakita n’yo sa mga tao na mapapasaya n’yo ang programa. Kaya lang, kahit ako mismo, wala akong nakikitang kasiyahan d’yan. ‘Kaloka, wala talagang totoo sa showbiz industry! Kailan kaya nila talaga mapapabagsak ang Eat… Bulaga!?

HETO ANG SUSUNOD kong chikka, talaga naman pa lang lilipat na sa Kapamilya ang SexBomb dahil nitong mga nakaraang araw, bali-balitang nagpupunta si Madam Joy Cancio sa ABS-CBN para makipag-meeting sa mga big boss dito.

Ang tanong: magtatagal naman kaya ang SexBomb sa Kapamilya kung sakali?

HETO PA ANG pinaka-nakakalokang chikka. Tatakbo raw sina Kris Aquino at Shalani Soledad sa 2013!

As if naman mananalo si Shalani. Eh, mukhang ang kapit niya at susuporta sa kanya ay wala naman ding binatbat. Siyempre kung ako ang tatanungin, siguradong sure win na si Kris dahil meron siyang binatbat at isa pa, matalino siya. Kaya kung tatanungin n’yo ako kung ikakapampanya ko ba si Kris, go ako d’yan. Kahit walang talent fee!

BLIND ITEM: SINO itong aktres na nali-link sa isang mataas na pulitiko at bali-balitang sa tapat ng bahay nito madalas na makitang naka-park ang sasakyan ng pulitiko? Hindi pa rin talaga nawawala ang issue at talagang matatag ang kanilang relasyon! Ikaw na ang dyosang aktres!

Kaya naman para sa mas mara-ming chikka at more clue, makinig na lang kayo sa programa ko, kasama ang aking anak na si Lady Camille, Lunes hanggang Biyernes 11:30 – 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494 khz. At tuwing Linggo sa programa ko sa DZRH 2:30-3:30 PM.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

8 thoughts on “KRIS AQUINOAT SHALANI SOLEDAD, MAGBABAKBAKAN SA 2013 ELECTIONS?

  1. PAREHO LNG NA LASPAG YAN PINAGKAIBA LNG NILA C KRIS OPEN BOOK ANG BUHAY C SHALANI MASYADONG PAHINHIN EFFECT PERO IM SURE DI NA YAN VIRGIN.

  2. mas may breeding naman si Ms shalani keysa kay Kris nuh!!!!!!!!!! kung di lang kapatid ng presidente yan si Kris or anak nina Pres Cory yan..ewan ko lang saan pupulutin kalandian niyan!! don't compare them kasi ang layo layo ng agwat if credibilty at integrity ang paguusapan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.