Kris Aquino, walang pakialam sa mga taong walang silbi sa kanya!

SABIHIN NA NATING very marginal ang kanilang agwat, malaking sampal sa presidentiable candidate na si Senator Noynoy Aquino ang results ng mock elections sa Ateneo de Manila in favor of his opponent Gibo Teodoro, considering na alma mater niya ito.

At alma mater din ng kanyang kapatid na si Kris! Nakaungos si Gibo, na isang Green Archer (La Sallista), sa dapat sana’y bailiwick ni Noynoy. This side of showbiz, ayaw naming isipin that Kris has a lot to do with her brother’s dwindling survey ratings.

Gusto kong patulan ang sentimyento ng ilang press people na bumisita sa The Buzz kamakailan. No pansin daw sila kay Kris. Truth to tell, hindi na bago ang pinaiiral na selective amnesia ni Kris sa mga reporter na hindi niya feel batiin, as I have been a victim myself!

In fairness to Kris, she’s just being consistent, with or without Noynoy’s desperate attempt to be the next president. People who don’t matter to her, para sa kanya are non-existent.

BLIND ITEM. MINSAN NANG DINISCOURAGE ng ilang kaibigang press people ang aktor na ito, anak ng isang sikat na aktor-pulitiko, from pursuing a mestiza actress na produkto ng isang artista search.

“Hindi kayo bagay, ang tangkad-tangkad sa ‘yo nu’ng type mo,” pangangantiyaw ng isang close reporter-friend sa young actor. Buwelta naman ng ‘di kataasang aktor, “Eh, ano? Malaki naman ang kargada ko!”

Kunsabagay, ‘yung Ipinagmamalaking penile size ng aktor is a biological fact that can be traced to his grandfather-actor na sandamakmak ang mga anak sa iba’t ibang babae. Minana rin ito ng kanyang ama, na ang “sandata” ay minsang hinahabul-habol ng mga magkakaibigang aktres.

HANGGA’T MAAARI AY ayaw makisawsaw ni Aiko Melendez sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Ara Mina just because the latter has taken the political boat ride na lilisanin naman ng una.

Hindi pa rin kasi maiaalis na iugnay sina Aiko at Ara sa isa’t isa who were both common in Jomari Yllana’s lovelife, lalo’t sa landas din naman pala ng pulitika sila magkakasalubong.

Aiko can only speak for herself. Dumaan din naman kasi siya sa istratehiya ng kanyang mga kalaban to discredit her, ngunit mas pinairal niya ang mga gawaing mapagkukunan ng inspirasyon more than dampening her spirit.

Kumpara kay Aiko na nanilbihan ng siyam na taon, Ara is not even a political neophyte. Kung binansagan si Ara na isang viral campaign ang edited video clip na pinagmukha siyang syunga-syunga, the worse is yet to come.

All throughout her nine-year term, Aiko has had the blackest of the black propaganda na puwedeng iisyu laban sa kanya, yet she has wiped herself clean from it all. Magsilbing hamon din ito kay Ara.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

18 thoughts on “Kris Aquino, walang pakialam sa mga taong walang silbi sa kanya!

  1. hayyyzzz…. kaya nga maagang namayapa ang bayani na si ninoy dahil ayaw nyang abutan ang mga kahihiyang nagyayari ngayon sa mga mongoloid este! mga anak nya..

  2. Aware lang naman ang mga elitista na si Gibo ay katulad ni GMA na economically ruthless and cunning. While Noynoy and Villar are both pro-poor. Nothing wrong with that. But remember that Marcos was also pro-poor. So was Erap. Leaders like these tend to be blind to economic realities. Exciting talaga kung sino’ng mananalo! *crosses fingers for capital flight* lolz

  3. bakit naman kayo papansinin ni kris, eh kung makasulat kayo nang negative articles kay kris eh parang wala nang bukas, hindi kasi sya PLASTIC kaya… BUTI NGA SA INYO! hahahahaha!

    • Dapat kung artista ka, makibagay ka! Sadyang feeling super power ni KRis, balang araw, malolost din ang career niyan, i’m sure siya naman tong magkukumahog sa mga press people.

    • Anu daw sabi ? Kris Aquino walang pakialam sa taong walang silbi sa kanya ?? HALA asan ba tuktok ng writer na to ?? naturalamente noh .. kahit ako wala akong paki sa mga taong walang silbi sakin .. eto kayang writer na to may pakiaalam kaya sa kanya si Annabel Rama kung wala syang silbi dito ?? ang PAPLASTIK nyo na hindi aamin na hindi kayo gaya sa binibintang nyo ke kris, HOY sira ulong writer, itanong mo ke Alfie Lorenzo kung may pakialam sya ke Judy Ann Santos kung walang silbi ito sa kanya .. TANGA

  4. TAMA LANG YAN KRIS!

    bakit naman papansinin ni kris ang mga reporters na isusulat lang nang maganda ang artista kapag nababayaran, at akala nyo kung sino kung mangaral sa mga artista sa mga articles nila eh sila naman talaga itong mga BULOK!

    baka isa rin itong bayarang writer katulad ni cristy fermin. at sino ka naman para pag aksayahan nang panahon ni kris?! bwahahahaha!

  5. ikaw naman INTERESANTE, tingnan mo nga sarili mo sa salamin before you judge someone!

    para kang walang PUTIK sa mukha kung magsalita ka! wala namang pumipilit sa ‘yo na gustuhin mo ang magkapatid na AQUINO dahil constitutional rigths mo ‘yan pero hindi mo mapipilit ang karamihang nagkakagusto sa magkapatid.

  6. obvious naman mr. carrasco na bitter ka sa magkapatid … kinakampanya mo si villar ngayon naman si gibo!

    GOD knows kung sino ang mabuti at masama! i don’t think na papayagan ni GOD ang paninira mo sa mga taong may mabuting layunin.

    sige ikampanya mo ang villaroyo at giboroyo!

    hindi natutulog ang DIYOS!

  7. Yung mga taong may selective amnesia ay mga taong user. Mabait lang sila sa iyo pag may kailangan. Many Filipinos don’t really like Kris Aquino, pinagtitiyagaan lang siya panoorin kasi wala naman maihain ang network niyang ibang talent na kasing daldal at kasing kontobersyal niya. In short, character talaga ang taong ito, she is a spectacle to many Pinoys who want to be entertained in a unique and annoying way. If she has many fans, there are a great number of Filipinos who dislike her as well. She does not represent anything positive, just listen to her talk and watch her body language. Kaya wag na pag aksayahan ng panahon ng mga media ang katulad niya, kung ayaw niyang mamansin, puwes snob her back! There are more talented and morally upright celebrities that should get media attention than this self-absorbed, bratty, materialistic old bitch.

    And on Gibo winning in the Ateneo mock polls, good choice! Results from other schools are thye same. Because that only goes to show that the youth of today know how to select a good leader who knows what he is getting himself into and is prepared intellectually, morally and spiritually to lead the country, not like someone we know who just used his parents’ popularity to launch his candidacy and has no achievements to speak of.

Leave a Reply

Your email address will not be published.