Kris Aquino, tuloy na ang paglipat sa Siyete?

Kris-AquinoWOW! ANG tagal-tagal din ng bakasyon natin, ha! Ang dami nang nangyari habang wala tayong isyu. Kaloka, ha!

Isa nga sa pinag-uusapan ngayon ang napipintong paglipat daw ni Kris Aquino sa GMA 7.

Parang ayoko namang maniwala pero consistent ang isyu na mukhang posible raw na matuloy.

Lalong naintriga nang mag-post si Kris Aquino sa Instagram account niya nu’ng nakaraang Biyernes na magsisimba raw siya sa First Friday mass sa London para bumalik daw ang debosyon niya sa Sacred Heart of Jesus at sana raw mabigyan daw siya ng guidance sa desisyon na gagawin niya.

Ito na nga kaya ang paglipat sa GMA 7?

Eh, meron pang kuwentong may bonggang offer din daw sa kanya ang TV5, kaya tingnan na lang natin kung ano ang statement niya pagbalik.

Ang isa sa kuwento lang sa amin ng mga bading, gusto lang daw ni Kris na gawing sitcom ang My Little Bossings, at posibleng gawin nila sa GMA 7 dahil dito nga si Bossing Vic.

Hay, naku! Bahala na kung ano man ang drama nila. Mas excited ako sa 2016 kung ano ang plano ni Kris sa eleksyon.

Presidente rin kaya ang tatakbuhan niya? Naku, ha?! Nakakaloka na ‘yan!

Pero bongga talaga si Kris dahil lahat na mga pelikulang isinasali niya sa Metro Manila Film Festival, wagi talaga sa takilya.

Ang laki na nang kinita ng My Little Bossings na umabot na raw ng mahigit 400 million pesos. Tinalbugan na nga ang Sisterakas na pinakamalakas sa lahat na mga pelikulang ipinalabas.

Kaya tiyak na may kasunod na naman si Kris na gagawin sa MMFF.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, tuloy na ang paglipat sa Siyete?

Leave a Reply

Your email address will not be published.