Kris Aquino, tinabla si Freddie Aguilar by Alex Brosas

SI FREDDIE AGUILAR daw sana ang kakanta ng Bayan Ko noong araw na ililibing na si President Cory Aquino. Kaya lang, hindi raw ito naibigan ni Kris Aquino.

Say daw ni Kris, hindi niya feel si Ka Freddie dahil nega ang dating nito sa tao ngayon. Ito ay matapos maglitanya ang folk singer ng kung anu-ano against Charice Pempengco and Arnel Pineda. Pinatutsadahan ni Ka Freddie ang dalawa na parang pinatunayan nito ang sinabi diumano ni Mariah Carey noon na Filipino singers ay “monkeys”. Feeling kasi ni Ka Freddie, hindi tama na kinanta ni Charice ang cover version niya ng song ni Celine Dion nang mag-guest siya sa show ni Ellen DeGeneres at Oprah ni Oprah Winfrey.

Anyway, aware raw si Kris na negative nga ang dating ni Ka Freddie sa ngayon kaya inayawan daw niya ito nang may mag-suggest na ito na ang kunin para kumanta ng napaka-espesyal na song for Tita Cory.

Instead, ang suggestion daw ni Kris, kunin na lang si Lea Salonga na world class ang dating at kilalang-kilala sa buong mundo. Nasunod naman, siyempre, si Kris.

Napakaganda ng rendition ni Lea, may kurot sa puso. Ito ang isa sa pinakamaganda niyang performance in recent years. Talagang pinalakpakan ang kanyang number.

PALAGING IKINAKABIT kay Alma Concepcion na “other woman” siya.

“First of all, Dodie is single and annulled. Parati kong kinokorek ‘yan. Ngayon, mayroon akong boyfriend for years, pero hindi kami nagmamadaling magpakasal. Kung may problema siya sa kanyang relationship, out na ako doon,” say ni Alma sa opening ng Pretty  Looks sa Cityland Condominium sa Makati.

“Siya na lang ang tanungin n’yo. I don’t want to speak for other people. I cannot answer for them. I don’t want to talk about other people,” sagot ng aktres nang kulitin siya about the relationship of Gretchen and Tonyboy Cojuangco.

Nasa construction business na pala si Alma, contractor na siya ngayon.  Noong una ay sumosyo lamang daw siya hanggang sa talagang pinasok na niya ito.

In fact, kliyente na siya ni Cristina Decena na isyang image model ng Pretty Looks. Among her projects kay Cristine ay mga bahay na up for renovation, condo units at isang project sa Punta Fuego sa Tagaytay.

At her age, blooming si Cristina at ang seksi-seksi niya. In-acknowledge naman niya ang Pretty Looks sa kanyang kagandahan. Ang say niya, she has to be beautiful lalo pa’t palagi siyang humaharap sa mga tao.

“Una sa lahat, nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili ko. Sila ang nag-aalaga sa akin at happy naman ako kasi nakikita kong nag-i-improve ako. Katulad ko, business woman ako, hindi ako basta-basta pupuwedeng mag-endorse ng isang taong hindi ko pinaniwalaaan. Pupuwede naman akong  pumunta sa pinakamagaling, pero napatunayan ko na isa sila sa pinakamagaling kasi sila mismo ang humahawak sa pasyente nila.”

Ipinagmalaki nina Cristina at Alma ang kanilang mga kamay na nagkaroon ng magandang hubog at nawala na ang mga ugat-ugat.

Hindi nahiya si Cristina na aminin ang mga ipinaayos niya sa kanyang katawan. Ang mga ito ay ang kanyang kamay, ang legs niya, ang kanyang eyebrows.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Kris Aquino, tinabla si Freddie Aguilar by Alex Brosas

  1. kulang lang sa pansin itong si freddei aguilar, anyway, magaganda at guapo ang mga pamangkin ni kris aquino, pwedeng pwedeng mag artista, wala kayang gustong sumunod sa yakap ng auntie kris nila?

Leave a Reply

Your email address will not be published.