Kris Aquino, tatlong gown ang pinagawa pero iisa lang ang nirampa

Kris Aquino

NANG matanggap ang imbitasyon para dumalo sa red carpet premiere ng pelikulang “Rich Crazy Asians“, nagdecide ang Queen of All Media na si Kris Aquino na magpagawa ng isusuot niya sa event sa mga pamosong designers like Francis Libiran, Michael Leyva at ang Cebu-based designer na si Jun Escaro.

Sa naganap na preem, isang yellow Filipiniana gown ang isinuot ni Krissy na disenyo ni Michal Leyva na ngayon ay pinaguusapan sa mga international fashion portals and sites like Red Carpet Fashion Awards (kung saan trending si Kris at ang outfit niya); Variety at  nasa top 5 si Kris sa Vanity Fair.

Na-feature din si Kris sa Harper’s Bazaar (www.harpersbazaar.com) na isa sa mga sikat at respetadong international fashion and lifestyle magazine.

Ang balita namain ay may tampo ang designer na si Francis Libiran at hindi naisuot ni Krissy ang gown na dinisenyo niya para sa naturang event.

May paliwanag si Krissy sa kayang IG account tungkol dito: “Loved your creation, especially the yellow but I have a badly bruised left arm from my Indonesia health scare and the sleeves ended right where the bruising was most prominent,” mensahe niya sa Instagram sa designer na si Francis.

Dagdag pa niya: “Francis was such a good sport—he said whichever Filipiniana would be PERFECT. I just didn’t want people to speculate about my health so I’m expressing it here now—my being anemic makes me so prone to bruising especially after bad allergic attacks.

“I shall wear that beautiful modern Filipiniana SOONEST,” pagwawakas niya sa kanyang mensahe sa fashion designer.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.