Kris Aquino, sobrang nakauumay?!

NAGKATOTOO NGA ANG hula, na bilang host ng programang Pilipinas Win Na Win! ay hindi magtatagal d’yan si Kris Aquino, dahil kung hindi niya maiaangat ang bagsak na rating nito, siya mismo ang kusang aalis.

Hayan na nga, dahil ang isasalang na mga bagong hosts sa iniwanan niyang show ay sina Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Rey Valera at Marco Sison.  Magiging busy na raw kasi sa kanyang bagong pelikula ang mommy ni Baby James Yap, at ang susunod niyang magiging game show ay ang Deal Or No Deal na pinasikat niya noon.

Parang dumaraan ngayon si Kris sa butas ng karayom. Sikat na sikat pa rin siyang pigura sa showbiz. Pero kumbaga sa pagkain, siya ay isang uri ngayon ng putahe na laging nasa hapag, kaya nakauumay na siya. Wala siyang pahinga sa pagkakaroon ng isyu na naglalagay sa kanya sa alanganing sitwasyon ngayon. Nakauumay na ang walang katapusang isyu tungkol sa paghihiwalay nila ni James Yap, at nanganganak pa ng kung anu-anong intriga ang tungkol sa dati nilang pagsasama na dapat sana’y nakasarado na, dahil may anak nga sila. Nawawalan ng simpatiya sa kanya ang publiko.

Patok si Kris kapag gumawa ng horror movie. Bongga rin siyang mag-host ng sariling game show. Pero dahil hindi siya bumagay mag-host ng PWNW, hindi iyon kinagat ng masa, sa totoo lang. Masusubukan kung papatok ang bagong movie niya, ganu’n din ang kanyang bagong game show. Kapag tinangkilik iyon ng publiko, ibig sabihin ay hindi na siya Negastar sa paningin ng mga taong nauumay na sa kanya.

Kung hindi kinagat si Kris bilang host ng PWNW, at gusto niyang balikan ang pagho-host sa The Buzz, wala naman sigurong masama. Madaldal naman kasi siyang talaga, at doon siya nababagay.

Napakagaling na host ni Kuya Boy Abunda, at magaling man ang mga bago niyang co-hosts na sina KC Concepcion, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales ay parang may kulang sa galing at istilo ng tatlo niyang kasama.

Ang kulang na iyon ay si Kris Aquino lang ang may kaya, at siya lang ang kasukat ni Abunda.

FRIENDLY LANG TALAGA si Derek Ramsay, kaya nabibigyan ng kakaibang kulay at malisya kapag bukod sa kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban, makikita mo siyang may ibang kausap na magagandang babae. Kahit kasi anak-mayaman ang guwapong aktor, hindi siya ‘yung tipong namimili at natatakot makipag-usap sa maraming tao sa kanyang paligid.

Una kasi sa lahat, tuwang-tuwa siya, na kahit may edad na siya ay sumikat pa siya nang mag-showbiz siya.

Dahil hindi nga isnabero si Derek, kaya kapag naglalakad siyang mag-isa ay pinapansin niya lahat nang lumalapit, bumabati at kumakausap sa kanya. Animal ang sex appeal niya bilang lalaki, kaya naman maraming babae ang lumalapit sa kanya. Matalas ang pakiramdam niya, dahil kahit mukhang sosyal at maganda ang mga babae, alam niya kung ang mga lumalapit sa kanya ay mga fans lang na gustong magpapansin. Hindi rin siya mayabang kahit harap-harapan siyang pinupuri ng kababaihang artista na gusto siyang makapareha, dahil humahanga sa kanya.

Malihim din naman si Derek sa kanyang mga naunang pakikipagrelasyon. Pero sa ngayon, si Angelica talaga ang nagpapasaya sa kanya. Napakalalim na ng kanilang relasyon, kaya may prediction nga na magkakabiglaan sila sa kanilang pagpapakasal. May tsikang parang pinopormahan din daw nang palihim ni Derek si Erich Gonzales. Ano ‘yon? Sa panahong ito, na lagi silang magkasama ni Angelica? Kung sabagay, sina Derek at Erich ay magkasama sa teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

18 thoughts on “Kris Aquino, sobrang nakauumay?!

  1. HOW TRUE na imbyerna si Kris sa ABS at ayaw niya sa pagbabalik ng luma niyang shows like Game Ka Na Ba?

    Lilipat din kaya ito sa TV5?

  2. WE STILL HAVE TO SEE SOMEONE THAT CAN TAKE KRIS AQUINO’S PLACE. SHE IS ONE OF A KIND. MAHIRAP GAYAHIN. PILIT GINAGAYA NI MARIEL PERO LUMALABAS NA PLASTIK. WITH KRIS, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. MAYBE, THIS IS ONE OF HER FLAWS. SHE SPEAKS HER MIND TOO OFTEN WHICH MAKES HER DIFFERENT AND SPECIAL. I’LL SUPPORT HER ALL THE WAY.

  3. NAKU BUSY LANG SI KRIS SA PAGHAHANAP NG BAGONG LALAKENG AANAKAN ULET SIYA KAYA UMALIS MUNA SIYA SA WINAWIN MAHIRAP ATANG MAGPAANAK AT ANAKAN ITANONG NINYO KAY DAKILANG INANG MARIAN MAY KAHAYUPAN ANG UGALE

  4. khit p ipalit ang pwnw ang deal or no deal n kris isa ako s nawalan n ng ganang manood ng mga show n kris aquino, tama k talagang nakakaumay n ang sobrang kadaldalan n kris. kapuna puna p ngayon puro pera, pera ang laging cnasabe. nakakaawa c james kong laitin ny kya maski hindi ko gusto c james pomabor n lang ako s kanya. sabagay may panahon p para magbago c kris.

  5. AY NAKU PANO BABAENG NYAN..MALAS MANA…ANTI CHRIST MAN SYA……TSAKA LAOOOOSSSSSSSS NA SYA………BOANG BA IN SHORT….KAYA LAHAT NANINIWALA SA KANYA MGA BOANG SAD….LAOOOSSSSSSSSSSS AT MALAS NA PAGKABABAE…

  6. SI KRIS, SA TOTOO LANG, WALA NAMAN TALENT AKSI, KUNDI MAGSALITA LANG (NA MALIMIT WALANG PRENO AT MASYADONG BULGAR NA LUMALABAS SA BIBIG, TAKLESA QUEEN BA). HINDI MARUNONG KUMANTA, MAGSAYAW, KAYA IN ONE BOX LANG SIYA AS TALKING ROBOT.
    THEN QUEEN OF “ALL” MEDIA DAW? OMG… PATI BA NEWSCASTING, GRAPHIC MEDIA SINAKOP NA NIYA, TULAD NG PAGSAKOP NIYA NG MGA JUICY PROGRAM SA ABS?

    • You can say whatever you want against her. Lahat na ng kacheapan na pwede mong sabihin. But at the of the day… she is still “Da Kris Aquino” and you are just no one like most of us here.

Leave a Reply

Your email address will not be published.