Kris Aquino, sinopla si Angelica Jones sa TV show!

DAPAT IWASAN ni Angelica Jones ang sobrang mahabang pagpapaliwanag sa kanyang isyu kapag mayroon siyang guesting sa telebisyon, dahil sobrang kumakain ng oras ang kanyang mga sinasabi. Minsan tuloy, mapapagod ka habang nakikinig ka sa mga sinasabi ng anak ni Mommy Beth Jones, dahil parang sa sobrang dami ng gusto niyang sabihin, kakapusin na siya ng hininga. Ang nakakaaliw lang sa kanya, ang ganda-ganda ng mukha niya kahit galit siyang nagpapaliwanag.

Suki rin si Angelica ng programang Startalk ng GMA-7 kapag mayroon siyang isyu na dapat liwanagin. Madalas nga, sa pagi-ging sobrang tsikadora ni Angelica, look na lang sa sky si Manay Lolit Solis kapag sa sobrang haba ng ipinapaliwanag ng flawless na aktres ay baka maputol na siya sa ere dahil kukulangin na ang oras.

May isa pang ugali si Angelica, na kapag guest siya sa talkshow ay ang dami-dami niyang binabati na mga kakilala, huh!

Nitong huli, sa programang KrisTV, nasupalpal na si Angelica. Kasi ba naman, nang isalang na siya para mainterbyu kasama nina Precious Lara Quigaman at Ina Raymundo, may hawak na kaagad siyang binilot na papel na listahan ng kanyang mga babatiin. Hindi niya binibitiwan iyon, kaya halata mong eeksena siya ng bati.

Nu’ng patapos na ang show, nagsalita na si Angelica kung pupuwede raw siyang bumati. Maagap na sabi ni Kris: “Hindi puwede. Ako na ang babati para sa ‘yo!” dahil kung pinagbigyan ang bati ni Angelica, baka hindi na nakapamaalam si Tetay sa televiewers at naputol na sila bigla sa ere. Kasi’y papasok na nga ang susunod na programa.

‘Kalowkah talaga si Angelica.

 

MAGANDA NAMAN talaga ang intensiyon ni Xian Lim sa kanyang pakikipaglapit kay Kim Chiu. Kaya naging matapang din ang kanyang loob na balewalain ang mga panghuhusgang kanyang naranasan noon, na diumano’y user daw siya at nakikisakay lang sa popularity ni Kim para umangat din ang career.

Marami na talaga sa mga kaibigan ng tsinitang young actress ang nababaitan kay Xian, kaya kinilatis din nila kung hindi susuko ang binata sa mga pang-iintriga sa kanya.

Iilan lang naman sa showbiz ang mga itinuturing ni Kim bilang mga totoong kaibigan, at napupuri niya na ang pagmamalasakit sa kanya ng kanyang mga barkada ay kasali na rin ang pag-iingat sa kanyang magiging kapalaran kung pagkatapos ng hiwalayan nila ni Gerald Anderson ay sino ang susunod na lalaking magi-ging bago niyang karelasyon.

Marami raw may gusto kay Kim para ligawan, pero hindi naman makadiskarte nang pang-matagalan. Si Xian daw ‘yung may kakaibang pagtitiyaga para tuluyang mapalapit sa ex-girlfriend ni Gerald.

Si Xian ngayon ang pinakamalapit na lalaki sa buhay ni Kim. Pero  hindi  pa kayang ipagmalaki ng isa sa mga bida sa pelikulang The Reunion ng Star Cinema na panalo na siya sa puso ni Kim. Dahil sa ngayon ay ang paghanga pa lang ng aktres sa kanyang pagtitiyaga ang napupuri nito.

Pero mahahalata na rin na may kakaibang kilig si Kim kapag itinutukso sa kanya nang paulit-ulit ang pangalan ni Xian, kung paanong naggo-glow naman ang mga mata ni Xian kapag tsika-hang tungkol kay Kim ang binanggit mo sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Kris Aquino, sinopla si Angelica Jones sa TV show!

  1. obviously gumagawa ng paraan si angelica para bumalik sa kanya ang nakabuntis sa kanya pero dahil sa ginagawa nyang kahihiyan sa nakabuntis sa kanya, baka hindi na talaga sya balikan nito! mantakin mo, talagang ipinagkalat sa buong mundo kung sino ang nakabuntis sa kanya at kung anu anong kaek ekan ang mga pinagsasabi! kung di ba naman nag iisip eh di lalong hindi babalikan dahil pinahiya ang nakabuntis! 

    ginagamit lang naman ata ni ate xiam si kim, ate xiam, may pangalan ka na kaya stop na ang panggagamit kay kim. 

  2. UBOD NAMAN KASI NG KAPAL NG FEZ NI ANGELICA JONES KAYA NABUBUNTIS NG TUKO EH ESTE TAO PALA ANG NAKABUNTIS SA KANYA HAHAHAHA!

  3. buti nga sa iyo angelica KSP ka kasi,,, kahit pambabastos ang ginawa sa iyo ni kris,,, tama lang,, kaasar ka na kasi panoorin pag iniinterbyu ka,, para bang di na kailangan magsalita at magtanong ng mga hosts,, i wander kaya pala tsinugi ka noon  at nakainitan ka sa noontime show sa abs-cbn dahil wala ka alam gawin kung di sapawan ang iba mo pang kasamahang hosts,,, tapos nakikisawsaw pa nanay mong abno sa mga isyu dapat sa inyong mag ina ipakain sa mga tuko…….. MGA PAPANSIN,,,

  4. e kaloka na man tlg yang c angelica jones noh! ipag hantaran ba in national tv ang pangalan ng ama ng magiging anak nya.ewan parang may katok tlg!

Leave a Reply

Your email address will not be published.