Kris Aquino, ‘signing off’ na naman daw

Kris Aquino

Kris Aquino

Paulit-ulit na lang ang kadramahang ‘goodbye showbiz’ ni Kris Aquino.

Noong Marso, nag-resign na si Kris sa ABS-CBN at nagtungo sa Hawaii kasama ang kanyang mga anak para magbakasyon. Ang dahilan ni Kris sa kanyang paglayo sa limelight – ang kanyang kalusugan at ang pag-aalaga umano sa kanyang mga anak.

Isa sa tunay umanong dahilan ng ‘pagre-resign’ ni Kris Aquino sa showbiz ang banta umano sa buhay nilang mag-iina mula sa bandidong grupong Abu Sayyaf (ASG). Nabulgar lang ito nang mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang magpahayag sa media ng tungkol dito, na sinabi pa ni PNoy na kabilang si Sarangani Cong. Manny Pacquiao sa planong dukutin ng nasabing bandidong grupo.

Pero nang bumalik sa bansa si Kris kasama ang mga anak, may tinatapos pa itong mga endorsement. Naglibot din ito sa bansa para ikampanya ang mga manok ng Liberal Party na sina Mar Roxas at Leni Robredo, kung saan katakot-takot na batikos ang inabot ng presidential sister dahil sa paggamit ng presidential chopper sa pangangampanya kina Roxas at Robredo.

Nitong May 8, sa kanyang Instagram account, muling nagpaalam si Kris sa kanyang mga supporter. Hanggang July raw siyang mawawala ulit sa limelight. At matapos ngang bumoto noong May 9, lumipad na papuntang ibang bansa si Kris kasama ang mga anak na ayon pa sa kanya, matagal na umanong nakaplano para maiwasan ang banta sa buhay nilang mag-iina.

Nito ngang May 9, sa kanyang IG, nag-iwan pa ng mensahe si Kris sa kanyang fans at supporters bago siya tuluyang umalis ng bansa. Aniya, “I promised my Kris TV viewers I’d share w/ you our new home, no more show but I’m keeping the promise, medyo matagal pa… I’ve always said, my sons & I wouldn’t have what we have now had it not been for the 20 years you allowed me to be part of your daily viewing. I thank my home network ABS CBN, and all our past & current endorsements for the trust & the opportunities to be a part of your lives. Maraming Salamat. Much love & gratitude to all of you. Kris Aquino, signing off…”

Nakakaloka lang na noong Marso, sabi ni Kris, “goodbye showbiz” na siya. Ngayon naman, “signing off until July…” So, ano ba talaga, ha, Kristeta?

By Parazzi Boy

loading...

One thought on “Kris Aquino, ‘signing off’ na naman daw

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.