Kris Aquino, sabik sa sex?

Kris-AquinoAMININ KO, napaka-liberated kong tao na ang saliwa sa paniniwala or norms ng society oks lang sa akin. Hindi ako kumplikadong tao. Sa mga usapin o isyung pwede nang pumasa na hindi naman ako maaagrabyado o ang kapwa ko, walang problema sa akin. Palulusutin ko. Palalampasin ko. Kaya nga sabi ng pamilya ko, iba ako. Iba ang takbo ng utak ko.

Hindi ako pala-simba. Hindi ako nagsisimba. Hindi rin ako nangungumpisal o tumatangap ng komunyon. Kung dati-rati’y ginagawa ko o pina-practice, ngayon ang dami nang nagbago sa paniniwala ko sa Simbahang Kotoliko. Hindi ako naniniwala sa misa na para sa akin ay isang rituwal. Dami ko kasing mga kaibigan na naging pari. ‘Yong iba, mas bakla pa sa akin pero hayun, aaria pa rin tuwing Linggo at gumagawa ng rituwal na ang tawag ng mga nagba-banal-banalan at mga sagrado Katoliko ay Holy Mass.

Pero hayaan n’yo na ako. And do not get me wrong, dahil naniniwala ako sa Diyos. ‘Yun nga lang hindi ako tulad ng iba na gabi-gabi nagdadasal ng rosary. Nagsisimba tuwing Linggo at tumatangap ng komunyon.

Kaya ang tawag ko sa mga ‘yun, mga banal-banalan pero alam ko naman ang likaw ng bituka nila. Pero deadma, sila ‘yun. Keber ko sa mga paniniwala nila.

Sa kaso ni Kris Aquino na ang ina niyang si former President Cory Aquino ay isa marahil sa mga Pinoy na diligently pina-practice ang kanyang Roman Catholic faith (araw-araw nagsisimba, nagro-rosary at kung anik-anik pang ritual na kanyang kinamulatan at nakasanayan) parang sumablay na naman si Tetay last Thursday sa inaasahan ng publiko sa kanya.

Sa late night show nilang Aquino and Abunda Tonight ni Boy Abunda, guest that Thursday evening si Sen. Nancy Binay. When asked ng isang playtime question kung sino ang gusto niyang maka-one night stand (read: maka-sex); nag-beg off si Sen. Binay sa tanong. Hindi nga naman appropriate para sa isang babae, ina, babeng may asawa at isang iginagalang na senador ng Pilipinas para sagutin ang tanong nang hayagan on international television (hindi lang napapanood sa Pilipinas ang show nina Kuya Boy at Tetay kundi pati sa ibang bansa), kung saan hindi man niya pinagbigyan ang mga host, na tama lang at akma sa estado niya. May respeto naman siya sa sarili at hindi naman sexy star si Sen. Nancy.

Pero nang tanungin si Kris with the same question ni Kuya Boy, proud pa siya at agad-agarang sinagot. “Nanonood siya ngayon,” referring sa kung sino man ang suitor or boyfriend man niya ngayon na until now ay palutang pa rin at hindi alam ng publiko kung sino at kung ano ang katauhan nito.

Tuloy hindi mo maiaalis isipin na tipong sex-starved na si Tetay na kung paniniwalaan mo ang norms ng society, ang babae (sa asawa lang niya dapat at nararapat makipag-sex lalo pa’t ibinabalandra ni Kris ang kanyang Catholic faith).

Pero kailan ba ang huling pakikipag-sex ni Kris gayong matagal na silang split ng dating mister? Unless she breaks the rule na “bawal” para sa isang konserbatibong pamilya tulad ng sa kanila ang casual sex. Hindi isyu sa akin.

Ang sex para sa akin, para kang nagpalit lang ng napawisang damit. As casual as it can be kung pareho ninyo namang type as long as you practice “safe sex”.

Tuloy, sa isang intimate party na dinaluhan namin that night after watching Kris and Boy show, si Tetay ang topic ng mga bekis. Mga katanungan na alam kong hindi rin sasagutin ni Kris

Si Daniel Matsunaga na pantasya ng mga bekis at girls, naka-one night stand na ng TV host? Si Quezon City Mayor Herbert Bautista, type kaya ni Kris na maka-one night stand?

Tulad ng casual na tanong ni Kuya Boy kay Kris last Thursday kung sino ang gusto niya maka-one night stand, sa susunod na presscon ni Tetay, p’wede na rin palang pag-usapan ang sex, ang kanyang sexual fantasies at kung anik-anik. At baka matalbugan pa niya si Rajah Montero at Linda Lovelace. Hahaha! Ayan nakasimangot na si Bimby.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Kris Aquino, sabik sa sex?

  1. walang tatalo kay Angel Locsin sa pagiging makati maski si Kristeta! Si Angel di pwedeng mabakante palkibhasa laging nangangati! Marami sigurong higad sa bahay nyan!

    • ‘ nyayayaya ” VIBRATOR” marami yan,,,tanong ninyo kay Ai Ai hahahah’ imported pa ang iba”’yakkkky,,,hahahhaa

  2. sa totoo lang parang totoong sabik sa sex si kristeta kasi atat ng magkaroon ulit ng dyowa hahahahaha! sino ba kina mayor herbet, derek, binay, daniel matsunaga ang bey maikama? hahahahaha

  3. Hanga ako sa katapangan mo pagsusulat at pagsita sa maling ugali ni Kris Aquino lalu na at pinangangalandakan nya ang pagiging madasalin nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.