Kris Aquino: Sa ngalan ng datung, naospital!

MUNTIK PALANG MABAGOK ang ulo ni Kris Aquino nang madulas siya habang naliligo sa banyo.

Isinugod si Kris sa hospital matapos na mag-complain ang TV host sa kanyang mister na si James Yap ng pananakit ng ulo.

“My gosh! Super exhaustion and my lack of balance while scrubbing my legs, I slipped in the shower. Super banged my head around 1:30 AM. So stayed up till 3 A.M. because not supposed to sleep after a bad untog! I’m still dizzy today,” say ni Kris sa kanyang twitter account.

Itinakbo ni James si Kris sa Makati Medical Center kung saan ilang test ang kanyang pinagdaanan. Ang sabi ng TV host, medyo naapektuhan ang kanyang inner ear kaya medyo nahihilo siya.

Since aminado si Kris na sobrang napagod siya, hindi maikakailang naaapektuhan na ang kanyang health sa sobra niyang trabaho. Apat kasi ang show ng hitad sa Dos at talaga namang overworked siya.

Ano kaya ang tingin sa kanya ng Dos, isang makina na hind marunong mapagod? Grabe naman ang Dos kung magbigay ng trabaho, talagang wala yata silang pakialam sa kanilang talent kung magkasakit man ang mga ito sa sobrang pagtatrabaho. Ganyan ba ang isang tunay na Kapamilya?

Actually, may kasalanan din naman si Kris kung bakit siya nadisgrasya. Sa ngalan ng datung, tanggap siya nang tanggap ng project at hindi na niya iniisip na maapektuhan ang kanyang health.

Ang nagagawa nga naman ng pera!

Dapat mag-rejoice na naman ang fans ni Nora Aunor.

Nominado kasi ang premyadong aktres sa 10 Best Asian Actresses of the Decade (2000-2009) Award sa 2010 Green Globe Film Awards.

Ang awards night ay gagawin sa March 23, 2010 sa isang dinner gala sa Westin Bonaventure Hotel’s California Ballroom in Los Angeles. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong bumisita sa 2010 Green Globe Film Awards website.

Nasa short list si Nora sa Asian greats tulad nina Maggie Cheung, Gong Li, and Ziyi Zhang. Actually, si Ate Guy lamang ang pasok sa Philippines. Tatlumpung Asian actresses ang pinagpilian at ang iba ngang Asian countries ay may dalawa o tatlong entry. Malaking bagay na napasama na si Ate Guy sa short list. Imagine, from 30 ay napasama siya sa apat na lang na pagpipilian.

Kaya kayong mga Noranians, ipakita n’yo ang inyong pagmamahal sa inyong idolo sa pamamagitan ng pagboto kay Ate Guy. Para bumoto, just click this link: http://movie- voters.questionp ro.com. Suportahan ninyo ang nag-iisang Superstar!

GRABE PALA KUNG magdisiplina sa anak ang isang napakagaling na character actor.

Nahuli kasi niya ang kanyang nagbibinatang anak na naninigarilyo. Siyempre, galit na galit ang lolo mo. Halos kaladkarin niya ang bagets niyang anak pauwi ng bahay.

Katakut-takot na sermon ang inabot ng bagets sa kamay ng kanyang magaling na aktor na ama. Halos maiyak-iyak na nga ang bata.

Hindi pa nagkasya sa kanyang pagsesermon, umalis ng bahay ang aktor. Pagbalik ay may dala na itong isang ream ng sigarilyo, ang brand na hinihithit ng kanyang anak.

Inilabas ng aktor sa kaha ang 20 sticks ng yosi at pilit na ipinasok sa bibig ng kanyang anak na noon ay nangangatal na sa matinding takot. Ngayon lang kasi niya nakitang galit na galit ang kanyang ama.

Nang akmang sisindihan na ng aktor ang yosi, biglang pumasok ang dyowa nitong artista rin. Na-shock ang kanyang misis at doon sila nag-away.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

17 thoughts on “Kris Aquino: Sa ngalan ng datung, naospital!

  1. ano kaya ang susunod na gimmick ni kris para lang pag-usapan.

    wala nang ginawa ang mga yan para lang maging mainit palagi ang kampanya ni noy noy, kung ano anong padasal, pagkilala at abp ang mga ginagawa.

    next week tatalon na yan sa pinakamataas na building sa makati para front page uli.

    tama na kris yang mga kaululan mo, imbes na iboboto ko si noy noy nag iba tuloy ang isipan ko. nagpapatunay lang na abnormal nga ang pamilyang aquino.

    • excuse me wag ka nmn mang dadamay ng iba if u have nothing good to say about aquino clans better shut up ur mouth read ur history book for u to understand whats the great contributions of aquinos in the philippines…

      ill be praying to God for the lost soul of urs…

  2. Happy to hear that Ate Guy was nominated, that was AMAZING! Ate Guy is the one and only Superstar in our country, a real great actress. Mabuhay ka Ate Guy we love you.

  3. Addendum : …Muntik ng mabagok??? e nabagok na nga yong tao, she said super banged nga raw head nya sa floor kaya nag pa CT scan. Kaya yong damaged, nadamaged nanaman. Please pray for her, Nothing serious Again happened to her.

  4. Mga Prime Cuts na show kasi SINAKMAL LAHAT ni Kris Yap, di na bigyan ng chance yong iba. Yan, sa sobrang job nabagok tuloy ulo, di na yata natutulog. Baka kaya ma apektuhan yong Brain Damaged niya ah, Im worried about that. Uptodate doc findings ; the brain damaged is damaged again.

  5. alex?kelan ka ba nagsimulang maging writer? baguhan ka ba?kakahiyaka,dun ka anlang sa networkmo,nilgay mopapicmo,akala mosiguro photogenic ka,patogenic ka alex

  6. alam mo dapat sayo alex bumili ka nlng ng SUKA halatang pinabili ka lng sa tindahan tpos nging writer kuno na wala nmn sense anu tingin mo sa readers dto mga BOBO KATULAD MO…

    halatang bayaran ka ng GMA kung makatira ka sa ABS makonsiyensya ka nmn gumawa ka ng credible story ung may sense ABNOY KA DAGUKAN KITA JAN PAG nakita kita in person eh

    • ano c alex byran ng GMA…eh kung craan nga c marian nyan grabe…himala nga ngayon at 1linggo mhigit na wala syang pani2ra kay marian eh…whew

  7. she demanded for it, and for a better cause, to fund his brother’s campaign. unlike others who spends dirty money on their campaigns. alex, ur articles has no substance, please feed ur brain,that is if u have one, ok?

  8. may sariling desisyon si kris. nasa kanya kung tatanggapin nya ang show/s o hindi. tinurn down nya ang pgt di ba? pero binawi naman nya agad. kaya wag sisihin ang management. ang babaw namang mag-isip nito.

  9. Sa totoo lang, daapt lang mangyari sa kanya yan. Dahil nag-demand sya ng madaming shows sa DOS. Ung iba nga di na bibigyan. Sya 4 na shows pano manager nya si DEO. Dito pa lang makikita mo kung gaano kagahaman si Kris. What more kung naging Presidente na kapatid nya.

    • tama ba na ipagpasalamat mo pa ang pagkaka-disgrasya ng isang tao?

      di ba ang dapat lang na tamang gawin ay ipagdasal mo ang kaligtasan ng kapwa mo maliban sa mga mahal mo sa buhay?

      tanong ko sa ‘yo, kapag nakakakita ka ba sa personal or nakakapanood sa news na nadisgrasya ang isang tao or isang pamilya eh natutuwa ka pa?

      wala ka man lang bang simpatiya kahit na kaunti sa kapwa mo?

      bakit hindi mo pag-aralan magkaroon ng compassion sa puso mo? bakit ‘di mo pag-aralan na ‘wag humusga ng kapwa?

      ‘di ba dapat nga na matuwa ka sa ginagawa ni kris ang magpakapagod sa pagwo-work para lang matulungan ang kapatid sa kabila ng pagkakaroon ng isang pamilya, imbes na humingi ng tulong sa iba na may kapalit sa bandang huli?

      kapatid, mag-isip kang mabuti! karapatan mo ang magbigay ng komento at opinyon pero sana naman eh ‘yung constructive at walang halong panghuhusga sa kapwa.

      tandaan mong mabuti, ang bawat pangit na salita na sinabi mo at pangit na aksyon na ginawa mo sa kapwa ay babalik din sa ‘yo sa tamang panahon at pagkakataon!

  10. hello mang alex brosas, kasama yan sa pinirmahang kontrata na bigyan siya ng maraming shows na dinemand ni kristeta, kaya magtiis siya

Leave a Reply

Your email address will not be published.