Kris Aquino, pinatitigil magpa-interview ng kampo ni James Yap!

FINALLY, KINUMPIRMA NA rin pala ni Carla Abellana na sila na ni Geoff Eigenmann nang nakausap ito ng mga reporter sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo.

Ang pagkakaalam ko matagal na silang mag-on pero hindi dinetalye kung kailan pa sila officially nag-on. Ang mahalaga, may basbas na raw ito ng kanilang magulang at isa nga sa excited dito ay si Gina Alajar.

Gustung-gusto ni Gina si Carla at tanggap ito ng pamilya, ganu’n din naman si Geoff sa pamilya ni Carla.

Maganda nga raw ito na inamin na ngayon ni Carla dahil wala naman silang project na pinagsasamahan. Baka isipin pa ng iba na gumigimik lang sila. At least wala silang pinu-promote na programa.

Kung saan tapos na ang kanilang Basahang Ginto at ka-partner na ni Geoff si Glaiza de Castro sa Grazilda, saka naman umamin si Carla.

Wala naman daw intensyon si Carla na sirain ang loveteam nina Geoff at Glaiza, pero siguro maiintindihan naman ng mga fans nila na hindi naman nila ito puwedeng itago.

Nag-mature na naman ang mga viewers natin kaya hindi na kailangang lagyan ng romantic angle para bumenta ang isang loveteam.

Kung may Carla si Geoff, meron namang Felix Roco si Glaiza. Kaya tingin ko naman diyan hindi ito makaaapekto sa Grazilda.

Nakakaloka nga, hinulaan pa ng manghuhula na si Mr. E sa Tweetbiz na magiging seryoso raw ang relasyon nina Geoff at Carla at maaaring aabot sa kasalan.

Tingnan na lang natin!

Hay, naku! Heto na naman ang statement ni Kris Aquino: “I’m ready to fall in love again!”

Sinabi niya iyan sa huling guesting niya sa The Buzz at ipinost pa niya sa Twitter account niya.

Kasi naman, ewan ko lang, ha? Narinig ko kasing nagkakamabutihan na raw sila ni Mayor Junjun Binay. Pero siyempre wa pa muna sila comment diyan.

Kaya nga gustung-gusto na raw ni Kris na ma-link si James kung kani-kaninong girls at baka makatulong pa ito sa annulment case nila. Sinabi naman nitong okay na okay na raw sila ni James pagkatapos nilang mag-usap nang masinsinan nu’ng nakaraang Biyernes.

Pero ang gusto naman ng abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan na manahimik na sila habang dinidinig ang kanilang kaso.

Sana tigilan na raw ang kapapa-interview. Hindi naman ito kailangang pag-usapan pa sa publiko, dahil problema raw ito ng pamilya.

Kaya nag-file na pala sila ng Motion for Gag Order at didinggin na raw ito sa November 5.

Hindi na nga raw magpapa-interview si James kapag tungkol sa kanila ni Kris ang pag-uusapan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Kris Aquino, pinatitigil magpa-interview ng kampo ni James Yap!

  1. hay naku kris dapat lang na huminto ka na sa kadadaldal….tama nakasi wala naman naniniwala na sa iyo eh….abnormal na lang maniniwala sayo..

  2. Madam Lolit, please tell your editor to get this updated daily. Panahon pa ni Limahong ang mga topic nyo dito eh. :-)

  3. LAHAT NA LANG MAKATI DITO KAY KRISKATI! DAPAT MAGKAMOT NA LANG SIYANG MAG-ISA SA KUWARTO NIYA AT HUWAG NA SIYANG MANDAMAY NG IBA. KAMUTIN NIYA HANGGANG MAGKANDA GASGAS ANG ____i NIYA!

  4. may mga tanga talaga na tao katulad ng isang ito marunong manira at magsinungaling at lahat na lang yata ng masamang ugali na sa kanya na pag text lang di alam kc bunganga palagi ang ginagamit kaya yan ang laki laki ng bibig at ang pangit pa

  5. sawa na itong si kris sa jumbo hotdog ni james kaya hanap naman niya ay exotic etits na parang kay binay…hay naku super landi talaga ng kris na ito…

  6. mukhang pera ka lolit solis at pangit kang matanda ka inggit ka kasi kay kris kc mayaman na seksi at matalino eh ikaw B…. ang angkan mag sama kayo ng flop star sarah geronimo mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.