Kris Aquino, pinangungunahan na naman ang resulta ng MMFF?!

AWARE NAMAN si Kris Aquino na marami ang nawiwindang kapag nagsalita siya, na kapag mayroon siyang movie na kasali sa Metro Manila Film Festival ay dapat na pumatok iyon nang todo-todo sa takilya. Ganu’n naman kasi ang ugali ni Tetay kapag mayroon siyang isinusugal sa negosyo o kasali ang kanyang sarili, na positibo niyang iniisip at sinasabi na gusto niyang magkaroon ng magandang resulta ang kanyang mga pinaghirapan, pelikula man, teleserye o pagsosyo sa business.

Aminado rin si Kris, na bata pa siya ay ugali na niya talaga ang mag-wish ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na talagang magpapatalon sa sobrang tuwa. Maraming beses na raw naranasan ni Tetay ang magkaroon ng mga proyektong hindi malakas sa takilya, at hindi lang daw siya ang nalungkot, kundi maging ang kanyang mga producer. Pero kapag daw patok sa takilya ang kanyang mga pelikula ay alam niyang mas marami ang nakikinabang at sobrang masaya.

Ipinagmamalaki ni Kris na kapag mayroon siyang pelikula na isasali sa MMFF, kasali siya sa nag-iisip kung papaano iyon mapagaganda at panonoorin ng publiko, at ilang ulit na nga niyang napatunayan iyon. Ngayon pa lang, positibo na ulit niyang ipinagdarasal at ipinangangalandakan ang kanyang wish na mag-number one sa takilya ang kanyang movie kung ipagkakaloob sa kanya ang kaganapan noon. Hayan nga, iniintriga na naman siya na nanghuhula na naman ng resulta sa takilya. Pero deadma pa rin ang sikat na TV host, dahil iyon talaga ang wish niya para sa kanyang pelikula.

 

HANGGANG NGAYON naman talaga, marami pa ring tao sa loob at labas ng showbiz ang nakaka-miss sa dating Rustom Padilla na ngayon ay nagladlad na bilang si BB Gandanghari. Kahit ano pa ang nangyari sa lovelife at iba pang kontrobersiya na naranasan ni Rustom bago dumating ang kanyang pag-amin sa Pinoy Big Brother na siya ay isang bading, marami talagang nagmamahal sa utol ni Robin Padilla, dahil nu’ng siya pa si Rustom ay mapakisama siyang tao. Gentleman talaga ang dating.

Kaya nga, kauna-unawa ang pagnanais ni Mommy Eva Cariño Padilla, na sana raw ay muli niyang makita ang kanyang anak bilang si Rustom. Malungkot kasi talaga para kay Mommy Eva ang mga nangyari, dahil wala siyang magawa ngayon kundi dahil anak niya ang nagpapakilalang si BB ay intindihin na lang ang sitwasyon ng ex-husband ni Carmina Villaroel.  Bakit naman nga hindi? Isang mabuting anak si Rustom nu’ng nagpapakitang-gilas pa siya bilang lalaki.

Mahirap ang magtakwil ng kadugo. Hindi naman kriminal si BB para kamuhian ng kanyang mga kaanak. Pero ayaw ni Mommy Eva na laging laliman ang kuwento kapag tinatanong ang sitwasyon ng kanilang pamilya tungkol sa buong pagtanggap kay BB bilang siya. Pang-unawa lang kasi at pag-intindi ang nasa puso nila ngayon. Kahit naman kasi si Robin ay ikinalulungkot pa rin na hindi na nila nakakasama ang dating Rustom.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

16 thoughts on “Kris Aquino, pinangungunahan na naman ang resulta ng MMFF?!

  1. sa itsura pa lang may pag ka plastik..have seen the other sisters,may pagkahumble sila klike their mom n dad..but kris sadly,di ko maaninag..lahat por showbiz lang talaga..pati sa pagsasalita masyadong exaggerated,kakainis..

  2. isa pa ito’y nagpapatunay na sikat talaga s Kris Aquino dahil maraming tao ang naiingit sa kanya… di vah ate Shawe… hahahaha

  3. I like Kris Aquino kasi prangka siyang tao at hindi plastik.. isa lang ang masasabi ko sa mga Kris haters… ma dead nalang kayo sa inggit… hahahahaha

  4. FAKER!!!!!!!!, NAGMAMALINIS, A CHANGED PERSON KUNO, VERY GENEROUS AND KIND HEART DAW???? In reality, FOR SELF-VESTED INTEREST LAHAT NG GINAGAWA NIYANG TULONG, MGA TANGA WAKE-UP!!! NAG-DONATE NG MAMAHALING BEDS SA CHILDRENS HOSPITAL, KASI HINDI NIYA NAGUSTUHAN AND HOSPITAL NANG NAOSPITAL DOON SI jOSH, SO SHE DOESNT WANT THAT TO HAPPEN WHEN HER KIDS GO TO THAT HOSPITAL NEXT TIME. Nagbibigay nga schools, kasi para manalo siya sa election in 2013 GINAGAWANG “milking cow” ang ABS-CBN, lagi na lang may projects sa ABS-CNN, diba pagka-gahaman ito sa pera? instead mabigyan ang ibang artista who are more deserving than her, siya lagi and bibigyan. Siya na lang ba ang may karapatang kumita sa ABS-CBN?? ABS-CBN baka ma-karma kayo dahil sa babaeng ito!!!! U’re tolerating her evil and wrong doings.
    napaka-ARTE sa show niya with Chiz. Act ur age!!!, it’s soooo irritating seeing u with all those mannerisms which maybe u thought make u cute, matanda ka na teh!!!! Up to this time ma-“illusyon” ka pa rin. Pag hindi mga anak mo ang laging banggit mo , puros “kalandian” at “match-making” na lang ang alam mo, and giving publicity to people u just like. Halatang gutom na gutom ka sa romance and men relationship. Ur body language and words sell you. Maybe bec of ur sisters and the family status u have to protect kaya ka lang nagpipigil to have men in ur life. Ang landi-landi mo pa rin. U can never hide it. Oh well! keep ur guards baka hindi ka manalo sa inaasam-asam mong govt position in 2013. At the end of the day, this woman will continue to use anybody just to get want she wants, USER!!!!!!! Bahala na kayo kung masi-sikmura ninyo ang klaseng taong katulad niya.

  5. Si Kris, utak Intsik yan. Super user at parega-regalo sa lahat para magustuhan ng tao, at syempre ang mga Pilipino, mabibili niya.. Tingnan nyo na lang kung pano niya ituring sina Liz Uy at Vice at lahat ng so-called friends niya, parang katulong nya, kasi tingin niya nakaka-angat siya sa lahat ng level. Atsaka hindi ka nya friend pag di ka sikat, would you think na kakaibiganin niya si Vice kung kalevel lang niya si Pooh at Chocolate?! I doubt it!!

    Unang una wala siyang acting, obvious naman na wala siyang talent sa industriya, pero hinihirang siyang Queen? Kung hindi siya Aquino, starlet lang yan. Pulitika ang umiiral sa Pilipinas at si Kris ang obvious example nyan.

  6. kahit sino common sense iisipin na impluwensiyahan niya!   eh bakit sino ba nakaupo!  wal siyang impluwensiyang manipulahin? kung di engot ung iba!   siya itong may posisyon ! hindi maiiwasan isipin laht ng hulaan niya ngkatotoo! nung maging presidente ung kapatid niya   what coincidence? galing naman niya bakit ngayon   ngkakatotoo!

  7. In fairness to her, she does have influence on some media people, tabloid writers etc. She is generous in giving presents especially to those who agree with her on all points and this is to her advantage. Sorry na lang sa mga hindi niya gusto. She is known to favor certain people and she publicly professes it and sometimes has no regard for the other person’s feelings. As far as her upcoming movie with Vice Ganda is concerned, I hope it does well. But she and VG are polarizing figures. I doubt that the masa that supported VG before will be there again to support him this time. By VG associating himself with Kris can have some disadvantages. He can be perceived as a groupie or Kris’ coat tail- perhaps not to the elite, but in the eyes of the masses, he is. That is just my honest opinion and we can agree to disagree. That’s democracy at work.

  8. tama nga naman c tetay noh..kapag pumatok sa takilya yung pelikula madami ding makikinabang dun noh lalo na yung maliliit na mang gagawa.

  9. SURE NA PATOK ANG MOVE NI KRISSY PLUS VICE GANDA SA MMFF MALAMANG KABUGIN PA NITO ANG ENTENG KABISOTE…

  10. Kris has every right to do what she thinks will serve her best. Mga gago na lang yung nag-iisip na may influence sa kapatid niya ang mga ginagawa nya. That woman is really gifted at marami lang ang naiingit sa kanya. One of the most influential personalities in showbiz.

    • alam mo  ung pagging taklesa niya! dapat bawasan  kuha mo! nasa posisyon ung kapatid niya ngayon.  wag niyang gawin ung dati na wala siyang pakialam  sa ssabihin niya! common sense! siya  sumsira sa pinaggawa niya at ang nababtikos!    sa kanya! at ung kamo naiingit sa kanya alam mo mas ppiliin ko maging mahirap kesa mayaman tulad niya na hindi masaya sa buhay! puro gulo sa lalake ang kinasssangkutan! siya pa nanlligaw sa lalke galante!  hindi nabbili ung kalgayahan nakataw si kris sa harap ng kamera! pagtulog niyan umiiyak kahit sangtambak ang pera! bakit wala na kasing mgseryosong lalake!   wag nyong dddahilan matalino mayaman . dahilan ugali  madaldal! taclesa mapagmando!    may righ t siya oo na mgsabi perohello! hin di na siya ordinaryong tao ngayon! . isa pa       bakit pa maiingit kay kris!  malungkot ang buhay nioyan!   mahirap ka pero masaya ka! maiingit ka diyan kung sino suino na lalakeng pinagdaanan niyan!  wala siyang iniwan sa mmurahing gamit  ginto pero natanso!      tatanda mgisa yan  mgkkroon na lang yan ng boyfriend pero di kasal!   dun na lang siya sa batang binay! bagay sila!

    • ganyan na na talaga si kris!   ngpapakatotoo siya kahit ung dami ng lalke na!  nakarelasyon niya aminado siya diyan! pero kung ako sa kanya  tumahimik na lang siya! kasi naiisip ng iba  kapatid siya ng presidente!    bawat buka ng bibig niya hindi kagandahan    sumesemplang sa kapatid niya!  ngkkataon ba kasi na  ngkakatotoo ung mga hula niya? ung best actor! ung resulta sa takilya! ang galing naman niya! wal ba siyang impluwensiya?   kung ako sa kanya manahimik na siya! para hindi nabbtikos ang posisyon ng kapatid niya. pati ung nagging sakit niya sinasabi nya kjahit personal!  mabuti sana kung hindi siya kapatid ng presidente!   dapat naman isaalng ala niya posisyon ng kapatid niya!  masyado naman siyang confident.  lagi sa sarili siguro kaya niya lagyan ng maraming ticket dun sa sinehan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.