Kris Aquino, pinalalabas na malandi?!

DAHIL NAKATI-KATIHAN NG Superstar na si Nora Aunor na tawagan ako isang madaling-araw, saglit ko na itong inusisa sa nagIng kontrobersiyal niyang pagpapa-banat ng mukha sa isang clinic in Japan, na diumano eh, hindi nga nagkaroon ng magan-dang resulta dahil sa naapektuhan ang kanyang boses. Kaya naman, hindi ito nakakanta sa ilang shows niya na nai-book na at kailangan niyang tuparin.

“Nu’ng magising ako after ng operasyon, nag-panic na ako dahil walang boses na lumalabas sa bibig ko nu’ng nagsasalita na ako. Sumigaw na rin ako, wala. Kaya nu’ng umuwi ako rito sa Amerika, ipina-check ko at ang sabi sa akin ng doktor na tumingin sa akin, naapektuhan nga raw talaga ang vocal chords ko. Hindi ko pa alam kung manunumbalik pa ito, anak. Kaya hindi ko rin masabi kung kelan na talaga matutuloy ang pag-uwi ko riyan. Kasi nga, marami nang plano, pero as usual, walang natutuloy.”

Ang hiling lang daw ni Mama Guy sa clinic kung saan siya ‘ginawa’ ay ang ipadala roon sa Amerika ang medical records niya para nga malaman kung ano talaga ang mga ginawa sa kanya sa nasabing clinic.

Pero hanggang ngayon nga raw eh, hinihintay pa nila ito. Kaya, ang abogado na niya ang umaasikaso nito.

Siyempre, nagtataka ang mga tao kung ano’ng kunek ng binanat na balat sa mukha o facelift sa vocal chords o boses ng isang tao.

Umandar ang pagka-katikatera ko. At sa maya’t maya kong pagbabalik-balik sa aking check-up sa aking doktorang si Grace Carole Beltran, na siya namang umopera sa aking kumapal na balat sa ilong, maaari raw na ang anaesthesia na ginamit ang naging dahllan. Kung sa pamamagitan daw ng tubo ito inilagay sa bibig ng pasyente, maaaring matamaan nito ang vocal chords. At ibinaling nga niya ang kaso sa operasyon ko kung saan talagang hindi siya pumayag na gamitan ako ng anaesthesia at intravenous ang inilagay sa akin para sa operasyon ko. Dahil delikado raw ito talaga lalo na kung masosobrahan. Talagang maraming maaapektuhan.

Kaya kahit face lift ang ginawa, may mga naging dahilan para siya mawalan ng boses.

Hindi ko nga nakilala ang boses ng Superstar nang mag-hello na ito sa kabilang linya. At pareho naming nasabi na oo nga, apektado nga pala talaga ang boses niya.

Wala lang, nangumusta lang. Mukhang alam na malapit na ang aking kaarawan kaya may request itong ipinagawa ng mismong madaling-araw na ‘yun sa akin.

Secret muna!

MASAKIT NA MASAKIT pala ang loob ni Mariel Rodriguez nang may mga tumawag sa kanyang malandi na bunga nga ng whirlwind romance nila ni Robin Padilla.

Kaso, hindi naman nalinawan ni Mariel sa pag-uusisa sa kanya ni Kuya Boy Abunda kung ano nga bang talaga ang pinag-ugatan ng alitan nila ng sinasabi niyang more than a friend eh, sister ang turing niya na si Toni Gonzaga.

Ito rin ang ikina-cry ng foul ng Queen of All Media na si Kris Aquino, nang may magsimula namang magbalita na diumano’y nagbalikan na sila ng ex niyang si Joey Marquez.

Eh, nagkariringgan lang naman ang diumano’y nagkalat ng balita sa binati niyang Joey sa Pilipinas Win Na Win na pinasalamatan niya sa naging pag-aalaga sa kanila ng mga anak niya when they stayed in Hawaii, USA last year. Pamangkin ito ni Mr. M (Johnny Manahan), at Joey Manahan ang pangalan nito.

Nagtataka si Kris kung bakit sa kabila ng pagsisikap niyang paikutin ang mundo sa dalawang anak niya, may mga gusto pa ring lumusot at palabasing malandi nga siyang babae sa pagli-link sa kanya sa lahat na lang ng makakatabi niya sa anumang pagkakataon.

Mariel is now happily married. And Kris is at her best being domesticated!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleMay utang at kontrata pa sa network: Young Actress, malabong mag-ober da bakod
Next articleVice Ganda, kinaaasaran na?!

No posts to display