Kris Aquino, pinahihirapan si James Yap na makita si Bimby?

Kris-Aquino-Bimby-James-Yap James-Yap-Kris-AquinoNAKU, NAKITA ko si Kris Aquino sa Anabel’s Morato nu’ng nakaraang Biyernes ng hapon kasama ang anak niyang si Bimby Yap. Nandu’n din sina Vic Sotto, si Ryza Mae Dizon at ang buong staff ng pelikulang My Little Bossings. Bigayan pala ng bonus ‘yun para suwerte sa Chinese New Year. ‘di ba?

Harbatan ko sana si Kris, parang ‘di nya type makipagtsikahan sa amin, eh. Kaya si Bossing Vic na lang ang kinulit namin pero wala ka namang magetlak sa kanya. Nakita lang namin siya sa labas na nagmamadaling umalis kasi meron pa raw siyang appointment. Tinuro kami sa loob na doon daw kami mangharbat dahil ang daming datung daw du’n.

Siyempre malaki ang kinita ng My Little Bossings kaya namigay na ng bonus at siguro pinag-usapan na kung ano ang kasunod.

Gusto nga sanang interbyuhin du’n si Kris ng Startalk para hingan ng reaksyon sa interview namin kay James Yap na sinabi niyang limang buwan na palang hindi raw niya nakikita si Bimby. Nagbigay raw siya ng regalo nu’ng nakaraang Pasko, pero hindi naman daw niya nakita ang bagets.

Ayaw nang idetalye pa ni James ang tungkol sa visitation rights niya kay Bimby dahil meron pala silang gag order. Pero hindi niya napigilang ilabas ang hinanakit niyang sa billboard lang daw niya at sa pelikula nakikita ang anak niya. Kaya hoping pa rin siyang magkaayos sila ni Kris para wala na silang problema para sa kanilang anak.

Sabi nga ni James, hindi naman daw magandang tingnan na lumalaki si Bimby, hindi pa rin okay ang mga magulang niya. Sana nga magkaayos.

Pero sabi naman ni Kris sa ibang interviews, kung gusto raw talaga ni James na makita ang anak niya, bakit hindi raw siya mag-exert ng effort na makita ito.

Malapit na ang birthday nila, kaya hahayaan naman daw ni Kris na makasama ni Bimby ang tatay niya.

Hindi naman daw niya ito ipagkait. Kaya makikita na rin pala ni James ang anak niya. Hintayin na lang niya sa birthday niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Kris Aquino, pinahihirapan si James Yap na makita si Bimby?

  1. P.I.N. mo lolit puro buladas at kasinungalingan ang pinagsasabi mo. bulok kasi ang keps mo kaya ka ganyan kawalanghiya. tigilan mo na kami.

Leave a Reply

Your email address will not be published.