Kris Aquino, pinaaasa si Herbert Bautista?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo ngayon? Naku, mga kaibigan, maloloka kayo dahil kilala itong actress beauty queen na ito! Hmmm… bakit nga ba?

Dahil mga kafatid, itong si actress beauty queen, halos mga indie film ang nilalabasan nito ngayon, kung saan siya nagbibisi-bisihan, huh! Kaya nagustuhan rin o nahiligan na rin niya ang mag-produce kuno ng mga movie na ganyan, huh!

Alam n’yo ba kung bakit maloloka kayo? Dahil si actress beauty queen, maraming kinukuhang mga artista at ‘yung iba ay halos mga beterana pa at may binatbat talaga sa industriya. Ang nakakahiya lang kay actress beauty queen, o siguro hindi na rin nahiya itong si actress beauty queen, kinuha niya ang mga artista nang walang bayad.

[ad#post-ad-box]

Heller?! Yes, trulily talaga mga kafatid! Halos lahat ng kinuha niyang artista ay wa pay, huh! At ang isa niyang kinuhang artista ay humirit kahit bayaran siya ng isang libo para lang sa movie. Naku day, mga
Ondoy at Inday, tinawaran pa ni actress beauty queen. Take it or leave it sa halagang 500 lang ang kanyang pwedeng i-pay, huh!

Nakakaloka itong si actress beauty queen, huh! Kung makabanat pa naman ito, walang kinatatakutan. Ha-ha-ha! Hmmm… parang gusto kong itulak ang actress beauty queen na ito. ‘Yun na!
MARAMI ANG MGA tagahanga ng magaling na aktor-komedyanteng si Herbert Baustista, kaya nasa dugo na rin nito ang showbiz. Dahil mula nu’ng bata pa, showbiz na ang kanyang kinamulatan. Kahit may tinahak na ibang landas ang aktor ngayon. Hindi rin niya tinalikuran ang kanyang pinagmulan. Batikos dito, batikos doon, sira rito, sira roon. Pero hindi nagpatinag sa mga ganitong paninira ang komedyanteng aktor. ‘Ika nga, good or bad publicity is a still publicity. Oo nga naman.

Pero marami ang nagulat dahil pilit na sinisira ng karamihan ang magandang samahan ng magkaibigang Herbert at Aiko Melendez na kung tutuusin, halos araw-araw na nagkikita ang dalawa. Dahil halos magkasabay rin ito sa mundo ng showbiz.

Ang ibinulong sa akin ng aking parazzi girl, medyo nag-uusap daw ang magkaibigan at sila raw diumano ang magsasanib puwersa sa kung ano ang tatahakin sa darating na 2010. Naku, huh! Paninira lang daw umano ang mga kumakalat na magkaaway ang mga ito. Ang iniisip nila at pinagkakasunduan ay ang kung ano ang ikinauunlad ng kanilang nasasakupang lungsod.

Samantala, marami raw ang hindi nakagusto sa mga binitawan ng TV host actress na si Kris Aquino, tungkol kay Herbert Baustista. Kung noon daw, habang nakaburol pa ang ina ng TV host-actress, nabanggit diumano raw nito sa magaling na aktor-komedyante na sure winner na ito kung itutuloy ang balak sa darating na 2010 sa Quezon City.

Nu’ng nagkausap naman diumano itong si Willie Revillame at Kris, nasabi raw ni Kris kay Willie na kung may plano raw sa darating na taon itong mayabang na TV host na si Willie, siya raw ang susuportahan ni Kris, huh!

Iyon daw ang hindi nagustuhan ng ilang mga tagahanga ni Vice Mayor Herbert Bautista. ‘Yan ang naibulong sa akin ng aking parazzi girl. Nakakaloka, huh! Ano ba ‘yan, Kris! Tsk, tsk, tsk! Naku ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.