Kris Aquino, parang bagyo, pabago-bago ng ugali

HINDI MALABONG mangyari na si Senator Chiz Escu-dero na ang susunod na lalaking kung hindi man iiyak ay manghihinayang kapag nangyaring magkahiwalay silang dalawa ni Heart Evangelista. Sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga ang huling dalawang kilalang taga-showbiz na nagkaroon ng kaugnayan sa bida ng teleseryeng Forever ng GMA-7 na nahirapan at nasaktan talaga sa kanilang pag-hihiwalay. Mayroon ding nakarelasyon ang aktres na hindi taga-showbiz, na marahil ay sobra ring nasaktan sa paghihiwalay ng kanilang landas.

Hindi nakapagtataka na kapag nakarelasyon ng isang lalake si Heart ay masaktan at manghinayang sila sa kanilang paghihiwalay. Si Heart kasi ang tipo ng babae na kapag nakipagrelasyon ay ipaglalaban ka. Ilang ulit nang nangyari sa pagitan nila ng kanyang mga magulang ang hindi pagkakasundo na bumibilang ng ilang taon, na ang isyu ay ang pagmamatigas ng aktres na ipaglaban kung sino ang lalaking kanyang mahal.

Lumabas na rin sa mga pahayag ng mga magulang ni Heart, na mayroon na raw ngayong hindi kanais-nais na ginagawa si Sen. Chiz kay Heart, katulad ng pambubulyaw, na siyempre pa’y ang sagwa nga namang tingnan, dahil sobrang mas bata ang aktres kumpara kay Escudero. Pero ang nakalulungkot dito, wala na si Evangelista sa poder ng kanyang mga magulang, pero nakiusap ang Kapuso star, na huwag naman siyang itakwil ng kanyang mga magulang bilang anak.  Matigas ang damdamin ngayon ni Heart, dahil para sa kanya ay natagpuan na niya ang lalaking tama para sa kanya. Iyan ang pinaniniwalaan niya sa ngayon, na sobrang ikinalulungkot ng mga magulang niya.

 

PAREHONG MAHIRAP pagtiwalaan at paniwalaan sa ngayon ang mga pinagsasasabi nina Kris Aquino at James Yap sa isa’t isa, dahil mainit ang kanilang pinagtatalunan sa ngayon. Ang sagwa ng isang reklamo na nagsasabing hindi raw madalas dalawin ng sikat na basketbolista si Bimby, kaya nawala na ang loob ng bata sa kanyang daddy, na para bang hindi na nito kilala ang kanyang daddy. Samantalang parang kailan lang, sinabi ni Kris sa kanyang show, ang Kris TV ng ABS-CBN, na sobrang masaya ang kanyang anak dahil lagi silang nagkikita ng kanyang daddy.

Pabagu-bago rin si Kris ng kanyang mga sinasabi. Minsan ay sasabihin niyang okey naman na daw ang friendship nila ni James pagkatapos ng hiwalayan, dahil na nga lang kay Bimby na kanilang anak. Pero nang dahil lang sa malaking halaga ng tseke na huli niyang ibinigay kay James, nagdayalog na siya na hinding-hindi raw niya masa-sabi na friends sila ni James, hanggang sa dumating na naman ang pagsisiraan nilang dalawa ngayon.

Si Kris kasi ang ugali ay parang bagyo. Pabagu-bago. Mahirap siyang basahin kung nagsisinungaling ba sa kanyang sarili, kung nangyari lang ang hiwalayan, pero sa puso ba ay mahal pa rin niya ang ex-husband? Si James kasi, mababasa mo, na kahit nagkahiwalay na sila ng mommy ni Bimby, naroon pa rin talaga ang mga pahapyaw na pagbibiro, na iisipin mong may damdamin pa siya kay Tetay. Kaya nga mahirap kuwestiyonin kung bakit niya naramdaman na nu’ng pumasok siya sa bedroom ni Kris ay parang may gusto pa siyang mangyari. Naligaw man ang damdamin ni James, aminin man niya o hindi ay mababasa mo na may natitira pa siyang damdamin sa kanyang ex-wife.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Kris Aquino, parang bagyo, pabago-bago ng ugali

  1. Guys, remember.. this is conjugal property… 
    naniniwala naman kayo kay Tetay na sa kanya lahat ng pera na yon??? 
    di naman pulubi si James nung dinampot nya ah… !
    dahil kung mukang pera talaga si james ay di hatiin na talga lahat ng ari arian ni Kris… pati mana nya mula sa angkan nila ….

    pero kinuha lng ni James yung sa kanya… bakit nga ba?? sympre, para may maitustus sya kung sakaling hihingi si Bimby ng kung ano-ano…alam nyo na man si Bim.. brat din… maluho din…..

    kaya ung drama ni Kris sa hatian??? bulok!!! di nman sa yo yan!! hatiin mo na..

  2. nakakasawa na rin kasi si tetay, puro hindi pagtupad sa pangako ang ginagawa eh, mabuti pa wag na lang siya magsabi ng kung anu-ano para wala ng isyu sa kanya… ito namang si james yap, luhang buwaya, mukhang hindi rin sinsero sa mga sinasabi sa media, mukhang sinungaling rin, magsama talaga sila ni kris tsuk!

  3. oo nga pala napansin din ng ibang reporters sa radyo na pinapakinggan ko like cna ms.f, cory ng dwiz at jobert ng dzmm na ano nga kya ang ngyayari at pare-parehong at sabay2  namy eskandalong kinasasangkutan ngaun  ang mgkaka bday na cna tetay. heart at john prats na sinuntok nman ni jason francisco…feb.14 lahat baday nila…my kinalaman kya to sa alignmnent ngmga planets n stars hehehe…naging astrological bgla…pero wat a coincidence tlaga diba?

  4. agri ako dyan sa prang bagyo c kris dhil pabago-bago ng sinasbi …ang big example dyan ay ang ilang beses na nyang sinabi na mgququit naza sa showbis lalona kpag my kinasasangkutan zang isue, remember ung brouhaha nila ni tsong joey dti na naging natl. isue pa ….ngdeclare dinzang mgququit naza sa showbis dhila sa sobrang kahihiyang dinudulot daw nyasa knyang pamilya pero dinaman nya napangatawanan… ngleave lngza ng 1week sa  show nila ni korina dati at nglungkot lungkotan 4 a wile den bumalik naza at bak2normal na nman za as if nothing happened… prang itong ngyari din ngaun ang anak ngalang nya ang sangkot…prang deja vu nga o history repeats itself , ngdeclare na nman zang mgququit 4da sake of bimby naman daw….well tignan nga naten kung gagawin nya distime….marami nga ang ngdududa at im sure daw ssbhin nman nyang diza pinayagan becoz she has contracts e alam nman nyaun sa una plang….hay naku tetay paulit-ulit knlang….

  5. james is gold digger! he dnt even bother to think na lalake sya at nikapag argumento pa annulment nila ni kris para humingi ng shared ! if u are a man and u earned money on ur own and u dnt earned of that money that u ask from ur ex wife mahiya ka naman kung lalake ka talag!!!

  6. Hoy! baka ikaw ay parang bagyo!!!! kc ang james na yan talaga ay pinipirahan lang talaga si kris if kung matino sya na lalake kusa nalang sya humiwalay at hindi na humingi ihe just proved to the people na mukhang pera sya !!!!l

Leave a Reply

Your email address will not be published.