Kris Aquino, pansamantala lang daw ang pamamaalam sa showbiz

Kris Aquino, pansamantala lang daw ang pamamaalam sa showbizNoong una, may teaser pa na may mahalagang desisyon na gagawin si Kris Aquino na ipaaalam niya very soon. Post niya ito noon sa kanyang social media account. Nagtataka ako kung ano.

Kamakailan kasi, may nakarating sa amin na may pag-uusap diumano si Tetay at ang ABS-CBN management. May pagbabago raw sa kanyang show na “Kris TV”.

Akala ko nga noong una, sa pagre-reformat ng kanyang morning show, makasasama na niya si Anthony Taberna a.k.a. Ka Tunying, na for a change, oks naman ang tambalan nila, if ever, para makita kung may bago sa timplang Tetay plus Tunying.

Pero heto’t sumambulat na lang isang araw ang pag-e-emote ni Tetay na hinihintay ng mga miron, bashers, at mga supporters  ni Kris.

Namaalam na si Kris Aquino, akala ng marami ay for good na (for the nth time) ang pamamaalam niya for the love of her health and family (na para sa amin oks lang dahil need ni Tetay i-prioritize ang kanyang kalusugan at mga anak na dahil sa kanyang kabisihan ay napapabayaan na niya.

Sa kanyang formal announcement sa kanyang social media account; last showbiz exposure na niya (na after the day of announcement, kinabukasan ay nag-explain si Kris na hindi ito for good) ay sa darating na March 23, kung saan panimula naman ng Holy Week. (March 24 is Maundy Thursday).

Sa kanyang IG account, last taping day niya noong Huwebes, March 10, na ipapalabas sa March 23 episode sa kanyang morning show.

Sa pansamantalang pamamaalam ni Tetay, madami sa mga bashers ni Kris ang natuwa nang magdeklara siya that she is quitting showbiz, pero yun pala’y pansamantala lang.

I remember, noong bago nalukluk si PNoy bilang pangulo ng Pilipinas, may ganitong paandar na rin si Kris na para sa marami, hindi na rin ito bago at panis na gimmick.

Sabi ng ilang mga political kibitzer, nauna na si Kris na bababu ng Pinas sa pagbaba sa trono ng kanyang Kuya PNoy. Usap-usapan kasi ngayon na ‘pag natalo ang manok ni PNoy sa darating na eleksyon, nakahanda ang sandamakmak na mga demanda sa Kuya niya at pati sa kapatid niya (si Balsy) na damay ang pangalan sa diumano’y scam sa MRT/LRT deal.

At si Kris, isyu sa mga miron at bashers niya at mga Pinoy na hate ang Pamilya Aquinino ang tungkol sa mga sequestered jewelries ni Imelda Marcos na nakitang suot-suot niya during the APEC kamakailan.

Sa pamamaalam ni Tetay sa showbiz pansamantala, aasikasuhin na lang muna niya ang kanyang mga multi-million businesses.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Kris Aquino, pansamantala lang daw ang pamamaalam sa showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.