Kris Aquino, out na sa game show!

BLIND ITEM: “Hindi ko alam kung sa drugs din, pero sigurado akong sobrang alcoholic ‘yang si _____.”

Kung sinuman ito, maya-maya, ibibigay namin ang clue. Kami mismo, akala namin ay social drinking lang ang kaya ni Guwapong Young Actor.

“Nako, sooobraaang lulong sa alak. Alak na nga yata ang ginagawa niyang tubig, eh. Pagsabihan mo, galit pa sa ‘yo.”

Hindi na rin magtataka ang kausap namin kung isang araw ay mabalitaan na lang niya na napaaway si GYA, dahil sa kalasingan.

“Ang kulit pa naman niyan ‘pag lasing. Ayaw patalo, kaya away na ang kasunod no’n!

“At alam mo ba, ha? Walang exaj, nakakawalong pack siya ng yosi. Grabe! Kaya obviously, amoy ashtray na ang bibig niya.

“Kaya ewan ko kung ano’ng mangyayari sa kanya in the future. Baka maaga siyang singilin sa atay at sa baga niya sa sobrang alak at yosi niya!”

Isa pa raw na sobrang hilig ni GYA ay sa pambababae. “Nako, Ogie, grabe! Sobrang hilig sa babae. Kahit me syota na basta me babae d’yan na alam niyang me gusto sa kanya, titirahin niya.”

Aba, ang prinsipyo pala sa buhay ni GYA ay, “Enjoy while it lasts”, eh. Parang make the most as if this is your last day and tomorrow you will die.

So ano ‘to? Dahil lulong sa alak – kanser sa atay. Lulong sa yosi – kanser sa baga. Lulong sa babae – STD.

Me panahon pa para magbago. Bigyan ng “kwenta” ng aktor ang buhay niya.

 

ME ILANG twitter followers na kaming nagsasabing nananawa na sila sa kalalabas sa TV ni Janelle Manahan.

Parang gusto lang daw bang bumalik nito sa pag-aartista, kaya lahat ng talk show at news program ay nandu’n siya?

Well, sa amin naman ay hindi. ‘Pag magsasalita si Janelle ay tinututukan namin as well as ‘yung pagiging high blood sa interbyu ng nanay ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay.

Kasi nga, para na itong teleserye na inaabangan ng mga manonood kung ano ang naghihintay na wakas.

Personally, bumibilib kami sa tapang ni Janelle sa pagharap sa isyu at pakikipaglaban para sa hustisyang gusto niyang iregalo sa pinaslang na boypren niya.

Kaya saludo pa rin kami kay Janelle.

Ituloy lang niya ang laban at alam naming ginagabayan naman siya ng batas, ng mga taong nagmamahal sa kanya.

At higit sa lahat, ni Ramgen.

 

HINDI SI Kris Aquino ang magho-host ng Kapamilya Deal Or No Deal. Nabalitang si Vic Sotto ang hahalili.

Pero sumagot ang kampo ni Vic. Hindi raw ito totoo dahil wala pang kumakausap sa kanila.

Although sabi nga ni Vic, why not? He welcomes the idea, pero wala naman daw offer ang Dos sa komedyante.

So sino nga ba ang magiging

host ng Kapamilya Deal Or No Deal?

Nalaman na namin kung sino. Totoong si Vic Sotto nga – ang natsismis. Pero ang totoong magho-host ay isa ring TV host.

Guwapo, simpatiko, mestiso, punumpuno ng sex appeal at higit sa lahat, malaki ang notes. Chos!

Hay, naku! Kung sinuman ang masuwerteng nilalang na ito ay una na ang pagbati namin, dahil he really deserves to be the next host of Deal Or No Deal.

Sino kaya sa mga bagong 26k ang matsitsismis sa kanya? Kaso, me girlfriend na siya, eh.

‘Yun na. Alam n’yo na.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Kris Aquino, out na sa game show!

  1. Ogie…pakilagay naman O kaya naman ay pakitanong kay Kris Aquino..kung bakit parang umiiwas siyang i-mention Si Sarah Geronimo sa show niya…halatang halata siya kasi noon ini-interview niya si Joey de Leon..parang lagi niyang nililigaw ang usapan kapag na me-mention na ni Joey si Sarah…at ngayon sa mga sign nang mga chinese lahat na ata nang mga under Dragon sign ay na-mention nya maliban kay Sarah…ano ba ang galit niya kay Sarah.?..Baka magalit na ang mga maka-Sarah sa kanya…at mag-welga sila na huwag panoorin ang mga teleserye, endorsement at pelikula niya…Kaya mga maka-Sarah…kumilos na kayo…para sa INYONG Idolo….kung galit si Kris kay Sarah…magalit na rin kayo sa kanya….at kung hahabol siya nang kahit ano sa pulitika….HUWAG NYO SIYANG IBOTO. .  Sana Ogie iparating mo ito sa kanya…thru your E-Live  show….maging patas naman siya sa lahat…Sana huwag na siyang mag-ka-programa..kung ganon ang attitude niya…  

  2. IT IS CONFIRMED SA KRIS TV.. SI LUIS MANZANO ANG NEW HOST NG DEAL OR NO DEAL… I REALLY DONT FEEL HIM AS THE NEW HOST OF DEAL OR NO DEAL.. SANA SI BOSSING VIC NALANG :(

  3. sana si vic sotto na lang …parang kris aquino tapos luis manzano? okay lang ba ang dos…haler…. magaling si luis pero mas maganda kung host palang eh makukuha na kaagad attention ng mga tao… like VIc Sotto inaabangan ng lahat pagbalik nya sa dos..heheheh! baka nama si JOEY DE LEON yan… hehehhe

  4. Thanks Mama Ogs! Sa clue mo pa lang alam na namin na si Luis Manzano. Love it!!!
    Love his hosting skills. Funny and witty! He deserves to be the new host of Deal or No Deal.
    Agree ang galing ni Luis mag host. Kundi ba naman kabi kabila ang offers niya na mag Corporate hosting kundi siya magaling. God is great.

    Congrats Luis!

  5. My guest si Luis Manzano.. ang magiging next host ng DOND… Sana si Lucky nga.. he deserves to be the host dahil sa totoo lang.. NAPAKAGALING niyang host… nakakatawa.. at fluent mapa english or tagalog… at may laman ang utak.. Kung siya naman ang guest ng isang show… napaka alive ng show… I enjoyed watching him as a guest sa Kris TV.. sana bigyan din si Luis ng isang talk show .. sure na sure carry niya… Congratulations LUIS !

  6. ay naku kung si Luis Manzano yan di ko panonoorin ang DOND, sobrang boring sya maghost at pilit ang pagpapacute. Oh Please ABS-CBN, find somebody better than Luis. Kung mawawala na ang HYY bakit hindi si John Estrada ang ilagay duon?

  7. Parang si Jake Cuenca ang blind item na mahilig uminom, mag yosi at tumitira, hahahaha kasi yong clue ay “kwenta”, parang malapit sa Cuenca. Guess lang naman. At yong isang blind item na mag host sa Deal or No Deal ay parang si Manzano yon. Malaki ba talaga ang notes ni Lucky Ogie? Lucky mo naman Ogie, nakita mo na pala kaya alam mo na malaki. Is is a foot long sub sandwich or just a 6-inch sub sandwich, ahahahahaha….. Nakakaloka ka Ogie.

Leave a Reply

Your email address will not be published.