Kris Aquino, natatakam pa rin kay Robin Padilla!

BLIND ITEM: Nakalulungkot naman kung hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa paninigarilyo ang isang sumi-sikat na bagets actor.
Nakaririnig pa rin kami ng, “Hay, nako, Mama Ogs, super lakas pa ring mag smoke!”
Napakabata. Andami pa namang humahanga. Dapat, role model. Paano kung me makakita sa kanya at kunan siya ng picture?
Baka awatin na ng parents ang mga anak nila na idolohin ito.

Kaya sana mag-isip-isip ang bagets na ito before it’s too late.
Prinsipe pa naman ang tingin sa kanya ng mga fans niya.
Honestly, nanghihinayang talaga kami.

NGAYONG GABI na ang paligsahan sa akting nina Kris Aquino at Anne Curtis sa Kailangan Ko’y Ikaw pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak.
Kung ang A Beautiful Affair ay hindi masyadong lumikha ng ingay, medyo may pressure sa KKI.
Usually kasi, ang mga teleserye addicts, pagkatapos nilang matensyon sa Ina, Kapatid, Anak, ang tendency ay matulog na sila dahil me pasok pa bukas o sasadyain nilang ‘wag nang manood dahil ayaw na nilang matensiyon.
Anyway, let’s wait and see rito sa Kailangan Ko’y Ikaw kung kailangan o ‘di na nila kailangang pumukpok sa promo.

NAKATUTUWA SI Kris  Aquino sa  ASAP18. Hahaha!
Para lang maka-create ng curiousity ay sinabi niyang “ With due respect to Mariel, yummy dito si Robin. Dito siya delicious talaga!”
“Pareho namin siyang natikman ni Anne!” ang walang kabakel-bakel na sey talaga ni Kris.
In fairness, papalicious naman talaga si Robin nowadays.
At higit sa lahat, napakabait na tao.
TULOY NA tuloy na ang post Valentine show ni Marissa Sanchez na “One Night Stand” sa Luxent Hotel on March 2 at 7pm.
Walang guest si Marissa. Talagang one-woman show ang kanyang gagawin.
Dahil sabi na rin sa amin ng mga “followers” ni Marissa sa kanyang mga shows ay kaya namang mag-solo ng singer comedienne.
At dito nga sa kanyang dinner show ay muling gagawin ni Marissa ang impersonation at ang kanyang brand of comedy na walang kakupas-kupas.
For ticket reservation, please call 0917-5077766. (P2,000 at P2,500).

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Kris Aquino, natatakam pa rin kay Robin Padilla!

  1. katakam-takam naman talaga si robin noh! kahit yung pamangkin niyang si daniel eh katila-tilam na rin hahaha! kahit nga si rustom noh! sana pag nagpa-sex change siya eh ibigay sakin ang pinutol na manoy hakhak

      • HAHAHA. BAKA FANTARD NI DANIEL PADILLA. AT ANG BATANG ITO EH DAPAT PAGSABIHAN, TEEN-AGER PA LANG PERO SOBRA KUNG MAKAHITHIT NG SIGARILYO. DI MAGANDANG EHEMPLO SA MGA FANS NYANG KABATAAN.  PADILLANG PADILLA – UGALING KALYE

Leave a Reply

Your email address will not be published.