Kris Aquino, nanlalalaki?!

OLA CHIKKA!! NATAWA naman ako sa balitang biglang kumalat na ang dahilan daw ng hiwalayang James Yap at Kris Aquino ay itong panlalalaki ni Tetay. Sa programa ni Cristy Fermin sa TV5 noong Linggo ay inilahad ng manghuhulang guest nila na si Maricel Gaskell na isang pulitiko raw umano ang third party sa relasyong Kris-James.

Naglitawan ang iba’t ibang kilalang personalidad sa pulitika na mula mismo sa manghuhula at ispekulasyon ng mga manonood. Kabilang sa mga ito si Vice-Gov. Marc Leviste, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Sen. Chiz Escudero.

Bonggang-bongga naman itong si Tetay at bigating pangalan ang nali-link sa kanya, hindi lamang siya Queen of Talk kung hindi Queen of Politics na rin?!

Ano ba naman ‘yan?! Umalis lang sa showbiz si Tetay, gagawin pa rin bang kontrobersiyal pati sa pulitika?! Ang chikkang ito ay nagpapatunay lamang na kahit saan mo siya ilagay ay outstanding talaga! Marahil ay iyan talaga ang dahilan sa kanilang paghihiwalay ni James, wala pang lalaki ang humihigit sa kakayahan ni Tetay!

Gaya nga ng sabi ko, ayoko nang makialam sa hiwalayang ito dahil wala namang kahit sino sa atin ang nakaaalam ng nangyari sa kanila.

Kahit napakahusay pang manghuhula ang tanungin n’yo, hindi nila alam ang totoong nangyari. Kaya kung maaari lamang, tigilan na natin sila dahil isa itong personal na bagay na tanging si Kris at James lang ang makaaayos.

Kaya naman hindi ko maintindihan itong si Cristy at kailangan pang alamin sa manghuhula. Siguro, kating-kati siyang malaman ngunit hindi niyamatanong mismo kay Kris dahlia hindi sila bati! Ha-ha! Bongga ka Cristy at umepek ang chikka mo!

Let’s just wait and see kung in the near future ay makumpirma ang nakita ng manghuhula mo! PAK!

ISA PANG AGAW-EKSENA sa industriya ng showbiz ay itong si Krista Ranillo. In fairness, umepek naman ang interview niya sa GMA-7 tungkol sa paghingi niya ng tawad sa mga taong nasaktan niya. Winner ka dahil muli ay pinag-uusapan pa rin siya.

Ngunit ano mang paglalantad mo rito sa ‘Pinas ang gawin mo d’yan sa bagong boyfriend mong businessman d’yan sa Tate, hindi pa rin matatakpan ang isyung si Manny Pacquiao pa rin ang nagpatayo niyang boutique mo!

Kung umepek ‘yang keme mo at pinag-usapan ka ulit, mukhang hindi winner ang pag-build up mo d’yan sa boyfriend mo dahil iniisip pa rin ng kababayan natin d’yan sa Tate na si Pacman pa rin ang tumulong sa ‘yo… at ganu’n din naman dito sa ‘Pinas! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong comedy actor na naispatan ng aking parazzi girl na sobrang pasosyal or shall we say, nagpapanggap lang?!

Ang chikka kasi, itong si comedy actor daw ay nakita sa isang gimikan sa QC na isang boteng beer lamang ang iniinom. hindi naman ‘yun ang masama du’n eh, malay mo moderate drinking lang ang drama. Pero bakit kailangang isang bote ng beer ang order worth not more than a hundred pesos ay i-credit card pa?! Kaloka, ‘di ba? Wala ba siyang kahit 100 pesos para ipambayad o sadyang nagpapasikat lamang?

Hmmm… Sino siya? Impersonator siya ng kilalang personality sa sports…. Wa-PAC!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:00 NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRHTV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleDusa talaga ang hearing sa kaso nina Hayden Kho at Katrina Halili
Next articleRuffa Gutierrez, ayaw nang pag-usapan pa sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao

No posts to display